Ang Kabanata 18 ng Noli Me Tangere ay napag-usapan ng mga tao ang tungkol sa indulhensiya na makakapagligtas daw sa mga kaluluwa mula sa purgatoryo. Nagpunta rin si Sisa sa kumbento upang makausap si Crispin at nagdala siya ng gulay at pako. Dito niya nalaman ang nangyari kay Crispin at Basilio at siya ang naging usap-usapan ng mga tao doon pagkaalis niya.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 18
Napansin ng mga tao na matamlay na nagmisa si Padre Salvi. Naghihintay sa kanya ang hermana at hermano mayor ngunit hindi niya sila pinansin dahil hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos ng misa ay agad siyang nagtanggal ng sutana at dumiretso sa kanyang silid.
Hinihintay ng mga deboto si Padre Salvi upang itanong sa kaniya kung sino ang mamahala ng pagmimisa sa darating na pista. Gusto nilang malaman kung si Padre Damaso, Padre Martin, o koordinator ang magmimisa sa araw ng kapistahan.
Marami sa kanila ay matatanda na naatasang mangasiwa para sa darating na kapistahan ng bayan. Napag-usapan nila ang tungkol sa “indulhensiya plenarya” na kailangan daw ng mga kaluluwa upang mahango sa purgatoryo. Sa kanilang kaalaman, ito ay may katumbas na mahigit isang libong taon mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Pinangugunahan nina Manang Juana at Manang Rufa ang usapang ito.
Dumating si Sisa sa simbahan ngunit walang nakapansin sa kanya. May dala siyang mga sariwang gulay na kanyang pinitas sa kanyang halamanan. Nagdala rin diya ng pako o halamang dagat na paborito ng kurang ilahok sa paggawa ng salad. Suot niya ang pinakamaganda niyang damit. Noong umalis siya sa kanilang dampa ay natutulog pa si Basilio.
Binati ni Sisa ang mga kawasi at sakristan na nasa kumbento, ngunit hindi naman siya pinansin ng mga ito. Umaasa siya na makakausap o makikita niya si Crispin. Dahil walang pumansin sa kanya ay dumiretso na siya sa kusina ng kumbento. Inayos niya ang kanyang mga dalang gulay.
Nakausap niya ang tagaluto sa kumbento. Sinabi nito kay Sisa na may sakit si Padre Salvi kaya hindi niya ito makakausap. Tinanong niya sa tagaluto kung nasaan ang kanyang anak na si Crispin. Nagulat siya dahil nalaman niyang tumakas daw sa kumbento ang magkapatid.
Ang pagtakas nina Basilio at Crispin ay naipa-alam na sa guwardiya sibil. Sinabi pa ng alila na maari daw na nasa bahay na nina Sisa ang mga guwardiya sibil upang hulihin ang magkapatid. Pinaratangan siya ng alila na hindi tinuruan ng magandang asal ang kanyang mga anak at ang mga ito ay nagmana sa kanilang ama na sabungero.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 18
Narito ang mga aral na matutunan sa Kabanata 18 ng Noli Me Tangere. Sa kabanatang ito ay matutunan natin na may epekto sa buhay ng ibang tao ang mga desisyon natin sa buhay, ang pagmamahal ng isang ina, at ang matapang na pagharap sa mga pagsubok.
Mga Aral | Paglalarawan |
Ang kabutihan ng tao ang magbibigay ng kaligtasan | Naniniwala ang mga deboto na maililigtas ng indulhensiya plenarya ang mga kaluluwa sa pagdurusa mula sa purgatoryo. Walang masama kung maniniwala rito, ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagiging mabuting tao at pagkakaroon ng mabuting kalooban. |
Turuan ang mga anak o ang mga bata ng tamang asal | Ang kaalaman tungkol sa kabutihang asal ay nagmumula sa tahanan. Dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tamang asal dahil ito ang gagabay sa kanilang paglaki. Mahalaga rin na maging isang mabuting halimbawa sa mga anak o mga bata upang magandang ugali ang ipakita nila. |
Maging matatag sa mga pagsubok sa buhay | May mga pagsubok tayong kinakaharap sa buhay. Ang bawat pagsubok na ating pinagdadaanan ay makakapagpatatag sa atin at magbibigay ng mga magagandang aral na dapat nating matutunan. |
Hindi lahat ng mga paniniwala ay totoo o makatarungan | Tayong mga Pilipino ay maraming paniniwala tungkol sa iba’t-ibang bagay. Ang pagkakaroon pa rin ng kabutihang loob at mabuting pag-uugali sa kapwa ang pinakamagandang gawin upang makamit ang tagumpay. |
Maging maingat sa ugali na ipinapakita sa ibang tao | Ang bawat desisyon at gawain natin ay may epekto sa buhay ng bawat tao. Maaaring ito ay magdulot ng kabutihan o pagsubok sa ibang tao, Dapat isaalang-alang ang mga ipinapakita nating pag-uugali upang hindi tayo makasakit ng ibang tao. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan sa kabanata 18 ng Noli Me Tangere na nagbigay kulay sa nobelang ito. Ang bawat karakter nila ay nagpapakita ng pag-uugali at paniniwala nila tungkol sa ibat-ibang bagay.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Padre Salvi | Si Padre Salvi ang kura paroko ng simbahan. Hindi maganda ang kaniyang pakiramdam kaya matamlay siya sa kanyang pagmimisa at hindi na niya nagawang makipag-usap sa mga tao o deboto tungkol sa darating na pista. |
Mga Manang at Manong | Sila ang mga nag-uusap sa kumbento tungkol sa indulhensiya plenarya at sa parating na pista. |
Sisa | Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio. Pumunta siya sa kumbento upang magdala ng gulay at pato at upang makausap si Crispin. |
Tagaluto | Siya ang nakausap ni Sisa noong pumunta siya sa kumbento. |
Crispin at Basilio | Sila ang mga anak ni Sisa na sinasabing tumakas sa kumbento. |
Talasalitaan
May mga matatalinhaga o malalalim na salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Narito ang ilan sa mga salitang mababasa sa kabanatang ito at ang kanilang mga kahulugan upang ating mas maunawaan.