El Filibusterismo Kabanata 39: Wakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Narito ang huling kabanata o ang wakas ng El Filibusterismo. Sa kabanatang ito ay matutunghayan natin ang pag-amin ni Simoun kay Padre Florentino ng kanyang tunay na pangalan at katauhan. Nagsalaysay din siya tungkol sa kanyang mga pinagdaanan. Nag-usap din sila tungkol sa kabutihan, pagpapakasakit, pag-ibig, pagtitiis ng matatapat at mababait, at kasamaan. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 39

Si Padre Florentino ay malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum. Si Don Tiburcio naman ay kaaalis lamang dahil sa pag-aakalang siya ang tinutukoy na dadakipin nang gabing iyon at baka matunton ni Donya Victorina. Ngunit, si Simoun ang tinutukoy ng telegramang iyon. 

Dalawang araw na nang dumating si Simoun at ito ay sugatan. Tinanggap siya ng pari at hindi naman ito nagtanong sa kanya, sapagkat ang alam ng pari ay may nagtangkang pumatay sa kanya dahil wala na ang Kapitan Heneral. 

Ayon sa mag-aalahas ang sugat ay dahil sa hindi pag-iingat at may hinala ang pari na si Simoun ay tumakas mula sa mga kawal na tumutugis nang matanggap ang telegrama. Malubha ang sugar ni Simoun, ngunit ayaw niyang magpagamot sa mga doktor sa kabisera. Kaya, kay Dr. de Espadana na lamang siya pumayag magpaalaga. 

Si Padre Florentino ay tumigil sa pagtugtog at inisip niya ang ibig sabihin ng pakutyang ngiti ni Simoun nang malaman niya ang tungkol sa telegrama. Naisip ni Padre Florentino na si Simoun ay isang palalo. Ngayon ay kahabag-habag ang dating makapangyarihan. Bukod pa dito, naisip din niya kung bakit sa kanya, na isang Pilipinong pari, lumapit at nakituloy si Simoun, sapagkat noon ay napakababa ng pagtingin sa kanya nito. 

  El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noong nakisuyo si Padre Florentino kay Simoun na tulungang palayain si Isagani. Si Simoun ang gumawa ng paraan upang mapabilis ang kasal nina Paulita at Juanito. Dahil dito, nagdamdam si Isagani at naging malayo siya sa mga tao. Noon, ay kinalimutan ni Padre Florentino ang lahat upang mailigtas si Simoun, ngunit hindi naman tinutulungan ni Simoun ang kanyang sarili. 

Si Padre Florentino ay pumunta sa silid ni Simoun. Nakita niya na wala na ang mapangutyang anyo nito at tila isang lihim na sakit ang tinitiis. Nakita rin niya si Simoun na umiinom ng lason. Sinubukan ng pari na humanap ng lunas para kay Simoun, ngunit pinigilan siya nito. Lumuhod at nagdasal naman si Padre Florentino. Pagkatapos nito, ang isang silyon ay inilapit niya sa may sakit at nakinig. 

Sinabi ni Simoun ang totoo niyang pangalan at halos masindak ang pari sa narinig. Malungkot namang ngumiti si Simoun at ang pari naman ay nagtakip ng panyo sa mukha at tumungo upang makinig. 

Isinalaysay ni Simoun na labintatlong taon na siya sa Europa at nang bumalik siya ay puno siya ng pangarap at pag-asa. Pinili niyang mabuhay ng mapayapa at pinatawad niya ang mga nagkasala sa kanyang ama. Ngunit, isang kaguluhan ang dumating at nawala sa kanya ang lahat, tulad ng pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, at kalayaan. Siya ay nakaligtas lamang sa kamatayan dahil sa tulong ng kaibigan. 

Inisip niyang maghiganti. Gamit ang bahagi ng kayamanan ng kanyang mga magulang ay pumunta siya sa ibang bansa at nangalakal. Lumahok din siya sa himagsikan sa Kuba at nakilala niya ang Kapitan Heneral, na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya at naging kaibigan niya ito dahil alam ni Simoun ang kawalanghiyaan ng Kapitan. Sa pamamagitan ng salapi ay natulungan niya ang kaibigan na maging Kapitan Heneral at ito ay naging sunud-sunuran sa kanya. 

  Florante at Laura Kabanata 10: Ang Pagtulong kay Florante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Gabi na nang matapos si Simoun sa pagsasalaysay at sandaling nagkaroon ng katahimikan. Inihingi naman ng pari si Simoun ng tawad sa mga pagkukulang nito at hiniling niya kay Simoun na ang kalooban ng Diyos ay igalang. Nagtanong naman ng mahinahon si Simoun kung bakit siya ay hindi tinulungan ng Diyos sa kanyang mga layunin. Sumagot naman ang pari na dahil ang pamamaraan ni Simoun ay masama. Ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan ay hindi maililigtas ng krimen at kasamaan. Takot ang nililikha ng poot at salarin ang sa krimen.

Ang makagagawa lamang ng dakila ay pag-ibig. Sinabi rin ng pari na ang kabutihan ang katubusan; ang pagpapakasakit ay kabutihan at ang pag-ibig ay pagpapakasakit. Inamin ni Simoun na siya ay nagkamali at tinanggap ang sinabi ng pari. Nagpatuloy ang pag-uusap nila sa tungkol sa kabutihan at kasamaan. 

Naramdaman ng pari na pinisil ni Simoun ang kanyang kamay. Naghintay ang pari na magsalita si Simoun ngunit naramdaman niyang muli na pinisil nito ang kanyang kamay at narinig na nagbuntong-hininga. Isang utusan ang kumatok sa pinto at nagtanong kung sisindihan ang ilawan. Sa tulong ng liwanag nito ay nabatid niyang wala ng buhay si Simoun. Lumuhod at nanalangin ang pari. 

Tinawag din ng pari ang utusan at pinaluhod at pinagdasal. Umalis ang pari at kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Ito ay dinala niya sa talampas kung saan palaging nakaupo si Isagani upang tingnan ang kalilam ng dagat. Inihagis ng pari ang takba ng alahas at brilyante ni Simoun sa dagat. 

  El Filibusterismo Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 39

Maraming aral ang matututunan ng mga mambabasa sa huling kabanata ng El Filibusterismo. Ang mga aral na ito ay tungkol sa pagiging mabuti, matapat, pagtitiis, pag-ibig, at pag-iwas sa kasamaan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pag-amin sa pagkakamali Lahat ay nagkakamali, ngunit hindi lahat ay may lakas ng loob na aminin o itama ito. Mahalaga ang pag-amin sa pagkakamali upang matutunan ang mga bagay na hindi dapat gawin. 
Ang mga nadumihan ng krimen at kasamaan ay hindi maililigtas ng krimen at kasamaanPagkakaroon ng takot ang nililikha ng poot at mga salarin naman ang nililikha ng krimen. 
Ang pag-ibig lamang ang makagagawa ng dakilang bagayAng pag-ibig o pagmamahal sa sarili, sa bayan, sa pamilya, sa ibang tao, at higit sa Diyos ang daan upang makagawa ng magandang bagay. 
Pagtitiis Ang mga matatapat at mababait ay nagtitiis upang lumaganap at makilala ang kanilang layunin.
Kalayaan Ayon kay Padre Florentino, ang kalayaan ay hindi dapat hinahanap sa pamamagitan ng patalim. Ito ay dapat tuklasin sa tulong ng nagpapataas ng karangalan at katwiran ng tao. Dapat tayo ay gumawa ng tapat, mabuti, at maging marangal hanggang kamatayan. 
Ang kabataan ang pag-asa ng bayanNawika ni Padre Florentino kung nasaan na ang mga kabataan na maglalaan ng panahon para sa ikauunlad ng bayan. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagbabago. Ang mga kabataan ay dapat may lakas ng loob at paninindigan upang lumaban para sat ama. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa huling kabanata ng El Filibusterismo. Ang huling kabanatang ito ay ang pag-uusap ni Simoun at Padre Florentino tungkol sa mga kaugalian ng tao at ang resulta nito. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Simoun Siya ay nagtapat ng kanyang pagkatao kay Padre Florentino at nagsalaysay ng kanyang mga pinagdaanan. 
Padre FlorentinoSa kanya tumuloy si Simoun at nagbigay siya ng mga kasagutan sa katanungan ni Simoun. 
Don Tiburcio de Espandana Siya ay umalis sapagkat inakala niyang siya ang tinutukoy na Kastila sa telegrama. 

Talasalitaan 

Maraming mga malalalim o matatalinhagang salita tayong mababasa sa kabanatang ito ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa mga salitang ito at kanilang kahulugan upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa sariling wika. 

Mga Salita Paglalarawan 
TelegramaIsang uri ng sulat na naglalaman ng mensahe 
Pumayag Sumang-ayon
Pakutya Pang-aasar, pauyam, o paghamak
Silyon Isang uri ng upuan na may patungan ang kamay
Namalagi Tumira
Natuklasan Nalaman 

Leave a Comment