Ang sulating ito ng ika apat na Kabanata ng El Filibusterismo ay pinamagatang “Si Kabesang Tales” naglalaman ito ng maikling buod ng kabanata ng nobela. Bukod rito ay may mga tauhan din itong ipinakikilala sa bandang hulihan ng artikulong ito. Mayroon ring aral na makukuha sa Kabanata at maging mga Talasalitaan na ginamit sa nobela.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 4: Si Kabesang Tales
Si Basilio ng maiwan sa gubat ay swerte na natagpuan ni Tandang Selong na siya ring umampon kay Basilio. Si Tandang Selong ang Ama ni Kabesang Tales na Ama naman ng dalagang si Lucia. Si Kabesang Tales ay naging maayos ang buhay bunga ng kaniyang pagsisikap at ngayo’y isa ng Kabesa de Barangay.
Yumaman si Kabesang Tales bunga ng kaniyang pagtitiyaga. Noong una ay nakisama muna ito sa isang mamumuhunan sa bukid at ng siya ay makaipon na ay nakahanap ng gubat na noong ipatanong niya ay walang nagmamay-ari kung kaya’t. Ginawa niya itong tubuhan. Iniisip niya ring pag aralin na sa Kolehiyo si Huli na kasintahan naman ni Basilio upang ito ay mapantay rito kahit papaano. Nang ang bukid na inalagaan ni Kabesang Tales ay umunlad ay nakarating ang balita sa mga Prayle at ito ay kanila ng kinakamkam mula noon. Pinatawan ng buwis si Kabesang Tales, tinaasan ng tinaasan ang buwis na ipinapataw dito para gipitin si Kabesang Tales at bandang huli nga ay hindi na nakaya ni Kabesang Tales ang pagbabayad ng buwis kung kayat siya ay nakipag asunto na sa mga Prayleng kumakamkam sa lupang kanyang inaruga at pinagyaman.
Hindi papayag si Kabesang Tales na basta na lamang kamkamin ang lupang kanyang pinagyaman kung kaya’t humihingi sya ng titulo sa mga Prayle, ipinakita naman ito ng mga Prayle ngunit hindi parin niya nais bitawan ang lupa dahil hindi siya tiwala sa mga ito. Aniya ay binungkal niya at tinaniman ang lupaing iyon at nailibing rin sa lupaing ito ang aking asawa at anak na dalaga (Lucia) na siyang tumulong sa akin mapagyaman ang lupain na ito kung kaya’t hindi ko maibibigay ito maliban na lamang sa sino mang didilig ng kaniyang dugo at maglilibing ng kaniyang asawa at anak sa lupain na ito.
Bumabayad aniya siya ng abogado at kung magwawagi siya sa Asunto ay alam na niya ang kaniyang gagawin upang mapa balik ang kaniyang anak ngunit kung siya naman ay matatalo ay hindi na nito kailangan ng anak. Masigasig siyang lumalaban sapagkat ang kaniyang anak na si Tano ang magiging tagapag mana ng lupain na iyon at kaya niya nasabi na kung siya’y matatalo ay hindi na niya kailangan ng anak ay dahil wala na siyang ipamamana pa dito.
Mula noon ay tinanuran na ni Kabesang Tales ang kaniyang lupain. Palagi lagi narin siyang may pasang baril upang ng sa gayon ay hindi makapasok ang kung sino sino na lang sa kaniyang lupain. Wala namang mangahas sapagkat bihasa si Kabesang Tales sa pag gamit ng baril. Nagdala siya ng gulok ngunit pinagbawal ang pagdadala nito kung kaya’t palakol naman ang kaniyang dinala. Subalit napasa kamay ng mga tulisan si Kabesang Tales at ito ay pinatutubos. Dahil dito ay isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas na pag-aari ngunit hindi ito naging sapat para sa pagtubos sa kaniyang Ama. Nag pasya siyang mangutang kay Hermana Penchang at mag silbi rito bilang utusan. Araw ng pasko ay mag sisimula siya manilbihan bilang alila nito bago ang araw na yon ay nagkaroon siya ng masalimuot na panaginip.
Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 4?
Maging masikap sa buhay upang ng sa gayon ay maging maunlad – Kagaya ni Kabesang Tales na umunlad ang buhay dahil sa kaniyang pagsisikap ng walang ginagawang masama.
Huwag maging masiba or iwasan ang pagiinteres sa mga bagay na pinaghirapan ng iba – Gaya na lamang ng mga Prayle na kumakamkam sa lupain ni Kabesang Tales na noon ang lupain ay hindi maunlad ay walang pakialam dito at nang umunlad ito ay pilit itong kinakamkam. Lumaban ng patas sa buhay.
Manindigan sa alam mong tama – Si Kabesang Tales ang isa sa magandang halimbawa ng paninindigan sa alam niyang tama. Ipinaglalaban niya ang kaniyang lupain sapagkat siya ang naghirap na magpalago nito.
Ang pag sasakripisyo para sa ikabubuti ng sitwasyon ay isang magandang gawain. Huwag maging maka sarili – Gaya na lamang ng ginawa ni Huli na pagbebenta ng kaniyang mga hiyas at panguguntang kay Hermana Penchang para sa perang ipantutubos kay Kabesang Tales. Ipinakikita na si Huli ay hindi maka sariling tao sapagkat handa niyang bitawan ang mga bagay na kaniyang pag-aari maging ang kaniyang kalayaan at maging alila na lamang para lang sa pag tubos sa kaniyang ama.
Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 4?
Kabesang Tales – Isang kabesa de baranggay na anak naman ni Tandang Selo. Siya ring ama ng dalagang si Lucia. Ang kabesa de barangay ay ang siyang punong abala sa paniningil ng buwis sa kaniyang nasasakupan.
Lucia – Dalagang Anak ni Kabesang Tales. Namayapa na.
Tandang Selo – Ang matandang umampon kay Basilio nang matagpuan niya ito sa gubat. Siya rin ang Ama ni Kabesang Tales.
Tano – Anak ni Kabesang Tales na umalis sa kanilang lupain. Isa sa dahilan ni Kabesang Tales kung kaya’t ipinaglalaban nito ang kaniyang lupain sapagkat si Tano ang magiging tagapag mana nito ng lupaing yon.
Huli – Kasintahan ni Basilio. Isa sa mga anak ni Kabesang Tales, kapatid ni Lucia at Tano. Nag mamay ari ng agnos na dating pagmamay ari ni Maria Clara na ibinigay nito sa isang ketongin na ibinigay naman ng ketongin kay Basilio ng itoy mapagaling na ihinandog naman nito sa kaniya.
Hermana Penchang – Nabanggit na pag balak pangutangan ni Huli at paglingkuran ito bilang utusan.
Talasalitaan
Kabesa de baranggay – Punong barangay. Kapitan sa panahon ngayon.
Kinakamkam – Pilit na kinukuha.
Asunto – Kaso. Maaari ring usapin. Isa itong salitang Español.
Aniya – Base sa kaniya.
Tinanuran – Binantayan