El Filibusterismo Kabanata 32: Ang Mga Bunga ng mga Paskil – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang kabanata 32 ng El Filibusterismo ay naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng mga estudyante at kanilang mga pamilya sa gitna ng mga pagbabago sa lipunan. Ang muling pagtatagpo ng mga kilalang tauhan ay magdadala ng mga pangyayaring magiging pundasyon ng kanilang hinaharap. Sa isang bayan na hinahagupit ng mga pagsubok, masusing iniukit ng may-akda ang mga karakter at sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon, pagkakaibigan, at pag-asa.

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 32

Ang mga magulang ay hindi pinatuloy ang kanilang mga anak sa pag-aaral dahil sa mga pangyayari. Mas mabuti pa raw ang maglimayom o kaya ay magsaka ang mga ito. 

Maraming mag-aaral ang hindi nakapasa sa eksamin na ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa naman si Tadeo kahit hindi siya nakapasa at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Napatali naman sa negosyo ng ama si Pelaez, samantalang si Makaraig ay nagpunta sa Europa. Si Isagani naman ay nakapasa sa aklat ni Padre Fernandez at si Salvador ay nakapasa rin dahil sa kanyang galing sa pagtatalumpati. 

Hindi naman nakakuha ng pagsusulit si Basilio sapagkat nasa bilangguan pa siya. Sa tulong ni Sinong, na isang kutsero at ang palaging dumadalaw sa mga kanayong bilanggo, ay nalaman niya ang pagkawala ni Tandang Selo. 

Si Simoun ay nagpakita ng kabaitan at, ayon kay Ben Zayb, hindi siya mag-uusig at magdaraos ng isang espesyal na pistang hindi malilimutan bago siya umalis sa bayan. Ipinayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago, na nakuha ni Don Timoteo Pelaez. Dahil dito, madalas nang bumisita si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez. Sinabi rin ng iba na pinakikisamahan na ni Simoun ang mga Pelaez. 

  Noli Me Tangere Kabanata 15: Ang Mga Sakristan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa loob ng ilang linggo, lumabas ang balita na ikakasal si Juanito at Paulita. Napansin ng mga tao na bagay na bagay ang dalawa sa isa’t isa. Pareho silang walang iniisip maliban sa kanilang sariling kaligayahan, at pareho silang galing sa Maynila.

Inaabangan ng buong Maynila ang kasal nina Juanito at Paulita, na sinasabing si Simoun ang mamumuno. Ang okasyon ay isasagawa dalawang araw bago umalis ang Heneral. Maraming tao na taga-Maynila ang nag-agawan para makipagkilala kay Simoun at makakuha ng imbitasyon sa piging.

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 32

Sa pagsusuri ng kabanatang ito, maipapahayag na ang mensahe nito ay naglalaman ng mga aral na nagbibigay-gabay sa mga mambabasa na magsikap, mangarap, at magtaguyod ng pagkakaisa sa kabila ng mga pagsubok ng lipunan.

Mga Aral Paglalarawan 
Ang edukasyon ay isang mahalagang yaman na dapat pahalagahan ng bawat pamilyaMahalaga ang papel ng edukasyon sa ating buhay. Ito ay makapagbibigay sa atin ng magandang kinabukasan, sapagkat nililinang nito ang ating kakayahan. Sa modernong panahon, marami ng paraan para matuto. At ang edukasyon ay hindi dapat natatapos sa loob ng paaralan. Mahalagang ipagpatuloy para mas malinang ang talent, kaalaman, at kakayahan ng isang tao. 
Ang pagtutok sa pangarap at kahusayan ay may magandang bungaAng kahusayan at pagiging determinado ay nagbubunga ng positibong mga resulta sa pag-abot ng mga pangarap. Katulad nina Isagani at Salvador na nakapasa sa pagsusulit. Mahalagang gawin natin ang ating makakaya upang makamit ang pangarap. 
Ang pagtitiyaga at determinasyon ay mga susi sa pag-abot ng mga pangarapMahalaga ang magkaroon ng pagtitiyaga at determinasyon sa pag-abot ng pangarap. Mayroong tamang panahon para sa ating mga pangarap, at habang tayo ay naglalakbay sa pagkamit nito ay mahalagang maging determinado at huwag sumuko sa mga pagsubok. 
Ang pagkakaibigan at pagkakaisa ay mahalaga sa pagharap sa mga hamon ng buhayAng pakikisama sa mga tao ay mahalaga, ngunit maging mapili sa mga pinakikisamahan, sapagkat hindi lahat ay may mabuting intensyon. Katulad ng kutsero na nagpakita ng malasakit sa kanyang mga kababayan, sa pamamagitan sa simpleng pagdalaw nito sa bilangguan. 
Ang pagmamahal sa bayan at pagtulong sa kapwa ay nagbubuklod ng komunidadNakatutulong na mapalakas ang isang komunidad at pagbubuklod ng mamamayan ang pagkakaroon ng pagkakaisa. Ang pagtutulungan ng bawat mamamayan ay daan tungo sa kaunlaran. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa kabanata 32 ng El Filibusterismo. Ang magkakaibang karakter, layunin, at paniniwala ng bawat tauhan sa kabanatang ito ay nagbigay ng kulay sa daloy ng kwento. 

  El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Tauhan Paglalarawan 
Mga Magulang Nagdesisyon sila na patigilin na sa pag-aaral ang kanilang mga anak dahil sa mga pangyayari. 
Tadeo Sinigaan niya ang kanyang mga aklat at natuwa pa siya. 
Pelaez Siya na ang namamahala sa negosyo ng kanyang ama. 
Makaraig Siya ay nagpunta na sa Europa. 
Isagani Nakapasa siya sa aklat ni Padre Fernandez. 
Padre FernandezSa kanyang aklat lamang pumasa si Isagani. 
Salvador Ang kanyang kahusayan sa pagtatalumpati ay nakatulong sa kanya upang makapasa. 
Basilio Hindi siya nakakuha ng pagsusulit sapagkat nasa bilangguan pa siya. 
Tandang Selo Nabanggit ng Kutsero kay Basilio ang pagkawala niya.
Sinong Ang kutsero na nagbalita kay Basilio sa nangyari kay Tandang Selo. Siya ang tanging dumadalaw sa mga kababayan niya sa bilangguan. 
Simoun Magdadaos ng isang pista na walang katulad. 
Ben Zayb Naipayo niya na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago. 
Don Timoteo PelaezAng nakabili ng tindahan ni Kapitan Tiyago. 
Juanito Ikakasal kay Paulita
Paulita Ikakasal kay Juanito 
Mga taga-Maynila Nag-aagawa sa pagpapakilala kay Simoun upang maimbitahan sa pista. 

Talasalitaan 

Marami tayong mga salitang mababasa sa bawat kabanata ng El Filibusterismo na maaaring hindi pamilyar sa atin. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito upang mas maunawaan natin ang mga kaisipan at mensahe ng kwentong ito. 

Mga Salita Kahulugan 
Eksamen Pagsusulit upang masubok ang kakayahan 
Piging Pagtitipon o okasyon
Sinigaan Sinunog 
Magdaraos Maghahanda 
Anyaya Imbitasyon

Leave a Comment