Noli Me Tangere Kabanata 15: Ang Mga Sakristan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 15 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang “Ang Mga Sakristan.” Ito ay tungkol sa dalwang batang nakita ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Sila ay sina Crispin at Basilio na anak ni Sisa. Silang dalawa ay nagta-trabaho sa simbahan bilang mga sakristan. Sa kabanatang ito ay makikilala natin sila at ang kanilang kalagayan sa kamay ng mga pari. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 15

Sina Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Silang dalawa ay may kinahaharap na matinding suliranin. Dahil dito, nawawalan na sila ng pag-asa, lalo na si Crispin. 

Pinagbibintangan ng mga pari si Crispin na nagnakaw ng tatlumpu’t dalawang piso o dalawang onsa. Ang sahod ni Crispin sa pagiging sakristan ay dalawang piso lamang kada buwan kaya hindi niya ito mababayaran. Ang hinihinging multa sa kanya ay tatlong beses ng halaga na sinasabing ninakaw niya. 

Humingi siya ng tulong sa kanyang nakatatandang kapatid na si Basilio upang mabayaran niya ang multa. Ngunit tumanggi sa kanya si Basilio dahil ang kanyang kinikita sa pagiging sakristan ay para suportahan ang kanilang inau pang may pambili ng pagkain. 

Nangungulila si Crispin sa kanyang ina at hinihiling na lamang niya na sana ay nagkasakit na lamang sila. Naisip niya na kung kasama niya ang kanyang ina ay ipagtatanggol siya nito laban sa mga ibinibintang sa kanya ng mga pari. Sumagi rin sa isip ni Crispin na sana ay ninakaw na lamang niya ang pera upang kahit na siya ay mamatay sa pagpapahirap ng mga pari ay mayroon naman siyang naibigay sa kanyang kapatid at ina. 

  Noli Me Tangere Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Alam ni Crispin na paniniwalaan siya ng kaniyang ina kapag nalaman itong mga pangyayari. Pinag-interesan din ng mga pari ang isang kwalta na aginaldo pa sa kanya noong nakaraang pasko. 

Habang nag-uusap ang magkapatid ay hindi nila namalayan na pumanhik ang sakristan mayor at nagalit siya sa narining na usapan. Dahil dito, pinagbawalan si Crispin na makauwi ng bahay hanggat hindi niya nababayaran ang ninakaw. Si Basilio naman ay pinagmulta dahil hindi raw tama ang pagpapatunog ng kampana. 

Si Basilio ay pwede lamang umuwi tuwing ika-sampu ng gabi ngunit ito ay mapanganib na. Ipinagbabawal din ang paglabas sa kalsada pagkaraan ng ika-siyam ng gabi dahil may mga nagbabantay na guwardiya sibil. Kinaladkad naman ng sakristan mayor si Crispin palayo. Narinig ni Basilio ang palahaw, panaghoy, at hiyaw ng kapatid dahil sa pagpapahirap ng sakristan mayor. Dahil dito, naramdaman niya ang matinding paghihinagpis sa sinapit ng kapatid. 

Gamit ang lubid ng kampana ay nagpatihulog si Basilio sa bintana upang tumakas at dalawang putok ng baril ang narinig makalipas ang dalawang minuto. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 15

Natunghayan natin sa Kabanata 15 ang sinapit ng magkapatid na sina Crispin at Basilio at ang kanilang paghihirap bilang sakristan sa simbahan. Ito ang mga aral na matututunan natin sa ipinakitang ugali ng mga pari at sa kalagayan ng dalawang sakristan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Huwag manghusga o magbintang Nakita natin na pinagbintangan si Crispin sa pagnanakaw kahit wala silang ebidensya dito. Mas mabuti na alamin ang katotohanan at huwag gawing basehan ang mga haka-haka lamang. 
Mahalaga ang pagtataguyod ng katarungan May mga pinuno na inaabuso ang kapangyarihan na mayroon sila at ginagamit ito ng iba upang maisagawa ang mga kagustuhan nila. Mahalaga na itaguyod ang katarungan upang malabanan ang mga pang-aapi at magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. 
Ipaglaban ang katotohanan Tutulan ang mga taong nang-aabuso at tulungan ang mga nangangailangan. Kung gagawin ito, maipagtatanggol ang mga inosente sa kanilang mga pagdurusang kinakaharap. 

Mga Tauhan 

Sila ang mga tauhan na nakilala natin sa Kabanata 15 ng Noli Me Tangere. Ang bawat karakter na ito ay sumisimbolo ng kalagayan ng mga taong may kapangyarihan at kanilang mga tauhan. 

  Florante at Laura Kabanata 19: Paalaman at Habilin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Crispin Siya ang bunsong anak ni Sisa. Pinagbintangan siya sa pagnanakaw ng halagang tatlumpung dalawang salapi. 
BasilioSi Basilio ang panganay na anak ni Sisa. Pinagmulta siya ng sakristan mayor dahil mali raw ang kanyang ginawa sa pagpapatunog ng kampana. 
Sisa Siya ang ina nina Crispin at Basilio. 
Sakristan Mayor Tagapamahala sa mga sakristan. Siya rin ang nagpahirap sa kalagayan nina Crispin at Basilio at ang itinuturing na antagonista sa kabanatang ito. 

Talasalitaan 

Mas mapapalawak ang ating kaalaman sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere, sapagkat may mga bagong salita tayong mababasa na mas makakapaunlad ng ating kaalaman. Narito ang ilan sa mga salita sa kabanatang ito at ang kanilang kahulugan. 

Mga Salita Kahulugan 
Sakristan Mayor Ito ay tumutukoy sa taong namamahala sa mga sakristan. 
Pinagbintangan Pinagkamalan na gumawa ng isang bagay kahit walang matibay na ebidensya. 
Pagnanakaw Pagkuha ng mga gamit na pagmamay-ari ng iba
Aginaldo Salapi o pera na inireregalo tuwing kapaskuhan
Multa Ito ay halaga na dapat bayaran sa ginawang pagkakamali
Guwardiya Sibil Mga tauhan ng military na inatasang magbantay upang mapanatii ang kaayusan at kapayapaan
Nakabuntot Nakasunod 
Pumanhik Umakyat 
Kaluskos Mahinang tunog 
Hiyaw Sigaw
Palahaw Pananangis
Panaghoy Daing 
Kinaladkad Hinila 

Leave a Comment