El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang sulating ito ay naglalaman ng ibinuod na ika labindalawang kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Placido Penitente. Maliban sa buod ng kabanatang ito ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa nobelang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata pito at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente

Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya. Nasa ikaapat na taon na siya. Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon.

Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi. Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba. Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

  Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noon lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon. Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hinging abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. 

Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad.

  El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 12?

Huwag maging mahangin o mayabang at idagdag na rin ang pagiging arogante – Gaya na lamang ni Juanito Palaez na anak ng isang Mestizong Kastila na mahilig mag yabang. Dapat ay panatilihin ng lahat ang kanilang pagiging mapag kumbaba sapagkat ito ay kalugod lugod sa paningin nino man. Ang pagiging mayabang o mahangin at hindi magandang asal na dapat iwasan lalong lalo na ng kabataan. 

Huwag ilihim ang lahat ng bagay – Gaya na lamang ni Placido Penitente na nagnanais ng tumigil sa pag aaral ngunit hindi sinasabi sa kanyang magulang ang dahilan. Minsan ang pagsasabi lalong lalo na sa ating mga magulang ay nakatutulong upang mapa gaan ang sitwasyon. 

Iwasan ang pagiging tamad lalong lalo na sa pag aaral – Gaya ni Tadeo na isang hindi magandang halimbawa sa lahat ng mag aaral na huwag gayahin ang gawain na pumapasok lamang sa eskwelahan upang alamin kung may pasok ba at pagka alam ay siyang pagdadahilan upang umalis. 

Hindi magandang gawain ang pag kiling sa isang Estudyante dahil lamang sa antas nito sa lipunan gaya na lamang ng pagiging paborito ng mga guro kay Juanito Pelaez dahil ito ay anak ng isang mestisong Kastila. Dapat ay tumingin ng pantay ang mga guro. 

  Florante at Laura Kabanata 29: Ang Sinapit ni Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 12?

Placido Penitente – Isang mag aaral ng Unibersidad ng Sto. Tomas na nagnanais ng tumigil na sa pag aaral at nag sasabi sa kaniyang ina tungkol dito ngunit hindi pinapayagan ng kanyang ina na huminto. 

Juanito Palaez – Estudyante rin ng Unibersidad ng Sto. Tomas, mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila at Mayaman. Paborito ng mga guro dahil sa estado nito sa buhay. 

Paulita Gomez – Ang kasintahan ni Isagani na kasabay na dumating ni Donya Victorina

Donya Victorina – Tauhang nabanggit nang dumating si Paulita Gomez na nooy ngumiti kay Juanito Pelaez. Isang Indio na mahilig sa kolorete na nabanggit sa mga nakaraang kabanata ng nobela. 

Tadeo – Isang estudyante na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung malalaman na mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit sa anong himala ay nakapapasa. 

Talasalitaan

Batsilyer sa artes – Bachelor in Arts sa modernong panahon. Pag aaral tungkol sa arts. 

Ukol – Tungkol. Halimbawa: Ang mga aralin ukol sa medisina at mahalaga.

Mapuna – Mapansin. Halimbawa: Para mapuna ang mga Estudyante ng kanilang guro ay kailangan nilang maging magaling sa akademya

Katipan Kasintahan o nobya. Karelasyon. Halimbawa: si Paulita Gomez ang katipan ni Isagani

Leave a Comment