Ang Kabanata 28 ay tungkol sa pagkakalathala ng pagdiriwang ng pista ng San Diego sa isang pahayagan sa Maynila. Sa tulong nito, mas makikita ng mga banyaga at mambabasa ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng pista. Si Ibarra ay hindi nakadalo sa mga tanghalan at iba pang aktibidad ng pista. Sumulat si Maria Clara kay Ibarra upang kumustahin ito at ikwento ang ilan sa mga pangyayari sa pista.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 28
Ang magarang pista sa bayan ng San Diego ay nailathala sa pahayan sa Maynila. Sa ganitong paraan, malalaman ng mga banyaga kung paano magdiwang ng pista ang mga Pilipino. Sinabi rin sa pahayan na ang pagdiriwang ng piyestang ito ay walang katulad at pinangunahan ng mga paring Pransiskano. Ayon sa pahayagan, dumalo rin ang mga paring Pransiskano, si Padre Hermando Sibyla, mamamayang Kastila, ginoo ng gabinete, mga kakilala, at iba pang mga bisita mula sa Batangas at Maynila.
Noong bisperas ng pista ay nagkaroon ng dalawang banda ng musiko. Sinundo rin ng mga makapangyarihan at maraming tao ang kura sa kumbento. Naghanda rin ng hapunan ang Hermana Mayor. Nagpunta sa tahanan si Don Santiago De Los Santos na kilala bilang madasalin, upang kaunin si Padre Damaso Verdolagas at Padre Salvi.
Naipahayag din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga kilalang artista na sina Ratia Carvajal at Fernandez. Ang mga Espanyol lamang ang nasiyahan sa palabas sapagkat Wikang Kastila ang ginamit sa palabas. Nagkaroon din ng komedya na ginamit ang Wikang Tagalog na nagbigay saya sa mga Pilipino. Nagtaka rin ang karamihan sapagkat hindi dumalo si Ibarra.
Kinabukasan, alas onse ng umaga, nagkaroon ng prusisyon para sa Birhen de la Paz. Ito ay dumaan sa paligid ng simbahan. Kasama rin sa karong pilak sina San Diego at Santo Domingo. Pagkatapos ng prusisyon ay nagkaroon ng misa kantanda na may saliw ng orkestra. Nasiyahan ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin.
Nagkaroon rin ng sayawan at pinangunahan ito ni Maria Clara at Kapitan Tiyago. Marami rin ang humanga kay Maria Clara dahil nakasuot mestiza at mayroong mga nagniningning na mga brilyante.
Isang liham naman ang natanggap ni Luis Chiquito mula kay Kapitan Aristorenas. Ito ay naglalaman ng paanyaya ng pagdalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan, katulad nina Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kapitan Tiyago, Kabesang Manuel, at ang Konsul.
Si Ibarra naman ay nakatanggap din ng liham mula kay Maria Clara. Ang liham na ito ay ipinadala ni Maria Clara kay Andeng.
Sumulat si Maria Clara ng liham kay Ibarra dahil matagal na silang hindi nagkikita sapagkat nagkasakit si Ibarra. Sinabi ni Maria Clara sa liham na ipinagdasal at ipinagtirik niya ng kandila si Ibarra kahit na hindi naman malubha ang sakit nito. Bukod dito, ikinuwento rin niya na pinilit siya na magsayaw at nainis siya rito. Nagkwento sa kanya si Padre Damaso at dahil dito ay nanatili siya roon kahit gusto niyang umalis.
Sinabi rin niya na ipaabot ang kalagayan at ipapadalaw siya. Ipinayo rin niya na si Andeng na lamang ang maglagay ng tsa dahil mas magaling ito kaysa sa kanyang katulong. Sa dulo ng liham, bago ang pamamaalam ay ipinahabol niya na dalawin siya ni Ibarra kinabukasan upang makadalo siya sa paglalagay ng unang bato ng simbahan.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 28
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 28 ng Noli Me Tangere. Ang mga mahahalagang aral na ito ay makatutulong sa atin upang mas mapaunlad ang ating mga karakter at personalidad.
Mga Aral | Paglalarawan |
Mahalaga ang magkaroon ng respeto sa kultura ng bawat isa. | Ipinakita sa kabanatang ito ang pagrespeto sa kultura ng bawat isa. Kahit magkaiba ang mga wikang ginamit sa pagtatanghal ay inirespeto ito ng mga manonood. |
Huwag pilitin ang isang tao sa bagay na ayaw niyang gawin | Hindi nasiyahan si Maria Clara sa pagpilit sa kanya ng kanyang ama na si Kapitan Tiyago na magsayaw. |
Pagmamahal sa mga mahal sa buhay | Nakita natin sa kabanatang ito ang pagmamahal ni Maria Clara kay Ibarra sa pagbibigay sa kanya ng sulat, pagdarasal, pagtitirik ng kandila, at pagbibigay ng ilang bilin. |
Mga Tauhan sa Kabanata 28
Marami ang nabanggit na tauhan sa Kabanata 28 ng Noli Me Tangere sapagkat marami ang dumalo sa pagdiriwang ng pista. Ang bawat isa sa kanila ay may papel sa piyestang ginanap.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Paring Pransiskano, si Padre Hermando Sibyla, mamamayang Kastila, ginoo ng gabinete, mga kakilala, at iba pang mga bisita mula sa Batangas at Maynila. | Sila ang ilan sa mga dumalo sa pista. |
Hermana Mayor | Siya ang naghanda ng hapunan |
Don Santiago De Los Santos | Siya ang kumaon kina Padre Damaso Verdolagas at Padre Salvi. |
Ratia Carvajal at Fernandez | Mga inimbitahang bisita para sa dula |
Padre Manuel Martin | Nagbigay ng sermon sa misa |
Maria Clara | Nagpadala ng liham kay Ibarra |
Kapitan Tiyago | Isa sa mga mayayaman sa bayan ng San Diego |
Luis Chiquito | Nakatanggap ng liham mula kay Kapitan Aristorenas |
Kapitan Aristorenas | Sumulat ng liham kay Luis Chiquito |
Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kapitan Tiyago, Kabesang Manuel, at ang Konsul | Mga batikan sa paglalaro ng monte |
Andeng | Siya ang nagdala ng liham kay Ibarra mula kay Maria Clara |
Crisostomo Ibarra | Nagkaroon siya ng sakit kaya hindi nakadalo sa mga aktibidad sa pista. |
Talasalitaan
Maraming bagong salita ang ating mababasa sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Narito ang ilan sa mga salitang ito na dapat nating malaman ang kahulugan upang mas maging bihasa tayo sa Wikang Tagalog.
Mga Salita | Kahulugan |
Pahayagan | Dyaryo na naglalaman ng mga balita |
Nailathala | Naibalita |
Kaganapan | Pangyayari |
Nasiyahan | Natuwa |
Komedya | Isang palabas na nagbibigay kasiyahan |
Prusisyon | Pagpapakita ng debosyon sa mga santo at santa sa pamamagitan ng paglalakad habang dala ang mga imahe nila. |