Noli Me Tangere Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 44 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Pagsusuri ng Budhi” ay matutunghayan natin ang unti-unting paggaling ni Maria Clara. Nagkaroon ng maliit na sagutan sa pagitan ni Padre Salvi at Donya Consolacion tungkol sa dahilan kung bakit nagiging maayos na ang pakiramdam ni Maria Clara, sapagkat magkaiba ang kanilang paniniwala. Iminungkahi ni Padre Salvi kay Kapitan Tiyago na mangumpisal si Maria Clara. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44

Pagkatapos ng pangungumpisal ay nabinat si Maria Clara. Sa taas ng kanyang lagnat ay palagi niyang binabanggit ang pangalan ng kanyang ina na hindi naman niya nakilala. Patuloy ang pag-aalaga sa kanya ng kanyang mga kaibigan at Tiya Isabel. Si Kapitan Tiyago naman ay patuloy ang pagbibigay ng abuloy at pagpapamisa. Nangako rin siya na magbibigay sa Birhen ng Antipolo ng tungkod nag into. 

Makalipas ang ilang araw ay bumaba na ang lagnat ni Maria Clara. Dahil dito, tuwang-tuwa si Donya Victorina, sapagkat para sa kanya ay gumaling ang dalaga dahil sa gamot na inireseta ni Don Tribucio. Dahil sa kanyang katuwaan, hindi niya sinaktan ang kanyang asawa. 

Isang hapon, nag-uusap sina Padre Salvi, Kapitan Tiyago, at mag-asawang de Espadaña tungkol kay Padre Damaso na malilipat sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na malulungkot si Maria Clara sa balitang ito, sapagkat ang pari ay parang ama na rin ng dalaga. Ayon kay Kapitan Tiyago, ang naging dahilan ng pagkakasakit ni Maria Clara ay ang mga nangyari noong pista. 

Ayon kay Padre Salvi, nakatulong din sa paggaling ni Maria Clara ang hindi nila pagkikita ni Ibarra. Hindi naman sumang-ayon dito si Donya Victorina, sapagkat ipinipilit niya na si Don Tribucio ang nakapagpagaling sa dalaga. Hindi naman nagpatalo sa usaping ito si Padre Salvi at sinabi na mas epektibo at nakakapagpagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa sa mga gamot. 

  Noli Me Tangere Kabanata 35: Mga Usap-Usapan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Napikon si Donya Victorina sa sinabi ni Padre Salvi kaya sinabi niya na gamutin si Donya Consolacion na asawa ng alperes sa pamamagitang ng kumpisal. Hindi na sumagot si Padre Salvi sa kanya. Sinabi ng pari kay Kapitan Tiyago na ihanda na lamang si Maria Clara para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin ni Padre Salvi ang beatico upang tuloy-tuloy ang paggaling ni Maria Clara. 

Pinainom ni Sinang si Maria Clara ng gamot. Ang gamot na ito ay pildoras na mula sa bumbong na Kristal. Sinabi ng doktor na itigil niya ang pag-inom nito kapag nakakaramdam siya ng pagkabingi. Nalaman rin ni Maria Clara sa kaibigan niyang si Sinang na abala si Ibarra sa pagsasa-ayos ng kanyang pagiging ekskomulgado kaya hindi pa ito nakakasulat sa kanya. 

Dumating si Tiya Isabel at pinaghanda si Maria Clara sa pangungumpisal at ihanda na rin ng dalaga ang kanyang kalooban na limutin ang kasintahan na si Ibarra. 

Nangumpisal na si Maria Clara. Napansin naman ni Tiya Isabel na habang nangungumpisal si Maria Clara ay makikitang hindi nakikinig ang pari dito. Bagkus, binabasa niya ang tumatakbo sa isipan ng dalaga. Pagkatapos ng kumpisal ay lumabas si Padre Salvi na pawisan, namumutla, nakakunot ang noo, at kagat-labi. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 44

Ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay hatid na aral sa mga mambabasa. Ito ang mga aral na mapupulot natin sa kabanatang ito na nagpapakita ng pagmamahal at pananampalataya. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalaga ang pagkakaroon ng malinis na konsensya Mahalaga na magkaroon ng malinis na konsensya sapagkat ito ay nakakatulong upang mas gumaan ang ating pakiramdam. Ito ay isa ring magandang gawain para sa bagong simula. 
Pagpapalahaga sa pananampalatayaIpinakita sa kabanatang ito ang pagpapahalaga sa pananampalataya sa pamamagitan ng pangngumpisal ni Maria Clara at pagbibigay ni Kapitan Tiyago ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. 
Maging mapanuri sa motibo ng isang tao Katulad ni Tiya Isabel, nakita niya na hindi nakikinig si Padre Salvi sa pangungumpisal ni Maria Clara. Mahalaga na maging mapanuri sa intensyon ng isang tao upang maprotektahan ang ating sarili. 
Pagiging mabuting kaibigan Binantayan ng maayos ni Sinang si Maria Clara at tinulungan siya sa pag-inom ng gamot. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 44 ng Noli Me Tangere. Sila ay nagpahayag ng kanilang mga pananaw at nagpakita ng kahalagahan ng pananampalataya. Tumulong rin sila upang maging mabilis ang pag-galing ni Maria Clara. 

  Noli Me Tangere Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Maria Clara Siya ay nangumpisal at patuloy ang pagbuti ng kanyang pakiramdam. 
Kapitan Tiyago Si Kapitan Tiyago ay nagpamisa, nagbigay ng abuloy, at tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. 
Tiya Isabel Siya ang nakapansin na hindi nakikinig si Padre Salvi sa pangungumpisal ni Maria Clara. 
Sinang Ang kaibigan ni Maria Clara. 
Padre Salvi Siya ay may kakaibang interes habang nangungumpisal si Maria Clara. 
Don TiburcioAng reseta na ibinigay ni Don Tribucio kay Maria Clara ang pinaniniwalaan ni Donya Victorina na nakapagpagaling kay Maria Clara.

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang binanggit sa Kabanata 44 ng Noli Me Tangere na maaaring hindi pamilyar sa lahat ng mambabasa. Mahalaga na matutunan ang kahulugan nito upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa ating wika. 

Mga Salita Kahulugan 
Pagsusuri ng Budhi Pagsusuri ng Konsensya
Tagatak Basa 
Nabinat Pagbalik ng sakit
Kumpisal Pagpapahayag ng mga kasalanan 
Destino Paglipat ng lugar
Ekskomunikado Taong hindi tinatanggap sa simbahan 
Tungkod Baston

Leave a Comment