Florante at Laura Kabanata 7 – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 7 ng Florante at Laura ay mula sa Saknong 83 hanggang 97. Dito ay maririnig ni Aladin ang paghikbi ni Florante, kung kaya’t narinig niya ang kanyang pananambitan. Matutunghayan din dito sa kabanatang ito ang mga pinagdaanan na paghihirap ng ama ni Florante at kung paano ito pinatay ng kanyang mga kaaway. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 7

Napaluha si Aladin sa kanyang mga winika at ang kanyang pika ay isinaksak muna bago naghimutok. Habang siya ay nasa ganitong kalagayan, nakarinig siya ng isang buntong-hinanga ng isang nagagapos. 

Namangha si Aladin nang marinig niya ito at ibinaling ang kanyang titig sa gubat. Wala siyang nakita kaya hinintay na lamang ulit niya na marinig ito. Makalipas ang ilang sandali ay may narinig siyang humibik. 

Si Aladin ay namaang sa narinig niya at napatanong siya sa sarili kung sino ang mananaghoy sa ilang na iyon. Siya ay lumapit sa pinanggagalingan ng buntong-hininga at siya ay nagmatyag. Narining ni Aladin ang hibik ni Florante at ang kanyang pananaghoy. 

Si Florante ay patuloy sa kanyang paghibik habang inaalala ang mga nangyari sa kanyang ama. Itinatanong niya na kung bakit naunang napatid ang buhay ng kanyang ama kaya siya ay naulila sa gitna ng sakit. Pinagkuro-kuro ni Florante ang gunita ng pagkahulog ng kanyang ama sa kamay ng mga kaaway. Nakaranas ang kanyang ama ng parusa na kalagim-lagim

Naitanong din niya kung alin ang hirap na hindi ipararanas ng malupit na si Konde Adolfo. Pinagbuntungan ng galit ang kanyang ama. Sa sitwasyong ito ay parang namamalas ni Florante ang naranasan na sakit ng pagpapahirap sa kanyang ama. Si Florante ang mundo ng kanyang ama. 

  Noli Me Tangere Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang buto, laman, at kamay ng kanyang ama ay nagkahiwa-hiwalay at nalayo ang ulo sa katawan nito. Ang parte ng kanyang katawan ay pinaghagisan at kahit isa man ay walang naawa at hindi inilibing ng maayos ang ama. 

Ang mga kaibigan ng kanyang ama ay maituturing naring kaaway kung kumampi sila sa kalaban. Natatakot ang mga kaibigan ng kanyang ama na ilibing ang bangkay sapagkat baka sila ay maparusahan. 

Ngayon ay parang sariwa pa rin sa gunita ni Florante ang mga nangyari sa kanyang ama, kung saan siya ay nanalangin na maligtas si Florante sa kamay ng mga malulupit na tao. Ginusto rin ng kanyang ama na siya ay matabutan ng mga bangkay habang nagpapatayan ang mga kaaway upang makaligtas siya sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa isang halimaw. Ang mga panalangin ng kanyang ama ay hindi pa nangyayari. Ang pagluha ng puso ni Florante ay nanukal sa kanyang mga mata. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 7

Ang bawat kabanata ng Florante at Laura ay may hatid na magagandang aral sa mga mambabasa. Narito ang mga aral na matututunan sa kabanatang ito ng Florante at Laura na makapagbibigay sa atin ng inspirasyon. 

Mga Aral Paglalarawan 
Ang pagkakaroon ng takot sa mga makapangyarihan ay pumipigil upang ipagtanggol ang katarungan. Katulad ng kaibigan ng mga ama ni Florante, natakot sila sa parusang ibibigay sa kanila, kung kaya’t hindi nila nagawang tulungan ito. Kahit ang paglilibing ng maayos ay hindi nila nagawa sapagkat mas nangingibabaw sa puso nila ang takot na mapunta sa kapahamakan. 
Mahalaga ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan. Ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan lalo na sa oras ng kagipitan. Maaari mong tulungan ang iyong kaibigan sa maliit at simpleng paraan. 
Ang pagmamahal ng ama sa anak Natunghayan natin kung gaano kamahal si Florante ng kanyang ama. Kahit na siya ay nasa bingit na ng kamatayan, at idinalangin niya ang kaligtasan ng kanyang bunsong anak na si Florante. 
Ang kahalagahan ng pananampalatayaMahalaga ang pananalangin at pananampalataya. Ito ay nakapagbibigay ng pag-asa na makakaya nating lagpasan ang mga pagsubok. 
Mahalaga ang pagkakaroon ng hustiya at katarungan sa bayan upang matigil ang pang-aapi. Ang pagkakaroon ng hustisya at katarungan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng mapagkakatiwalaan na pinuno. Mahalaga ang pagpili ng pinuno na may malasakit sa bayan at sa karapatan ng nasasakupan upang matigil ang pang-aabuso. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhang nabanggit sa Kabanata 7 (Saknong 83 to 97) ng Florante at Laura. Dito ay mas nakilala pa natin ang pag-uugali at matutunghayan ang mga pinagdaanan ng bawat tauhan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Aladin Siya ang nakarining ng buntung-hininga, paghikbi, at pananambitan ni Florante. 
FloranteSi Florante ang nakagapos sa gubat at ginunita sa kanyang isipan ang mga hirap at sakit na naranasan ng kanyang ama. 
Duke Briseo Ang ama ni Florante.
Konde Adolfo Siya ang nagpahirap sa ama ni Florante. 

Talasalitaan 

Maraming malalalim o matatalinhagang salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Mahalagang matutunan natin ang kahulugan ng mga ito upang mas madama natin ang emosyon ng bawat karakter at mensahe na inilalahad sa kwento. 

Mga Salita Kahulugan 
Naghimutok Pagdaramdam, tampo, hinaing, o daing
HumibikNanangis o nanaghoy
IlangIsang lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao.
TaksilHindi naging tapat sa samahan o relasyon.
Kalagim-lagimKatakot-takot o kahindik-hindik
SumungawSumilip o dumungaw

Leave a Comment