Ang Kabanata 29 ng Florante at Laura ay tungkol sa pagkikita nina Florante, Laura, Aladin, at Flerida na nagbigay sa kanila ng labis na tuwa. Dito ay isinalaysay din ni Laura ang kanyang mga pinagdaanan at ng bayan ng Albanya sa kamay ni Adolfo. Nalaman ni Florante na hindi nagtaksil sa kanya si Laura.
Buod ng Florante at Laura Kabanata 29
Ang pagsasalaysay ni Flerida ay nahinto noong biglang dumating sina Duke Florante at Prinsipe Aladin. Hindi mapigil ang tuwa sa puso nila nang marinig ang boses ng kanilang ginigiliw. Walang silang makasasayod sa naging tuwa ng magkakasing-irog na sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Nawala ang sakit na kanilang nararamdaman.
Abot hanggang langit ang kinamtan na tuwa ni Florante nang tumitig siya sa mukha ng kaniyang minamahal na si Laura. Ang gubat na malungkot kung nasaan sila ay parang naging isang paraisong kalugod-lugod sa kanilang apat. Sandaling nakalimutan nila ang kanilang mga pinagdaanan kung saan ay malapit nang malagot ang kanilang hininga.
Saglit na nawala ang kanilang tuwa sa pagsasalaysay ni Laura ng kanyang naranasan simula nang dinala sa gubat ang kanyang sintang si Florante.
Hindi naglaon mula nang pag-alis ni Florante sa Albanya ay narinig sa bayan ang isang gulo na umabot hanggang sa palasyo. Ang kaguluhan ito ay parang isang sakit na hindi malaman kung ano ang dahilan at saan nagmula.
Ang palasyo a nakubkob ng magulong bayan at mga sundalo. Nagkaroon ng sigawang malakas kung saan ay narinig nila ang kagustuhan ng mga tao na mamatay si Haring Linceo, sapagkat ito raw ay nagmanukalang gutumin ang reyno at lagyan ng estangke ang trigo at kakanin. Ngunit ito ay hindi totoo at ang may kagagawan ay si Adolfo.
Noon din ay tinanggal sa trono ang kanyang ama at pinapugutan. Pagkatapos nito, ang malupit na si Konde Adolfo ang umakyat sa trono. Pinagbalaan niya ng mahigpit si Laura na kung hindi tatanggapin ang kanyang pag-ibig ay kamatayan ang sasapitin nito.
Sa kagustuhan ni Laura na masulatan si Florante ay sa Etolyang Bayan ay pinilit niya na huwag ipaalam ang kanyang kaayawan at suklam kay Adolfo. Humingi siya kay Adolfo ng limang buwang singkad upang tanggapin ang pag-ibig nito. Ngunit siya ay nagdesisyon na kung hindi dadating si Florante sa loob ng limang buwan.
Gumawa siya ng sulat at ibinigay ito sa isang tapat na lingkod upang dalhin kay Florante ngunit ibang sulat ang natanggap ni Florante. Makalipas ang isang buwan ay dumating si Florante at nahulog sa mga kamay ni Adolfo. Upang siguraduhin na mag-isang uuwi si Florante sa Albanya ay nagpadala si Adolfo ng sulat na may selyo at pirma ng hari.
Nang matanto niya ito ay nakahanda na siyang magpatiwakal ngunit dumating naman si Menandro at kinubkob ng kanyang hukbo ang bayan ng Albanya. Walang nagawa si Adolfo kaya humingi siya ng tulong sa kapwa lilo. Noong gabing iyon ay umalis si Adolfo at dinala si Laura na gapos sa kabayo.
Nang makarating sila sa gubat ay dinahas siya ni Adolfo at ang gusto ay ilugso ang puri ni Laura. Ngunit, isang pana ang pumako sa dibdib ng taksil na si Adolfo.
Sumagot naman si Flerida at sinabing nang makarating siya sa gubat ay may narinig siyang binibining boses na pakiramdam niya ay nakararanas ng sakit kaya nahambal ang kanyang pusong mahabagin. Hinanap niya ang pinagmulan ng boses at nakita niya si Laura at pinipilit ng isang lalaki. Ang pagpana ni Flerida kay Adolfo ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 29
Ang bawat kabanata ng Florante at Laura ay may hatid na aral sa bawat mambabasa. Ang mga aral na ito ay maaari nating gawing gabay at inspirasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Aral | Paglalarawan |
Nakakawala ng lumbay at pighati ang muling pagkakita sa minamahal | Katulad nina Florante, Laura, Aladin, at Flerida, nawala ang lungkot sa kanilang mga puso pagkatapos nilang muling magkita. Ang muling pagkakita sa minamahal ay nagbibigay ng lakas at sigla. |
Pagtulong sa kapwa | Tinulungan ni Flerida si Laura na makaligtas mula kay Adolfo. Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa nangangailangan ay nagbibigay kasiyahan sa puso. |
Ang isang lugar na malungkot ay maaaring maging isang paraiso | Ang gubat kung nasaan sila ay tila naging paraiso dahil sa kanilang galak. Ang isang lugar ay gumaganda dahil sa ating mga magagandang alaala. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 29 ng Florante at Laura. Ang mga tauhang ito ay maraming pinagdaanang pagsubok, ngunit sa kanilang pagtutulungan ay nalampasan nila ang mga ito.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Florante | Si Florante ang pangunahing tauhan sa kwento. Nalaman niya ang mga pinagdaanan ni Laura at ng bayan ng Albanya. |
Laura | Isinalaysay niya ang mga ginawa ni Adolfo sa kanya at sa Albanya. |
Aladin | Si Aladin ang kasintahan ni Flerida. |
Flerida | Siya ang pumana kay Adolfo. |
Adolfo | Siya ang umagaw kay Laura mula kay Florante. |
Haring Linceo | Ang hari ng Albanya at ama ni Laura. |
Menandro | Si Menandro ang kaibigan ni Florante. Sa kanya ipinagkatiwala ni Florante ang kanyang hukbo. |
Talasalitaan
Narito ang ilan sa mga salitang mababasa sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito upang mas maunawaan natin ang saloobin ng bawat karakter.
Mga Salita | Kahulugan |
Kinamtan | Nakuha o napagtagumpayan |
Sigabo | Biglang siklab ng damdamin |
Kaginsa-ginsa | Biglaan o hindi inaasahan |
Kakilakilabot | Kasindak-sindak |
Isinambulat | Harapang pagpapahayg o pagsasabi |
Sukab | Taksil o traydor |
Suklam | Lubos na pagkainis |
Niyari | Ginawa |
Magpatiwakal | Pagkitil sa sariling buhay |
Nahambal | Naawa, nahabag, o nalungkot |