El Filibusterismo Kabanata 31: Mga Mataas na Kawani – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 31 ng El Filibusterismo ay pinamagatang “Mga Mataas na Kawani.” Matapos ang mga nangyari kay Huli na hindi nabalita sa mga pahayagan, nabalitaan naman ng mga tao ang pagpapalaya ng Heneral sa mga estudyante. Isa lamang ang estudyanteng hindi nakalaya dahil sa pagbabagong gusto niya. Ang Mataas na Kawani ay tinulungan siyang ipagtanggol sa Heneral. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 31

Ang mga nangyari kay Huli ay hindi nabalita sa mga pahayagan, katulad ng ibang mga pangyayari sa bayan. Sa tulong ni Ben Zayb ay nabalita ang tungkol sa kabutihang ipinakita ng Heneral, sapagkat nakalaya na ang mga estudyante. 

Si Makaraig ang unang nakalaya sa mga ito at ang pinakahuli ay si Isagani. Isa lamang estudyante ang hindi nakalaya at ito ay si Basilio. 

Si Basilio ay ipinagtanggol ng Mataas na Kawani. Sinabi niyang si Basilio ay mabuting bata at malapit ng matapo ng panggagamot. Ang mga sinabi ng Mataas na Kawani ay mas lalong nakapagpahamak sa binata sapagkat ano man ang sabihin ng kawani ay tinututulan ng Heneral. 

Sinabi ng Heneral na dapat ay magkaroon ng halimbawa na hindi dapat tularan ng iba at ang mga taong ito ay ang mga mahilig sa pagbabago. Pinagbintangan ng Heneral si Basilio na gumamit ng bawal na aklat pang-medisina

Ang Mataas na Kawani naman ay nagsabi na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral sa sinabing ito ng kawani at sinabi niyang wala siyang pakialam sa bayan. Ipinahayag niyang ang bayang Espanya ang naghalal sa kanya sa posisyon at hindi ang bansang Pilipinas. 

  El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Kapag tahanan, liwanag, kalayaan, at katarungan ay itinaggi sa isang bayan, maituturing ng bayan bilang magnanakaw ang mga nagtanggi ng mga bagay na ito. 

Noong nasa sasakyan na ang Mataas na Kawani ay sinabi niya sa kanyang kutsero na alalahin niyang sa Espanya ay hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo, kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili. 

Nagbitiw naman sa tungkulin ang Mataas na Kawani makalipas ang ilang oras. Sinabi niyang uuwi na siya sa bayan ng Espanya. Sumakay siya sa kasunod na bapor. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 31

May hatid na aral sa mga mambabasa ang bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa mga aral na magbibigay sa atin ng magandang kaisipan na maaari nating gawing inspirasyon. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagtulong sa kapwaMahalaga ang pagtulong sa kapwa, sapagkat ito ay pagpapakita ng paglaban para ipagtanggol ang kabutihan. Katulad ng Mataas na Kawani, na ipinagtanggol si Basilio at sinabing mabuting bata ito. 
Paggamit ng tama sa kapangyarihan Ang kaayusan at pagkamit ng hustisya ay nagmumula sa pagpili ng mabuti at tapat na pinuno na gagamitin ang kanyang kapangyarihan sa tamang paraan. 
Paglaban para sa pagbabago Ang pagbabago ay isa sa mga bagay na gusto nating makamit upang mas umunlad o matiwasay ang ating pamumuhay. Ngunit, kailangan ng lakas ng loob upang ipahayag, gawin, o simulan ang pagbabago at makamit ang ninanais na kaunlaran. 
Pagbibigay ng tamang balitaMahalaga ang pagpapahayag ng mabuting balita. Marami rin sa pahayan ang pinipili lamang ang balitang kanilang inilalathala, kaya hindi nabibigyan ng pansin ang iba pang mga pangyayari sa lipunan. 
Pagkakaroon ng mabuting halimbawa Ang isang taong ginagawang mabuting halimbawa o dapat tularan ay yung may mabubuting intensyon sa bawat ipinapakita. Si Basilio at ang Mataas na Kawani ang mga tauhan sa kwentong ito na dapat tularan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 31 ng El Filibusterismo. Ang mga tauhang ito ay may iba’t-ibang karakter, paniniwala, at intensyon na mas lalong nagbigay ng kuloy sa daloy ng kwento. 

  Florante at Laura Kabanata 30: Masayang Wakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Ben Zayb Sa tulong niya ay nailathala ang pagiging mahabagin ng Heneral na sinasabing nagpalaya ng mga estudyante. 
Makaraig Siya ang una na nakalayang estudyante. 
Isagani Siya ang pinakahuli na nakalayang estudyante. 
BasilioSiya lamang ang estudyante na hindi pinalaya. 
Heneral Tinutulan niya ang paliwanag ng Mataas na Kawani at sinasabing inihalal siya ng bayan ng Espanya at hindi ng bayan ng Pilipinas. 
Mataas na Kawani Siya ang nagtanggol kay Basilio upang makalaya ito, ngunit hindi siya nagtagumpay. 
Kutsero Siya ang sinabihan ng Mataas na Kawani tungkol sa pagdating ng araw ng pagsasarili. 
Huli Hindi nabalita sa pahayagan ang mga nangyari sa kanya. 

Talasalitaan 

May mababasa tayong mga malalalim o matatalinhagang salita sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas maunawaan natin ang mensaheng nais iparating ng kwento. 

Mga Salita Kahulugan 
Mahabagin Ito ay katangian ng isang tao na pagiging mabait, mabuti, o pagkakaroon ng puso sa kapwa. 
Kawani Ito ay isang tao sa isang samahan o institusyon.  
Tinutulan Ito ay nangangahulugan ng hindi pagsang-ayon sa isang pahayag o pagpigil sa isang pangyayari. 
NaghalalIsang tao na napili sa isang posisyon. 
Kutsero Isang tao na nagmamaneho ng karwahe o sasakyan na hinihila ng kabayo. 
Koreo Ito ay tumutukoy sa bapor. 

Leave a Comment