Florante at Laura Kabanata 4: Daing ng Pusong Nagdurusa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 4 ng Florante at Laura ay hango sa Saknong 33 hanggang 54. Dito sa kabanatang ito ay nawalan ng malay si Florante dahil sa kanyang paghihirap. Nang magkamalay siya uli ay naalala niya ang pag-aaruga at pag-aalala ni Laura sa tuwing siya ay makikihamok. Sinisiyasat niyang mabuti ang kalagayan ni Florante kapag ito ay nakabalik na. Ang ganitong pag-aalaga ay hinahanap ni Florante. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 4

Nahimatay si Florante dahil sa kanyang paghihinagpis. Ang puso niya ay sumuko dahil sa sakit at ang kanyang uloy ay nalungayngay habang ang luha naman ay bumalisbis na parang ang nagdidilig sa puno kung saan siya nakagapos. 

Mula paa hanggang ulo ni Florante ay makikita ang mabangis na kapighatian. Tila ay may isang mabigat na pasanin ang sumasalansang sa kanyang pagkatao. 

Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nagkaroon ng malay at nagpatuloy siya sa pagpapahayag ng kanyang damdamin. Ang kanyang mga daing na lubhang malumbay ay halos sumabog sa buong gubat at umaalingawngaw sa malayo. 

Sinasabi niya kay Laura na kung bakit sa iba nito ibinigay ang sintang ipinangako niya kay Florante at pinagtaksilan ang isang taong may tapat na puso at sa taong pinaggugulan niya ng luha. Dagdag pa niya, sumumpa si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa pag-ibig ni Florante. Ibinigay niya kay Laura ang kanyang pagmamahal at wala sa isipan niya na mangyayari ang mga bagay na ito. 

Si Florante ang katiwala at kariktan ni Laura. Tapat ang puso ni Laura kaya’t hindi niya naisipan na ang pagtataksil nito ay nasa kagandahan. Hindi akalain ni Florante na sasayangin lamang ni Laura ang mga luhang iginugol nito sa binata. Si Florante ang madalas na giliw ni Laura at ang mukha ng binata ang lunas sa kanyang hilahil. 

  Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Naalala ni Florante ang pagbibigay ni Laura sa kanya ng bandana at natatandaan niyang ito ay basa pa ng luha ng dalaga. Ibinibigay ito sa kanya ni Laura dahil takot siya na masugatan si Florante sa pakikihamok. 

Bukod dito, naalala niya ang pag-aalaga sa kanya ni Laura at titingnan ni Laura nang maayos ang damit upang hindi madumihan. Ang kintab at tibay ng damit ay sinisiyasat na mabuti ni Laura upang hindi ito kaagad madudumihan at kahit nasa malayo pa at kasama ng karamihan ay makikilala niya agad si Florante. Mayroon ding isang letrang L na ang turbante na ibinigay ni Laura kay Florante. 

Habang nakikipaglaban si Florante ay naghahanap si Laura ng makapagbibigay aliw sa kanya. At sa pagbalik ni Florante ay may takot pa rin si Laura, kahit ito ay nakikita na niyang ligtas. Nag-aalala si Laura nab aka magkasugat si Florante at hindi siya maniniwala hanggang hindi niya nasisiyasat ng mabuti ang binata. At kung may makita mang gurlis na maliit sa balat ni Florante ay hinuhugasan iyon ni Laura ng luha. 

Kapag napansin ni Laura na mayroong kahapisan ay tatanungin niya kung ano ang sanhi nito. Ang labi ni Laura na maihahalintulad sa rubi ay idinarampi niya sa mukha ni Florante. Dinadala rin ni Laura si Florante sa hardin at pipitasin niya ang pinakamagandang bulaklak. Isasabit niya ang salit-salit sa tuhog ng bulaklak ito sa leeg ni Florante. At kung hindi pa rin masawata ang hapis ni Florante ay mayroong dadaloy na luha mula sa mga mata ni Laura. 

  El Filibusterismo Kabanata 32: Ang Mga Bunga ng mga Paskil – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang pag-aaruga ni Laura ay hinahanap ngayon ni Florante upang maging lunas sa sakit na nararamdaman niya. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 4

May aral tayong matututunan sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Ang mga aral na ito ay makapagbibigay sa atin ng inspirasyon at magandang kaisipan na maaari nating gawing gabay sa ating pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Kahalagahan ng Tapat na Pag-ibigBinibigyang diin ang halaga ng tapat at matibay na pag-ibig. Ang sakit ng paglisan ng minamahal ay maaaring maging isang masalimuot na karanasan, subalit ito’y maaaring maging pagkakataon upang itaguyod ang tapat na pag-ibig.
Mga Panganib ng PanlilinlangIpinapakita ng tula ang pag-iiwas sa mga masasamang intensiyon, lalo na ang posibilidad ng panlilinlang o pagsuway sa pangako ng pag-ibig. Mahalaga ang pagtutok sa tunay na damdamin at layunin ng isa’t isa.
Pagsisisi at PanghihinayangAng panghihinayang at pagsisisi ay bahagi ng proseso ng pagpapagaling. Ito’y natural na reaksyon sa pagkakaroon ng masalimuot na relasyon at pagtanggap na hindi lahat ng pangako ay natutupad.

Mga Tauhan 

Si Florante ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Sa kanyang pagsasalaysay, mas makikilala natin kung paano siya alagaan at siyasatin ni Laura sa tuwing siya ay makikihamok. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Nawalan siya ng malay dahil sa paghihirap na kinakaharap niya. Inalala niya ang pag-aalaga sa kanya ni Laura.  
LauraSi Laura ang minamahal ni Florante. Palagi niyang sinisiyasat ng mabuti ang kalagayan ni Florante sa tuwing ito ay makikihamok. 

Talasalitaan 

Narito ang mga salitang nabanggit sa kabanatang ito ng Florante at Laura na maaaring hindi pamilyar sa mga mambabasa, kaya mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng mga ito upang sa susund na mabasa o marinig ay madali na nating maiintindihan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 2: Crisostomo Ibarra – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Hinagpis Kalungkutan 
SagisagPagsasalaysay o pagsasalarawan, isinasaad ang malalim na kahulugan ng mga simbolo o bagay.
PaglililoPagtatraydor o pagtataksil, isinasaad ang malupit na panghihinayang sa paglililo.
Bangis ng KapighatianMalupit at masalimuot na sakit o problema, isinasaad ang masamang epekto ng nararamdaman.
Pakikihamok Pakikipaglaban 

Leave a Comment