Noli Me Tangere Kabanata 16: Si Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 16 ng Noli Me Tangere ay makikilala natin si Sisa. Siya ang ina nina Crispin at Basilio at sila ay nakatira sa isang maliit na dampa. Mahirap ang kaniyang pamumuhay at ang kanyang naging asawa ay ireponsable. Sa kabanatang ito ay matutunghayan natin ang kanyang pagmamahal sa pamilya at ang kanyang mga pagsubok na kinakaharap. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 16

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio. Siya ay maganda ngunit dahil sa paglipas ng panahon at sa mga pagdurusa na kanyang kinakaharap ay tumanda na ang kaniyang hitsura. Ang napangasawa niya ay iresponsable, mahilig sa sugal, at palakad-lakad lamang sa kalsada. 

Nalulungkot si Sisa tuwing magkikita sila ng asawa, sapagkat wala naman itong nagagawang maganda para sa kanilang pamilya. Madalas niyang binubugbog ang kanyang asawa na si Sisa. Maituturing na martir si Sisa sapagkat sa kabila ng pagmamalupit ng kanyang asawa ay patuloy pa rin niya itong minamahal. 

Noong araw na iyon ay ipinaghanda ni Sisa ng masarap na hapunan ang kanyang mga anak na si Crispin at Basilio. Dahil sa kasalatan nila sa buhay ay minsan lang ito nangyayari. Inihain niya ang isang hita ng patong bundok at tapang baboy-damo para kay Basilio, samantalang tuyong tawilis at sariwang kamatis naman ang inihanda niya para kay Crispin. Nakikita na niya ang sayang maidudulot ng mga inihanda niyang pagkain sa kanyang mga anak. Ang mga pagkaing kaniyang inihain ay galing kay Pilosopo Tasyo. 

Hindi niya alam ang mga pagsubok na kinakaharap nina Crispin at Basilio sa simbahan kaya inaasahan niya na magsasalo-salo sila sa isang masarap na hapunan. Sa kasamaang palad ay dumating ang kaniyang asawa at kinain lahat ng kanyang inihaing pagkain para sa mga anak. Hindi siya nagtira para kay Crispin at Basilio. 

  Noli Me Tangere Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Naghinagpis si Sisa dahil wala nang masarap na pagkain para sa kaniyang mga anak kaya nagluto na lamang siya ng panibago para sa kanila. Hindi man lamang niya kinamusta ang kalagayan ng kaniyang pamilya at bagkus ay nagbilin pa kay Sisa na bigyan siya ng kuwalta sa kinita ng dalawang bata. 

Nainip sa paghihintay si Sisa sa kaniyang dalawang anak. Ilang sandali pa ay narinig niya ang malakas na pagtawag ni Basilio at sunod-sunod nitong pagkatok sa pinto. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 16

Narito ang mga aral na matutunan sa Kabanata 16 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay may magandang maidudulot sa ating araw-araw na pamumuhay, lalo na kung atin itong isasaisip at isasagawa ng tama. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagmamahal sa Pamilya Mahal ni Sisa ang kanyang pamilya at ganoon din ang kanyang mga anak. Kahit na sila ay may matinding pinagdadaanan ay hindi nila ito sinasabi sa kanilang ina pang hindi na makadagdag sa mga problema. Ipinakita rin ni Basilio ang pagmamahal sa kanyang kapatid at ina. Mahalaga ang pagmamahal at pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya upang makamit ang mas magandang buhay. 
Dakila ang pagmamahal ng isang ina Dakila ang pagmamahal ni Sisa sa kanyang pamilya. Kahit na hindi maganda ang kanyang mga karanasan sa kanyang asawa, mayroon naman siyang dalawang mapagmahal na anak na nagbibigay saya sa kanya. Ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak at pamilya ay walang katumbas dahil kaya nilang harapin ang mga pagsubok. 
Pagtulong sa kapwa Katulad ni Pilosopo Tasyo, nagdala siya ng pagkain sa bahay nina sisa. Sa simpleng pagbabahagi ng mga biyaya, malaki ang naitutulong nito sa mga nangangailangan. 
Maging masaya sa mga natatanggap na grasyaHindi lahat ng pamilya ay mayroong maginhawang buhay. Ang mga bagay na mayroon tayo ay dapat nating pahalagahan. Isipin ang katayuan ng mga nasa laylayan at tulong kahit sa isang simple o maliit na paraan. 

Mga Tauhan 

Sa Kabanata 16 ng Noli Me Tangere ay nakilala natin ang pamilya ni Sisa at ang kanilang mga pag-uugali at uri ng pamumuhay. Makikita natin sa kanila ang mga pagsubok na kinakaharap ng isang pamilya. 

  El Filibusterismo Kabanata 1: Sa Kubyerta - Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Sisa Siya ang ina nina Crispin at Basilio. Mapagmahal siya sa kanyang pamilya na kaya niyang magsakripisyo para sa kanila. 
BasilioAng panganay na anak ni Sisa. Ipinakita niya ang pagmamahal sa ina sa pagtatrabaho niya bilang sakristan upang may makain ito. 
Crispin Siya ang bunsong anak ni Sisa. Pinagbintangan na nagnakaw sa simbahan. 
Asawa ni Sisa Ang asawa ni Sisa ay walang pakialam sa pamilya. Sarili lamang niya ang kaniyang iniisip. Sa kanyang mga anak din siya humihingi ng pera kahit maliit lamang ang kinikita ng mga ito. 
Pilosopo Tasyo Siya ang nagbigay kay Sisa ng pagkain tulad ng sariwang kamatis, tuyong tawilis, tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok. 

Talasalitaan 

Maraming mga salita sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ang hindi pamilyar sa atin. Ito ang mga malalalim o mga matatalinhagang salita na hindi na madalas ginagamit sa modernong panahon. Narito ang ilan sa mga salitang ito at ang kanilang kahulugan. 

Mga Salita Kahulugan 
Kasalatan Kahirapan
Binubugbog Sinasaktan 
Dampa Isang maliit na bahay o bahay-kubo 
Nanlumo Nalungkot 
Hindi inaasahan Hindi hinahangad 
Humahagos Nagmamadali 
Inaatupag Pinagkaka-abalahan, ginagawa
Kapritso Layaw, luho
Pobre Mahirap
Tinangka Binalak 

Leave a Comment