Florante at Laura Kabanata 18: Kamatayan ng Isang Ina – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 18 ng Florante at Laura ay pinamagatang “Kamatayan ng Isang Ina.” Si Florante ay nakatanggap ng sulat mula sa kanyang ama at ang mga bawat letra at salita dito ay nag-iiwan ng kamandag sa kanyang ama. Hatid ng sulat na ito ay isang nakalulungkot na balita tungkol sa kanyang minamahal na ina. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 18

Nanatili pa ng isang taon si Florante sa Atenas. Hinintay niya ang loob ng ama niyang liyag. Nakatanggap siya ng sulat at ang mga letrang dito ay parang bala na may iwang kamandag kapag nabasa. 

Ito ay nagbigay sa kanya ng matinding hinagpis at ang luha niya ay mabilis na umaagos. Nagbigay rin ito ng kaguluhan sa kanyang isipan at bait. Hindi rin ito nagdulot ng kapayapaan sa kanyang dibdib. 

Ang lagak ng kamatayan ay makamandag at hindi ito nagpakundangan sa kanyang inang sinisinta. Sinasariwa nito ang sugat na kanyang nakamit sa tinanggap niyang liham mula sa ama. Ang hapdi sa puso niya ay hindi maapula sapagkat namatay ang kanyang minamahal na ina. Malaki itong dalita sa buhay niya sapagkat ang pangyayaring ito ang unang umiwa sa kanya.  

Ang biglang pagdating ng malungkot na balita ay nagbigay ng kakaibang lungkot sa puso ni Florante. Sinabi na ang ang pagkatuklas sa sulat o balita ng kamatayan na natanggap niya mula sa kanyang ama ay parang nag-angkin ng mabigat na pasanin at nagdulot ng masalimuot na pasanin. 

Halos dalawang oras na hindi nagkamalay ang pagkatao niya at kinalalagyan. Nawalan siyan ng alay habang nasa kalinga ng kanyang mga kasamahan. Makalipas ang ilang sandal ay nahimasmasan na siya. Bumalik ulit sa damdamin niya ang sakit. Ang mata niya ay maihahalintulad sa batis, sapagkat ang luha niya ay walang patid. 

  El Filibusterismo Kabanata 37: Ang Hiwagaan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Noong panahon na iyon ay ang buo niyang damdam ay nanaw na sa kanya ang sandaigdigan. Sa gitna ng lumbay ay nag-iisa siya at ang kanyang kinakabaka ay sarili niyang buhay. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 18

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay marami tayong makukuhang mga aral. Sa kabanatang ito ay makikita natin ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang magulang, lalo na sa kanyang ina. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagmamahal sa pamilyaIpinakita ni Florante ang pagmamahal niya sa kanyang ina. Ang pagkamatay ng kanyang ina ay nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan. 
Ipakita at iparamdam ang pagmamahal sa pamilya Isa sa mga maaaring maging reyalisasyon ng mga mambabasa ay ang kahalagahan ng pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal sa pamilya, dahil hindi natin alam kung kailan natin sila huling makakasama. 
Ang kamatayan ng mahal sa buhay ay nagdudulot ng makapangyarihang epekto sa buhay natin Ang kamatayan ay naghahatid sa atin ng isang matinding sakit, lalo na kung ang taong ito ay ang ating pinakamamahal. 
Pagtanggap sa emosyonMahalagang tanggapin ang emosyon na nararamdaman. Ito ay pagbibigay ng pagpupugay sa sariling proseso ng pagluluksa
Matatag na pagharap sa mga pagsubok kahit nag-iisaMatatag na hinarap ni Florante ang paghihinagpis sa pagkawala ng kanyang ina. Kahit nag-iisa siya ay naging matatag siya sa pagharap sa pagsubok na ito. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 18 ng Florante at Laura na mula sa saknong 232 hanggang 239. Dito ay makikita natin ang matinding emosyon ni Florante sa pagkamatay ng kanyang ina. 

  Noli Me Tangere Kabanata 50: Ang Mga Kamag-Anak ni Elias – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ay nakatanggap ng liham mula sa kanyang ama. Ang nilalaman ng sulat na ito ay nagbigay sa kanya ng matinding damdamin. 
Duke Briseo Siya ang ama ni Florante. Nagpadala siya ng sulat kay Florante upang ipaalam ang nangyari sa kanyang minamahal na ina. 
Prinsesa Floresca Siya ang ina ni Florante. Dahil sa kanyang pagkamatay ay lubos na nagdalamhati si Florante. 

Talasalitaan 

Marami tayong mababasa na malalalim o matatalinhagang salita at parirala sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Upang mas maunawaan natin ang kwento at ang mensahe nan ais ipahatid nito ay mahalagang matutunan natin ang kahulugan ng mga ito. 

Mga Salita Kahulugan 
LiyagIto ay nangangahulugan ng giliw, sinta, mahal, mutya, irog, o iniibig. 
Balang letra’y iwang may kamandagAng pariralang ito ay naglalarawan sa sulat na naglalaman ng balita tungkol sa hindi magandang pangyayari. 
Gunamgunam Ito ay ang pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o pagwawari sa mga pangyayari. 
HumapisIto ay ang pagdadalamhati o pagiging malungkot sa isang pangyayari. 
NaianodSumama sa agos
Payagan Pahintulutan
NagpakundanganNaging maingat, nagdahan-dahan, nagbigay ng respeto
Sinasariwa Binubuhay sa alaala ang mga nakaraang pangyayari.
Palasong liham Ito ay isang sulat o liham na naglalaman ng isang nakalulungkot na balita. 
HapdiSakit o kirot
MaapulaMatigil o mapigilan 
Dalita Ito ay nangangahulugan ng kahirapan, pagdurusa, pagtitiis, o pagkasakit. 
UmiwaNagbigay ng sugat
DinampotKinuha, hinawakan, o pinulot
Mahimasmasan Matauhan, magkamalay, gumalong mula sa pagkahibang, o panunumbalik ng isip sa pagkagising
Mata’y naging parang batisAng pariralang ito ay nangangahulugan na ang patuloy ang pagluha ng isang tao, kaya ang luha ay inihalintulad sa batis. 
LumbayKalungkutan
Kinakabaka Kinakalaban 

Leave a Comment