Florante at Laura Kabanata 23: Isang Pusong Sumisinta – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 23 ng Florante at Laura ay tungkol sa pagpapahayag ni Florante ng kanyang pagmamahal para kay Laura. Nagpahanda si Haring Linceo ng piging at hindi sila nagkausap ni Laura. Ngunit, bago naman umalis ang hukbo ni Florante upang pumunta sa bayan ng Krotona ay mayroon namang pabaon sa kanya ang minamahal niyang si Laura. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 23

Noong nakiumpok na sa kanilang usapan si Laura ay hindi nakita ni Florante ang patas na wika sa kaguluhan niya at pagkawalandiwa. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay tila wala nang kamaharlikaan si Florante. Ang kaluluwa niya ay naguguluhan at ang puso ay nadadaragang sa ningas ng bagong sinta niyang nakilala. 

Nagkaroon ng tatlong araw na piging ang hari sa palasyo na bunyi sa kayamanan. Hindi niya nakausap si Laura na kanyang inaasahan na iluluwalhati. Dito ay naramdaman ni Florante ang lalong hinagpis higit pa sa nauunang dalitang kanyang tiniis. Ang lahat ng sakit at kahirapan na mula sa pag-ibig ay hinulaan niya. 

Kinabukasan naman noong pupunta na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona ay pinalad siya na makausap ang prinsesang si Laura na nihag ng kanyang katauhan. Ipinahayag niya nang mairog na may buntung-hininga, luha, at himutok ang kanyang matinding pagsintang ikinalulunod hanggang ngayon ng kanyang buhay na kapos. 

Nahambal sa malungkot na hibik ni Florante ang puso matibay ng himalang dikit. Ipinahayag ni Florante ang kanyang pagmamahal kay Laura. Hindi naman nagbitiw ng salitang oo si Laura. Ngunit, sa pag-alis naman ni Florante ay pinabaunan niya ito ng may hiyang perlas o luha na nanukal sa kanyang mga mata. 

  Noli Me Tangere Kabanata 43: Mga Balak o Panukala – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 23

Ang bawat kabanata ng Florante at Laura ay may hatid na aral sa mga mambabasa. Ang mga aral na ito ay maaari nating gawing gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay para na rin sa ikauunlad natin. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalaga ang magkaroon ng malinaw na komunikasyonMay mga pagkakataong hindi tayo makapag-isip o makakilos ng maayos. Mahalaga ang magkaroon ng maayos na komunikasyon upang maipahayag ang tunay na damdamin at saloobin. 
Pagpapahayag ng nararamdaman Mahalaga ang pagpapahayag ng nararamdaman sa isang tao, sapagkat ito ay nagbibigay ng kalinawan at pag-asa. Sa pamaagitan rin nito ay malalaman mo ang kanyang saloobin. 
Ang ating emosyon at pagsasalita ay nagpapakita ng ating nararamdaman sa isang taoIpinakita ni Laura ang kanyang nararamdaman kay Florante bago ito umalis papuntang bayan ng Krotona sa pamamagitan ng kanyang pagluha. 
Ang pag-ibig ay may dulot na kasiyahan at kalungkutan sa puso Ang umibig sa isang tao ay hindi madali. Sa pag-ibig ay mararanasan ang kasiyahan na dulot nito. Ngunit, may kalungkutan ding hatid ito na makakatulong naman upang mas maging matatag ang relasyon sa isa’t-isa. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ng Florante at Laura na mula sa saknong 288 hanggang 295. Ang karakter ng bawat tauhan ay nagbibigay ng magandang buhay at kulay sa daloy ng kwento. 

Mga TauhanPaglalarawan 
Florante Si Florante ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Nabighani siya sa kagandahan ni Laura. Ipinahayag niya ang kanyang nararamdaman sa minamahal niyang si Laura bago siya magpunta sa bayan ng Krotona. 
LauraSi Laura ang prinsesa at anak ni Haring Linceo. Iniibig rin siya ni Florante. Nagpabaon siya ng luha kay Florante bago ito umalis at pumunta sa bayan ng Krotona. 
Haring LinceoSiya ang hari sa kanilang bayan. Nagpa-piging siya ng tatlong araw bago umalis si Florante. 
AladinAng Moro na taga-Persya. Siya ang nagligtas kay Florante. Sa kanya isinasalaysay ni Florante ang mga pangyayari sa kanyang buhay. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay mayroon tayong mababasa na mga salita at parirala na maaaring hindi pamilyar sa atin. Narito ang kahulugan ng ilan sa mga salita at parirala na ginamit sa kabanatang ito. 

  El Filibusterismo Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Salta Paglalarawan 
Makiumpok Ito ay tumutukoy sa makiupo o makisama sa isang usapan. 
Nagkakalisya Ito ay nangangahulugan ng nagkakamali o nagkakasala. 
Malutas Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng solusyon o pagtatapos ng isang usapan. 
Piging Isang salo-salo o handaan 
Bunyi Ito ay nangangahulugan ng matagumpay, makapangyarihan, o pinag-uukulan ng labis na paggalang. 
Pighati Ito ay salitang tumutukoy sa dalamhati, kalungkutan, o pagdurusa. 
Dalita Ito ay kasingkahulugan ng pagdurusa, pagtitiis, o pasakit dulot ng isang malungkot o negatibong bagay o pangyayari. 
Hinagpis Ang kasingkahulugan ng mga salitang ito ay pagdurusa, nalulumbay, pagdadalamhati, pagdaramdam, paghihimutok, o pagkalungkot. 
Pinalad Ito ay tumutuoy sa isang pangyayari kung saan ang isang tao ay sinuwerte o nagkaroon ng isang magandang kapalaran. 
Mairog Ito ay tumutukoy sa magiliw, matapat, mula sa puso, o mapagmahal. 
Nahambal Ito ay emosyon na nagpapakita ng lumbay, lungkot, habag, awa, lunos, o lagim. 
Malumbay Ito ay isang emosyon kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng kalungkutan, pagkalumbay, o pagkalungkot. 
Nadirimlan Nadidiliman o walang liwanag
Hiyang perlas na sa mata ay nukalIto ay tumutukoy sa luha mula sa mga mata.
SintaIto ay tumutukoy sa minamahal. 
Humadlang Pumigil, sagabal, o harang

Leave a Comment