Noli Me Tangere Kabanata 22: Liwanag at Dilim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 22 ng Noli Me Tangere na pinamagatang Liwanag at Dilim ay nakatuon sa pagdating ni Maria Clara sa bayan ng San Diego para sa darating na piyesta. Marami ang naaaliw kay Maria Clara at mas lalo siyang naging usap-usapan sa bayan dahil sa kanilang pagkikita ni Ibarra. Dito rin ay makikita natin ang isa sa mga tunay na ugali ni Padre Salvi. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 22

Dumating si Maria Clara kasama si Tiya Isabel sa San Diego para sa pagdiriwang ng nalalapit na piyesta. Naging usap-usapan ng mga mamamayan ang pagdating nila sa San Diego. Si Maria Clara ay kinagigiliwan ng mga taga-roon dahil sa kanyang taglay na kagandahan, kayumian, at magandang pag-uugali. Halos lahat ng kaniyang kababayan at kapitbahay ay kakilala at kaibigan niya. 

Naging usap-usapan din ang madalas na pagkikita nina Ibarra at Maria Clara. Nalaman ito ni Padre Salvi kaya nagalit siya. Napansin rin ng mga taga-San Diego ang pagbabago sa mga kilos na ipinapakita ni Padre Salvi. 

Pumunta si Ibarra sa bahay ni Maria Clara upang sabihin na nakahanda na ang kanilang mga kailangan para sa gagawing piknik kinabukasan. Natuwa si Maria Clara sa sinabi ni Ibarra dahil muli silang magkakasama. 

Nakiusap si Maria Clara kay Ibarra na kung maaari ay sila na lamang ang magpiknik at huwag nang isama si Padre Salvi. Ayaw niyang makasama ang kura sapagkat natatakot siya dito tuwing sila ay naghaharap. Sinabi rin niya kay Ibarra na hindi siya kumportable kapag kasama ang guro dahil malagkit ang tingin nito sa dalaga at may ibang kahulugan ito. 

  Noli Me Tangere Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Hindi sumang-ayon si Ibarra sa gustong mangyari ni Maria Clara dahil ito magandang tingnan at hindi naaayon sa mga kaugalian at kagandahang-asal sa bayan ng San Diego.

Biglang dumating si Padre Salvi kaya natigil ang kanilang pag-uusap. Nagpaalam na si Maria Clara kay Ibarra at Padre Salvi at sinabi niyang magpapahinga na siya dahil masakit ang kanyang ulo. 

Inimbitahan naman ni Ibarra si Padre Salvi sa kanilang gaganaping piknik. Inaasahan na naman ito ng kura kaya agad niyang tinanggap ang paanyaya ng binata. 

Madilim na nang magpaalam si Ibarra para umuwi. Habang siya ay pauwi na ay may nakasalubong siyang isang lalaki. Sinabi nito na dalawang araw na niyang hinahanap si Ibarra upang humingi ng tulong tungkol sa kanyang mga anak na nawawala at asawa na nawalan ng bait. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 22

Ang Kabanata 22 ng Noli Me Tangere ay nagpapakita ng intensyon ng mga tao. Matututunan sa kabanatang ito ang pagpapakita ng mabuting asal, pagtulong sa kapwa, at paggamit ng kapangyarihan para sa kabutihan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Alamin ang tunay na intensyon ng mga taong nakapalibot sa iyo. Mahalagang kilalanin natin ang mga taong  ating nakakasalamuha upang magkaroon tayo ng ideya sa tungkol sa kanilang tunay na intensyon. Ito ay makatutulong upang maprotektahan natin ang ating sarili. 
Pagpapakita ng kagandahang-asal Katulad ni Maria Clara, magandang pag-uugali ang ipinakikita niya sa kanyang mga kababayan at kapitbahay kaya sila ay kinagigiliwan ng mga ito. 
Pagtulong sa Kapwa Ipinakita ni Ibarra ang pagtulong sa kapwa. Tinutulungan niya ang mga nangangailangan at hindi siya tumitingin sa kanilang katayuan. Ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa kalooban. 
Hindi makabubuti ang inggit sa kapwaWalang magandang maidudulot ang pagkakaroon ng inggit sa kapwa. 
Maging mabuting ehemplo bilang isang pinuno Ang mabuting pinuno ay dapat nagpapakita ng magandang intensyon sa kapwa at maging mabuting ehemplo sa kanyang mga nasasakupan. 

Mga Tauhan sa Kabanata 22

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 22 ng Noli Me Tangere. Bawat isa sa kanila ay nagpapakita ng iba’t-ibang paniniwala at ugali na nakaka-apekto sa buhay ng iba pang karakter sa kwento. 

  Noli Me Tangere Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Maria Clara Si Maria Clara ang kababata at kasintahan ni Ibarra. Kinagigiliwan siya ng kanyang mga kababayan sapagkat humahanga sila sa kanyang kagandahan at kagandahang ugali. 
Tiya Isabel Siya ang kasama ni Maria Clara sa pagdating sa bayan ng San Diego. 
Ibarra Si Ibarra ang kababata ni Maria Clara. Isa sa kaniyang katangian ay ang pagiging matulungin sa mga nangangailangan. 
Padre Salvi Napansin ng mga taga-San Diego at ni Maria Clara ang mga pagbabago sa kanya. Umiiwas din sa kanya si Maria Clara dahil sa mga kakaibang titig nito sa dalaga. 
Pedro Siya ang humingi ng tulong kay Ibarra dahil nawawala ang kanyang anak at nawala sa katinuan ang kanyang asawa. 

Talasalitaan 

Ito ang mga malalalim o matatalinhagang salita na nabanggit sa Kabanata 22 ng Noli Me Tangere. Ang pag-alam sa mga kahulugan nito ay makatutulong upang mas mapalawak pa ang ating bokabularyo. 

Mga Salita Kahulugan 
Piknik Isang gawain kung saan ang mga tao ay kumakain sa labas. Madalas itong ginagawa sa tabing ilog o sa parke. 
Karwahe Isang sasakyan na hinihila ng kabayo
Panauhin Bisita sa isang lugar
Nawalan ng bait Nawala sa kanyang tamang pag-iisip 
Sinang-ayunan Pumayag 
Kayumian Pagiging mahinhin o pagkakaroon ng kababaang-loob
Inimbitahan Inanyayahan 
Pakikitungo Pakikisama 

Leave a Comment