Noli Me Tangere Kabanata 12: Araw ng mga Patay – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Todos Los Santos o Araw ng mga Patay ay ipinagdiriwang natin tuwing ika-dalawa ng Nobyembre. Sa tradisyong ito, pumupunta ang mga tao sa libingan upang maglinis at bisitahin ang kanilang yumaong mahal sa buhay. Ito ay pagbibigay din ng respeto sa kanila. Sa kabanatang ito, makikita natin ang mga gawain ng sepulturero sa libingan. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 12

Sa isang malawak na palayan matatagpuan ang sementeryo ng San Diego. Mga kawayan at lumang pader ang nagsisilbing harang nito. Sa gitna ng libingan ay mayroong isang malaking bato at may nakatirik ditong isang krus. 

Kung ilalarawan ang sementeryong ito ay masasabing napabayaan na dahil sa hitsura nito. Hindi madali ang pagpunta sa libingan dahil masukal iyon. Tuwing tag-araw ay maalikabok rito at tuwing umuulan naman ay nagiging maputik ito kaya mahirap madaanan. 

Noon ay mayroong dalawang sepulturero sa libingan. Habang sila ay naghuhukay ay napag-isipan nilang mag-kwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan bilang isang sepulturero. 

Sinabi ng baguhan at mas batang sepulturero na bagong lipat pa lamang siya. Ang dahilan ng kaniyang paglipat ay dahil hindi niya kinaya ang mga iniuutos sa kanya sa dati niyang trabaho. Isa na rito ang paghukay ng mga kalilibing pa lamang. Ito ay ginagawa upang ilipat ang bangkay sa ibang lugar. 

Nagbahagi rin ng kanyang karanasan bilang isang sepulturero ang may mas higit na karanasan. Sinambit niya na inutusan siyang hukayin ang isang bangkay na kalilibing pa lamang at dalawampung araw pa lamang ang nakalilipas. Sinabi niya na ang ipinahukay na bangkay ay sariwa pa. 

  El Filibusterismo Kabanata 16: Ang Kasawian ng isang Intsik  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Sabi ng nag-utos sa kanya ay ilipat ito sa libingan ng mga Instik. Hindi niya nagawa ang ipinag-uutos sa kanya dahil malakas ang ulan noon. Ang ginawa na lamang niya ay itinapon sa lawa ang bangkay. Nalaman niya na ang nag-utos sa kanya ay si Pader Garrote na isang prayle. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 12

Ito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 12 ng Noli Me Tangere. Dito ay makikita ang mga gawain ng sepulturero at ang mga bagay na iniuutos sa kanila ng mga pinuno katulad ng prayle. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagrespeto sa Tradisyon Ang kabanata ay naglalarawan ng tradisyon ng mga Pilipino tuwing Undas o Araw ng mga Patay, kung saan nagdadala ang mga tao ng bulaklak at kandila sa mga puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon at kulturang Pilipino sa pang-araw-araw na buhay.
Sistema ng pag-uutos mga namumuno at mga tauhan nila. Ang mga pinuno katulad ng prayle ay hindi alintana ang magiging resulta ng kanilang mga desisyon. Dapat muna nilang alamin ang mga posibleng mangyari kapag ginawa o hindi nagawa ng tama ng mga tauhan nila ang kanilang ipinag-uutos. 
Kritisismo sa katiwalian at kolonyalismoMakikita sa kabanata na inabuso ng prayle ang kaniyang kapangyarihan. Hindi siya sumasangguni sa ibang tao bago gumawa ng isang desisyon. 
Gawin ng tama ang trabahoMay oras na mahirap gampanan ang isang trabaho, lalo na kapag mahirap tumanggi sa nag-utos nito. Maging makatao at irespeto ang ibang tao, kahit sila ay yumao na. 

Mga Tauhan 

Ang dalawang sepulturero ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Napag-usapan nila ang mga pangyayari at mga utos sa kanilang trabaho. Mayroon silang mga hindi magandang karanasan at sumusnod lamang sila sa utos ng prayle o mga nakatataas na pinuno. 

  Noli Me Tangere Kabanata 56: Ang Mga Sabi-Sabi at Kuro-Kuro – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Baguhan o mas batang sepultureroSiya ang isa sa mga sepulturero sa libingan. Bagong lipat lamang siya ng trabaho dahil hindi niya kinaya ang mga bagay na ipinag-uutos sa kanya sa dati niyang trabaho. 
Sepulturero na may higit na karanasan Ang isa sa mga sepulturero na malawak na ang karanasan. Sinabi niyang iniutos sa kanya na hukayin ang isang bangkay at ilipat ito sa libingan ng mga Intsik, ngunit dahil sa sama ng panahon ay hindi niya ito nagawa, kung kaya’t itinapon na lamang niya ito sa lawa. 
Pader Garrote Siya ang nag-utos sa sepulturero na may higit na karanasan na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik kahit na ito ay sariwa pa at dalawampung araw pa lang ang nakalilipas. 

Talasalitaan 

Sa Kabanata 12 ng “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal na may pamagat na “Araw ng mga Patay,” maaaring makita ang ilang mga salitang natutunan o maaaring hindi pamilyar sa mga mambabasa. Narito ang ilang talasalitaan o mga salitang maaaring makatulong sa pag-unawa ng kabanata:

Mga Salita Kahulugan 
Dalubhasa Eksperto o bihasa na sa pag-gawa ng isang bagay. 
Masukal Maraming damo sa paligid
Malawak Malaki ang nasasakupan
Sepulturero Ito ay tumutukoy sa mga nagta-trabaho sa libingan o sementeryo
Undas Isang salitang Filipinong nagpapahayag sa kaugalian o pagdiriwang tuwing Nobyembre 1 at 2, kung kailan inaalala ang mga yumaong kamag-anak. Tinatawag din itong “Araw ng mga Patay.”
Kalansay Butò o buto ng tao. Ito ay maaaring tumukoy sa mga labi ng yumaong kamag-anak.
Bangkay Labi ng yumao 
Ilibing Ang paglalagay ng patay sa libingan o huling hantungan 
Agos Daloy ng tubig, maaaring ito’y literal na agos ng ilog o metapora para sa daloy ng buhay o panahon.
Nakapipighati Ang nagdadala ng lungkot o sakit sa puso.

Leave a Comment