El Filibusterismo Kabanata 28: Pagkatakot – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa kabanatang ito ng El Filibusterismo ay marami ang mga balitang kumalat. Ang mga balitang ito ay nagdala ng takot sa mga mamamayan. Kanya-kanyang opinyon ang mga tao tungkol sa mga nangyayari at ito ay nagdudulot ng kaguluhan at kalituhan sa iba. Maraming tao ang pinaghinalaan dahil sa mga maling akala at nagkaroon ng mga usap-usapan kung sino ang tunay na may kagagawan. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 28

Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama ang kanyang madalas na sinasabing ang pagkatuto ng mga kabataan ay nakasasama sa Pilipinas at napatunayan naman ito ng mga paskil. 

Lahat ay nagkaroon ng takot kasama na ang mga heneral at intsik. Hindi naman nakapunta sa basar ni Quiroga ang mga prayle. Nag-ayos naman ng tindahan ang mga intsik upang mas madaling maisara kung sakali. 

Naisip ni Quiroga na pumunta kay Simoun upang isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga pilbura at baril na ipinatago ni Simoun sa kanya. Ayon kay Simoun ay palihim na ilalagay ang mga iyon sa bahay-bahay at doon pa lang magsisimulang maghanap ang pamahalaan. Ngunit, noong araw na iyon ay hindi niya nakausap si Simoun. 

Sunod niyang pinuntahan si Don Custodio. Isasangguni naman niya ang kung ang sariling tahanan ay dapat na sandatahan ng mga Intsik. Ngunit ayaw rin tumanggap ni Don Custudio ng sinuman. 

Siya ay nagtungo kay Ben Zayb. Nakita niya ang dalawang rebolber na nakapatong sa mga papeles nito kaya nagpaalam siya kaaagad. Umuwi siya, nahiga, at idinahilan niya na mayroon siyang sakit. 

  Noli Me Tangere Kabanata 46: Ang Sabungan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Kinahapunan ay may mga kumalat na baita tulad ng pagkakaroon ng panayam ng mga tulisan sa San Mateo at mga estudyante, ang paglusob sa isang pansiterya, ang mga Aleman ay may bapor pandigma sa look, may mga mag-aaral na nagpunta sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkama-Kastila at nahulihan ng armas kaya sila ay ipinaligpit, at ang pagkakaligtas ng Heneral. 

Ibinilanggo daw si Basilio at naghanap ng kasulatan ng binata. Dahil dito, ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago ay nayanig. Dumating naman si Padre Irene na may dalang mga balitang nakakatakot. Marami ang natakot sa mga balitang kumakalat at ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Kapitan Tiyago

Kinagabihan, may binyagan na nagsabog ng pera at nag-agawan ang mga bata. May opisyal na napadaan at nakita na nagkaroon ng ingay sa simbahan. Inakala ng opisyal na mga pilibusterilyo ang may gawa noon. Hinabol nito ang mga bata at nagsitakbuhan naman ang mga ito. Tumakbo rin ang mga tao at sinabing nagsimula na raw ang himagsikan. 

Si Tadeo naman ay napag-usapan sa isang tindahan. Sinasabi na ito ay binaril kaya napadaing ang babaeng kausap, sapagkat ito raw ay maraming utang sa kanya. May mga nagsasabi na luko-luko si Isagani sapagkat kusa itong nagpadakip. Dahil dito, baka si Paulita ay magpakasal na lamang sa iba. Nag-rosaryo naman ang bawat bahay. 

Ang mga platero naman na nasa bahay ni Placido Penitente ay hindi naniniwala sa mga paskil, sapagkat si Padre Salvi raw ang may kagagawan noon. Sinabi naman ng isa na si Quiroga ang may gawa nito. May narinig silang yabag kaya naputol ang usapan kay Quiroga. Ang isa naman ay binanggit si San Pascual Bailon. Ang dumating ay sina Placido at Simoun. 

  Noli Me Tangere Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang mga bilanggo ay hindi raw nakausap ni Placido. Magkakapugutan daw ng ulo ng gabing iyon. Magkakapugutan daw ng ulo ng gabing iyon ang sinabi ng manggagawa ng pulbura. Sinabi naman ng isa na iyon ay hindi mangyayari sapagkat may sakit si Simoun. Ang dalawang bagong dating ay nagkapalitan na lamang ng tingin. 

Ang mga tanod sa pinto ng syudad ay pinalitan noong gabing iyon. Ang mga artilyerong Kastila ang pumalit sa mga ito. Kinabukasan naman ay may nakitang bangkay ng isang dalagang kayumanggi sa Luneta. Nakita iyon ni Ben Zayb ngunit hindi na niya ito ibinalita. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 28

May hatid na aral sa mga mambabasa ang bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa mga aral na ito na maaari nating gawing gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalagang alamin ang pinagmumulan ng balita Ang pag-alam sa pinagmulan ng balita ay mahalaga upang malaman natin kung saan nagmumula at kung totoo ba ang mga ito. Mahalagang malaman ang mga totoong pangyayari upang maging panatag ang ating kalooban. 
Huwag ibalita ang isang bagay o pangyayari kung hindi naman ito totoo Ang balitang walang kasiguraduhan ay hindi dapat ipinamamalita dahil hindi maganda ang nagiging resulta ng pagpapahayag ng mga maling balita. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 28 ng El Filibusterismo. Karamihan sa mga tauhang ito ay nagbigay ng kanilang mga opinyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid kaya nagkaroong ng takot ang karamihan. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Ben Zayb Siya ang madalas na nagsasabi na ang pagkatuto ng kabataan ang nakasasama sa Pilipinas. 
Prayle Hindi sila nakasipot sa basar ni Quiroga. 
Quiroga Nagpunta siya sa Simoun, Don Custodio, at Ben Zayb upang sumangguni, ngunit hindi naman niya sila nakausap. 
Simoun Siya ang unang pinuntahan ni Quiroga. 
Don Custodio Ang pangalawang pinuntahan ni Quiroga, ngunit hindi ito tumatanggap ng kahit sino. 
Basilio Sinasabing ito ay nabilanggo at hinalughog ang kanyang mga kasulatan. 
Kapitan Tiyago Ang kanyang kahinahunan ay nayanig pagkatapos malamang nabilanggo si Basilio. 
Padre IreneSiya ay nagbalita ng kung ano-anong nakatatakot. 
Tadeo Siya ang pinag-uusapan sa isang tindahan. Nabaril daw ito ayon sa napagtanungan. 
Babae Sinabi niyang malaki ang utang sa kanya ni Tadeo. 
Isagani Sinasabi ng mga tao na siya ay luko-luko sapagkat kusa itong nagpadakip. 
Paulita Nabanggit ng mga nag-uusap kung ano kaya ang gagawin nito sa mga pangyayari at sinabi naman ng iba na papakasal na ito sa iba. 
Platero Hindi naniniwala sa mga paskil 
Placido Isa sa mga dumating habang nag-uusap ang mga platero. 
Artilyerong Kastila Sila ang ipinalit na bantay sa pinto ng syudad. 

Talasalitaan 

Narito ang ilan sa mga malalalim, matatalinhaga, o hindi pamilyar na mga salitang nabanggit sa kabanatang ito ng El Filibusterismo. Mahalaga na matutunan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa sariling wika. 

  Noli Me Tangere Kabanata 45: Ang Mga Pinag-Uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Paskil Isang uri ng limbag 
Sable Espada 
Kuwalta Pera o salapi 
Prayle Pari 
Himatong Balita, impormasyon, balita, o instruksyon
Aleman Taong taga-Germany 
Timpiin Supilin 

Leave a Comment