Ang Kabanata 22 na mula sa Saknong 275 hanggang 287 ng Florante at Laura ay tungkol sa paglalarawan ni Florante kay Laura. Sa unang kita pa lamang niya kay Laura ay nabighani na siya ng kagandahan nito. Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kamahal ni Florante si Laura na anak ni Haring Linceo.
Buod ng Florante at Laura Kabanata 22
May nakita siyang isang magandang babae. Ang kaningningan nito ay maihahalintulad kay Benus. Ang buhok nito ay nakalugay sa batok na kasingganda ng perlas. Ang mahinhing titig na iginagawad nito ay nagbibigat ng tuwa sa kanya.
Wala namang pinagkaiba ang liwanag ng kanyang mukha sa bagong sumusikat na araw. Timbang na timbang ang kanyang katawan at mahinhin ang asal. Siya rin ay nagbibigay ng kaligayahan katulad ng mga bulaklak na hinawi ng hamog. Ang taong hindi umirog kapag nakita si Laura ay parang isang patay o kaya ay mayroong isang himala.
Ang magandang babaeng ito ay si Laura. Siya ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante tuwing magugunita niya ito. Ito ay anak ni Haring Linceo. Sinabi niyang kung hindi pinilit ni Haring Linceo si Florante na makipanig sa salitaan nila at hindi sana nagkasakit ang buhay niya ngayong pinagliluhan siya ng anak ng hari.
Sinabi ni Florante na hindi katoto at si Laura ay hindi taksil at hindi niya alam kung ano at lumimot ito sa kanya. Ang palad ni Florante ay siyang alipusta at linsil at ito ay hindi lang nagkamit ng tuwa sa giliw.
Naitanong rin ni Florante kung bakit ang kagandahan ay hindi makapagkalag ng pagkakapatid sa maglilong lakad. Ipinahayag ni Florante na kung ano ang taas ng pagkadakila ay siya ring lagapak kung madapa. Ang luha na umagos mula sa kanyang mga mata sa pagkaulila sa kanyang ina ay natungkol sa sinta niya at ang puso ay nangilabot at naisip na baka hindi marapat sa gayong alindog.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 22
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 22 ng Florante at Laura. Ang mga aral na ito ay maghahatid sa atin ng magagandang kaisipan na maaari nating gawing gabay sa ating pamumuhay.
Mga Aral | Paglalarawan |
Kagandahan at Karangalan | Ipinakita ni Florante ang kagandahan at karangalan ni Laura sa kanyang paglalarawan dito. Ang pagsusuri sa kagandahan ng isang tao ay hindi lamang naka-base sa panlabas na anyo kundi maging sa kanyang kalooban at asal. Binigyang diin ni Florante ang husay at kabaitan ni Laura sa pamamagitan ng mga talinghaga tulad ng paghahambing kay Venus, ang hamog na anyo ng umaga, at ang maganda nitong buhok. |
Kung ano ang taas ng pagkadakila ay siya ring lagapak naman kung marapa | Isa ito sa mga pahayag na sinabi ni Florante. Ito ay isang aral na mahalaga nating matutunan. Kung gaano kataas ang pagkadakila ng isang tao, ganun rin naman ang epekto nito kapag siya ay nadapa. Ngunit, sa kabila nito at sa pagkakataong tayo ay madapa o matalo, mahalagang bumangon muli upang magtagumpay. |
Dapat lingapin ang dangal | Mas mahalaga ang pagkakaroon ng dangal kaysa sa kagandahan. |
Mga Tauhan sa Kabanata 22
Narito ang mga tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Ang bawat pag-uugali at karakter ng mga tauhan ay mas nagbibigay ng kulay sa bawat kabanata ng tula o kwentong ito.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Florante | Si Florante ay nabighani sa ganda ni Laura at sa kahinhinan nito. |
Aladin | Si Aladin ang Morong taga-Persya. Sa kanya ikinukwento ni Florante ang mga pinagdaanan niya at inilarawan niya si Laura. |
Laura | Anak ni Haring Linceo. Inilarawan ni Florante ang kanyang mukha na parang liwanag ng bagong sikat na araw. Siya ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing siya ay gugunitain nito. |
Haring Linceo | Siya ang hari ng kanilang bayan at ang ama ni Laura. |
Talasalitaan
Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay may mga salita o parirala tayong mababasa. Maaaring hindi ito pamilyar sa atin kaya mahalaga na maunawaan natin ang kahulugan ng mga ito.
Mga Salita | Kahulugan |
Pamimitak | Pagtatapon o paglalagay nang bigla ng liwanag o ilaw. |
Kaagaw ni Benus | Kaagaw ni Venus, isang tala o diyosa ng pag-ibig. |
Tuwang pangalawa | Pangalawang tuwa o kasiyahan. |
Luwalhating buko ng ninibig | Ang ganda o kahalagahan ng iniibig. |
Liwanag ng mukha | Kagandahan o kislap ng mukha. |
Buko | Mata, ngunit maaari ring isang uri ng prutas. |
Kaligayahan | Kasayahan, kaluguran, o kasiyahan. |
Palaring manood | Sinumang masuwerte o pinalad na makakita. |
Ikinasisira | Nagiging dahilan o sanhi ng pagkasira. |
Himutok | Pagnanasa o pagnanais na makuha ang isang bagay; nagdadala ng lungkot o pangungulila. |
Langit na mataas | Diyos o kapangyarihan sa itaas. |
Pagliluhan | Pagsisinungaling o pagtatagong motibo. |
Alipusta’t Linsil | Pang-iinsulto at pananakot. |
Magsukab | Magtaksil |
Titig | Tingin |
Pebo | Araw |
Itulot | Ito ay nangangahulugan ng bigyan ng permiso, payagan, pagtibayin, o pahintulutan. |
Magunita | Maalala, matandaan, sariwain sa alaala, o manariwa sa dibdib. |
Lagapak | Pagbagsak |
Nanagos | Umagos o dumaloy |
Hayin | Alay, handog, o sakripisyo |