Florante at Laura Kabanata 5: Halina, Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 5 ng Florante at Laura ay mula sa Saknong 55 hanggang 68. Dito ay ipinagpatuloy ni Florante ang kanyang panawagan kay Laura. Para sa kanya, ang sinta niyang si Laura lamang ang makapagbibigay lunas sa kanyang paghihirap. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawang pagtataksil sa kanya ni Laura. Mas nais pa niya ang pagbibigay sa kanya ni Adolfo ng kahirapan kaysa mawala ang sinisinta niya. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 5

Nagpatuloy si Florante sa paggunita ng mga alaala ni Laura at panawagan sa kanya, kahit hindi naman siya nito naririnig. Hinahanap-hanap niya ang paglingap ni Laura katulad noon at hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga, sapagkat ang sinisinta niya ay nasa kamatayan. 

Malaki ang dalita na nararanasan ni Florante kaya kahit kapatak lamang ng luha ni Laura ay makagagaling sa kanya, kaya hindi na niya kailangan ng marami. Ang mahalaga ay galing ito sa pusong puno ng pagsinta. 

Ipinasisiyasat ni Florante ang kanyang katawan kay Laura upang matingnan ang kanyang mga sugat na hindi dahil sa kalis. Pinahuhugasan rin niya ang mga dugo na nagmula sa gitgit ng mga kamay, paa, at leeg niya na nakatali. 

Tinatawag niya si Laura upang tingnan ang kanyang kasuotan, kalagin ang tali, at bihisan upang gumaan ang kanyang pagdurusa. Gusto niyang ititig ni Laura ang mga mata nito sa kanyang ano na puno ng sakit. 

Para kay Florante, si Laura lamang ag makapagbigay ng lunas sa kanyang paghihirap. Gusto niyang damahin ng mga kamay ni Laura ang kanyang katawan at kung gawin niya ay ito ay mabubuhay siya, kahit na parang isang bangkay

  Noli Me Tangere Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ngunit, ang lahat ng ito ay nasa alaala lamang niya sapagkat wala si Laura na kanyang tinatawag, sapagkat lumayo siya at ipinagkanulo ang tapat na pag-ibig. Ibinigay ni Laura ang kanyang puso sa iba at sinasabi ni Florante na dinaya siya nito. 

Halos lahat ng hirap ay naranasan ni Florante sapagkat ulila na siya sa ama at sa ina, wala ring kaibigan, at nilimot pa ng kanyang minamahal. Mas nanaisin ni Florante na ibigay ni Adolfo sa kanya ang lahat ng paghihirap, huwag lamang mawala sa kanya ang puso ni Laura. 

Ang kanyang paghihimutok ay umalingawngaw sa gubat, kung saan mararamdaman ang buntong-hininga at ang pagluha. Muli, ay nawalan ng malay si Florante at napayukayok. Kung titingnan ang kanyang anyo, ay para siyang isang bangkay, sapagkat ang kulay ng mukha niya ay maihahatintulad sa isang puting pulbos. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 5

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 5 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay makapagbibigay sa atin ng inspirasyon at mga magandang kaisipan na maaari nating gawing gabay sa ating pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Tapat na pagmamahal Mahalaga ang pagkakaroon ng tapat na pagmamahal sa iyong minamahal upang mas maging matatag ang isang relasyon. Tuparin ang mga pangako at ipakita ang pag-aalaga at pagmamahal sa bawat isa. 
Ang pagmamahal ng isang tao ay nagdudulot ng kaginhawaanKatulad ni Florante, naisip niya na ang pag-aalaga ni Laura ay makatutulong upang guminhawa ang kanyang hirap na nararamdaman. 
Lahat ng hirap ay kayang tiisin ng isang tao para sa kanyang minamahal. Sinabi ni Florante na mas nanaisin niya ang hirap na ibibigay sa kanya ni Adolfo, huwag lamang mawala ang kanyang minamahal na si Laura. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 5 na mula sa saknong 55 hanggang 68 ng Florante at Laura. Sila ang mga pangunahing tauhan na nagbibigay kulay sa kwento. 

  Florante at Laura Kabanata 8: Paghahambing sa Dalawang Ama – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Inaalala niya ang pag-aalaga sa kanya ni Laura noon, kung paano nito siyasatin ang kanyang katawan at damit, pati na ang pagluha nito. 
LauraSi Laura ang sinisinta ni Florante. Sinasabi ni Florante na ang pagmamahal ni Laura ay makagagaan ng kanyang pakiramdam, ngunit ito ay malayo sa kanya ngayon at nasa piling na ng iba. 
Adolfo Si Adolfo ang karibal ni Florante kay Laura. Kahit anong pahirap ang ibigay ni Adolfo kay Florante ay kaya niyang tiisin huwag lamang mawala sa kanya si Laura. 

Talasalitaan 

Maraming mga matatalinhaga at malalalim na salita ang ginamit ng may-akda sa kwento. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas maintindihan natin ang kwento ni Florante at Laura. 

Mga Salita Kahulugan 
LingapPagmamahal, pag-aalaga, o suporta.
DalitaMatinding kalungkutan o pangungulila.
SiyasatinTignan o suriin nang maigi
ItitigI-angat ang tingin.
MakalulunasMakakatulong o makapagpapaginhawa.
PagdayaPanloloko o pagtatraydor
NaghimutokNaglalabas ng damdamin ng galit o hinanakit.
NapayukayokNag-angat o naglubay ng ulo.
Pagdamay Paglingap 
Makaaapula Makagagaling o makapipigil 
Sinta Minamahal 
Dusa Paghihirap 
Ipinagkanulo Ito ay tumutukoy sa pagtataksil ng isang tao.
Panibugho Pagseselos o pagsususpetsa
NapayukayokNapa—tungo, napasubsob, o napasubasob 
Kasindak-sindak Nakakatakot, nakakabigla, nakakikilabot, o napakahirap.
UmalingawngawDumagundong o tumaginting. Ito ay isang uri ng tunog na naririnig mula sa malayo. 

Leave a Comment