Ang Artikulong ito ay naglalaman ng buod ng kabanata sampu ng El Filibusterismo na pinamagatang Kayamanan at Karalitaan. Maliban sa buod ng kabanata ng nobela ay naglalaman rin ito ng aral na mapupulot sa kasalukuyang kabanata. Ipakikilala rin ang mga karakter ng nobela na mababanggit sa kabanatang ito gayun din ang mga talasalitaan na bibigyan ng mas mababaw na kahulugan para sa mas pagkaka intindi ng lahat ng mambabasa.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan.
Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales, ito ay matatagpuan sa pagitan ng ng Tiyani at San Diego. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala na ni Simoun ang lahat ng kailangan at pagkain bukod pa ang dalawang sakong Alahas.
Ipinagmalaki ni Simoun ang kaniyang baril kay Kabesang Tales, maya maya’y dumating na ang mga mamimili ng alas gaya na lamang ni Kapitan Basilio, ang asawa nito at ang anak na si Sinang. Naririto rin si Hermana Penchang na bibili naman ng brilyanteng singsing para sa Birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta na naglalaman ng mga alahas na may ibat ibang hugis, presyo at kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas na ibinebenta ni Simoun. Tila ba nilalait ang kaniyang kapahamakan ni Simoun. Nasasa isip ni Kabesang Tales na sa dami ng mga alahas na iyon isa lamang ay sapat na para ipangtubos kay Huli na makapag bibigay ng kapanatagan sa kaniyang ama na matanda na. Wala namang namimili ni isa sa lahat ng nagditawad sa mga alahas ni Simoun.
Maya maya pa ay inilabas na ni Simoun ang mga bagong alahas na siya namang binili ni Sinang at ng iba pa. Sinabi naman ni Simoun na siya man ay namimili ng alahas, tinanong nito si Kabesang Tales kung mayroon ba itong ipagbibili? Iminungkahi naman ni Sinang ang kwintas. Agad itong tinawaran ni Simoun ng limandaang piso o ipalit sa kahit na anong gusto ng kabesa sa kanyang mga alahas. Tinawaran niya kaagad ito ng makilala na pag-aari ito ng kaniyang kasintahang nag mongha. Nag iisip si Kabesang Tales ngunit sabi naman ni Hermana Penchang ay di nito dapat ipagbili iyon sapagkat ninais pang paalila ni Huli kaysa ipagbili ito. Dahil dito ay sinabi ng Kabesang Tales na isasangguni muna niya sa kaniyang anak ang pagbebenta ng alahas, tumango na lang si Simoun.
Nang nasa labas na ng bahay ay bigla namang natanaw ng Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa sa lupa. Sila ay nagtatawanan pa ng makita si Kabesang Tales. Tila tulad ito ng pagkaka kita sa iyong asawa kasama ng ibang lalaki na kapwa pumasok sa kwarto at inaglahi ang iyong pagkalalaki. Bumalik sa loob si Kabesang Tales para sabihin kay Simoun na hindi niya nakausap ang anak.
Samantalang kinabukasan ay nawala si Kabesang Tales kasama ng baril ni Simoun. Naiwan ang isang sulat ang ang kwintas ni Maria Clara na nag sasaad na kailangan niya ang baril sapagkat siya ay sasapi na sa mga tulisan. Pinagbilinan pa nito si Simoun na mag ingat sapagkat kapag si Simoun ang mapasakamay ng mga tulisan at siguradong mapapahamak ito. “Sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan” ani Simoun.
Samantala dinakip ng mga Guwardia sibil si Tandang Selo. Natuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng mga panahong iyon. Ang Prayle, ang gumagawa sa lupa at ang asawa nito na nagkaroon ng medyo madugong pagkamatay. Putol ang leeg nito na puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babaeng ito ay matatagpuan ang papel na may nakasulat na tales gamit ang dugo.
Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 10?
Ang paghihiganti ay masama – Gaya na lamang ni Kabesang Tales na pumatay sa Prayle na sumakop sa kaniyang lupain at ang manggagawa ng lupain kasama ang asawa nito. Ang pag patay ay isang mortal na kasalanan kung kaya’t hindi dapat ito tularan ng kahit na sino man. Isama pa ang pag patay ng masyadong brutal sa asawa ng manggagawa ng lupain. Maaaring may nasabi ito o kung ano pa man pero mali ang pagpatay.
Hindi magandang pagtawanan ang paghihirap ng iba – Gaya na lamang ng ginawa ng Prayle at ng tagapag gawa nito na nagtatawanan pa ng makita si Kabesang Tales. Hindi nakalulugod na gawain ang pagiging masaya sa pagbagsak ng iba at it0 ay hindi rin magandang tularan ano mang oras.
Tama na bago pakialaman ang isang bagay ay itanong muna sa may ari nito – Kagaya ng ginawa ni Kabesang Tales na kahit na nasisilaw na sa presyo na ibinibigay ni Simoun para sa kwintas ay minabuting sabihin na magtatanong muna siya sa anak nya bago mag pasya kung ipagbibili ba ang kwintas nito o hindi.
Maging maingat sa bagay na regalo lamang sayo – Gaya ng ginawa ni Huli na mas minabuti pang magpa alipin kaysa ang ibenta ang kwintas na ibinigay sa kaniya ng kasintahang si Basilio. Kahit na naghihirap na sila at hindi kailanman sumagi sa isip ni Huli na ibenta ito. Maingat si huli sa mga bagay na bigay ng kasintahan niya.
Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 10?
Kabesang Tales – Ang Ama ni Huli. Anak ni Tandang Selo. Sumapi sa mga tulisan at pumatay ng 3 katao. Ang Prayle na kumamkam ng kaniyang lupain, ang gumagawa sa lupa at ang asawa ng gumagawa ng lupa.
Tandang Selo – Hindi na nakapag salita. Ama ni Kabesang Tales. Dinakip ng mga Guardia Sibil.
Simoun – Isang alahero na nakituloy kina Kabesang Tales. Natutuwa sa kaguluhan upang matupad ang kaniyang plano.
Kapitan Basilio – Ang ama ni Sinang na namimili ng Alahas kay Simoun.
Sinang – Ang Anak na babae ni Kapitan Basilio na namimili rin ng alahas kasama ang kaniyang mga alahas.
Hermana Penchang – Ang pinagkakautangan ni Huli ng pera na ipinag tubos kay Kabesang Tales. Isa rin sa namimili ng alahas kay Simoun. Balak bumili ng singsing para sa Birhen ng Antipolo.
Talasalitaan
Nagdadahop – Naghihirap
Inaglahi – Tinapakan