Noli Me Tangere Kabanata 17: Si Basilio – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Si Basilio ang panganay na anak ni Sisa at kapatid ni Crispin. Sa Kabanata 17 ng Noli Me Tangere ay mas lalo natin siyang makikilala. Dito ay matutunghayan kung ano ang nangyari sa kanya matapos siyang umalis sa simbahan. Malalaman natin ang kaniyang pangarap para sa sarili, kanyang ina, at kapatid. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 17

Pagbukas ni Sisa ng pintuan ay nakita niya si Basilio na sugatan. Sinabi ni Basilio sa kanyang ina ang totoong dahilan kung bakit siya may sugat sa ulo. Hinabol siya ng guwardiya sibil kaya kumaripas siya ng takbo, sa halip na tumigil. Ginawa niya ito sapagkat natakot siya na maparusahan at paglinisin ng kuwartel. 

Dahil sa ginawa niya ay pinaputukan siya ng guwardiya sibil kaya nadaplisan siya ng bala sa ulo. Sinabi ni Basilio sa kanyang ina na huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari at sabihin na lamang na siya ay nahulog mula sa puno kaya nagkaroon ng sugat. 

Tinanong ni Sisa si Basilio kung bakit hindi niya kasamang umuwi si Crispin. Sinabi ni Basilio na naiwan si Crispin sa kumbento. Dahil dito ay nakahinga ng maluwag si Sisa. Tinanong rin ng kanyang ina ang dahilan kung bakit naiwan si Crispin sa kumbento. Sinabi ni Basilio na napagbintangan ito na nagnakaw ng dalawang onsa. Naawa si Sisa sa kalagayan ni Crispin. Hindi naman sinabi ni Basilio ang mga parusa ng pari at sakristan mayor kay Crispin upang hindi na mag-alala ang kanyang ina. 

Nalaman ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang kaniyang ama. Alam niya na sinasaktan ng kaniyang ama sa kanyang ina. Dahil dito, nawalan siya ng gana sa pagkain. Nasabi ni Basilio na mas maganda ang kanilang buhay kung sila lamang tatlo ng kanyang ina at kapatid ang magkakasama. Pinagdamdam ito ni Sisa sapagkat gusto pa rin niyang buo ang kaniyang pamilya. 

  Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nakatulog si Basilio at nagkaroon siya ng masamang panaginip. Napanaginipan niya si Crispin na pinaparusahan ng pari at sakristan mayor. Ginising siya ni Sisa at sinabing nanaginip lamang siya. Nagtanong si Sisa kay Basilio kung ano ang kanyang napanaginipan ngunit hindi naman ito sinabi ni Basilio. Sa halip, ipinahayag niya sa kanyang ina ang kanyang pangarap para sa kanilang pamumuhay. 

Balak niyang tumigil na sila ni Crispin sa pagiging sakristan. Siya ay pupunta kay Ibarra upang hilingin na maging pastol siya ng kalabaw at baka at kapag nasa tamang edad na siya ay hihingi siya kay Ibarra ng kapirasong lupa na masasaka. Para kay Basilio ay uunlad ang buhay nila sa ganitong paraan at magsisikap siya upang yumaman kaya papaunlarin niya ang kanyang lupang sasakahin kung sakali. Gusto rin niyang papasukin si Ibarra kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay titigil na pananai. Nalungkot naman si Sisa sapagkat hindi kasama sa mga pangarap ni Basilio ang kanilang ama. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 17

Sa kabanata 17 ng Noli Me Tangere ay may mga mahahalaga tayong aral na matututunan. Ang mga aral na ito ay pwede nating gawing gabay sa ating pamumuhay upang mas umunlad tayo. 

Mga AralPaglalarawan 
Pagmamahal sa PamilyaAng pagmamahal ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t-isa ay mahalaga. Maipapakita rin ang pagmamahal sa pagtulong sa pagharap ng problema ng bawat isa. 
Maging handa sa mga pagsubok sa buhay May mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Mas mapapdali ang paghanap ng solusyon dito kung nagtutulungan ang bawat isa. Ang bawat pagsubok na ating kinakaharap ay makatutulong upang mas maging matatag tayo. 
Patuloy na mangarap Katulad ni Basilio, patuloy siyang nangangarap na magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya. May maganda siyang plano para sa kanyang ina, kapatid, at pati sa sarili niya. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 17 ng Noli Me Tangere. Ang bawat tauhan sa kabanatang ito ay nagdudulot ay nagpapakita ng katatagan sa pagharap sa mga pagsubok at pagmamahal sa pamilya. 

  Noli Me Tangere Kabanata 22: Liwanag at Dilim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Basilio Siya ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Mapagmahal siya sa kaniyang ina at kapatid kaya mayroon siyang magandang pangarap para sa kanila. 
Sisa Ang ina nina Crispin at Basilio. Hinahangad niya na manatiling buo ang kanilang pamilya kahit siya ay palaging sinasaktan ng kaniyang asawa. 
Crispin Si Crispin ang bunsong anak ni Sisa. Balak siyang pag-aralin ni Basilio kay Pilosopo Tasyo. 
Pedro Ang ama nina Crispin at Basilio. Sarili lamang ang kaniyang iniisip at wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa kaniyang pamilya. 
Ibarra Plano ni Basilio na maging pastol ng baka at kalabaw ni Ibarra. Gusto rin niya na humingi kay Ibarra ng kapirasong lupa kapag nasa tamang edad na siya. 
Pilosopo Tasyo Balak ni Basilio na pag-aralin si Crispin kay Pilosopo Tasyo. 

Talasalitaan 

Ang bawat Kabanata ng Noli Me Tangere ay nakatutulong na mapalawak ang ating bokabularyo. Sa pagbabasa ng nobelang ito, marami tayong nababasa at natututunan ng mga bagong salita na maari nating magamit sa ating pakikipagkomunikasyon. 

Mga Salita Kahulugan 
Tumambad Bumungad 
Isinalaysay Ikinuwento 
Ikinabahala Ipinag-alala
Humagulhol Umiyak
Yantok Ito ay isang uri ng palma na mayroong magkadugtong na sanga at mahaba
Dumaplis Bahagyang pagtama 
Pastol Tagapangalaga ng mga baka, kalabaw, at iba pang hayop

Leave a Comment