El Filibusterismo Kabanata 7: Si Simoun – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika pitong kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang si Simoun. Maliban sa buod ng kabanatang ito ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa Nobelang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata pito at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 7: Si Simoun

Pauwi na sana si Basilio nang siya’y makarinig ng mga yabag kung kaya’t siya ay nangubli sa isang puno ng Balete. Tumigil sa kabilang panig ng puno ang lalaking dumating at ito’y nakilala ni Basilio na ang magaalahas na si Simoun. Maya maya’y nagsimula ng maghukay si Simoun gamit ang isang asarol. Naalala ni Basilio na isa ito sa tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina at sa pag sunog sa isa pang patay. Nagiisip si Basilio, sino ang lalaking ito? Ang namatay o ang nagbubuhay Simoun o si Ibarra. 

Lumabas sa kublihan si Basilio at nag alok ng pag tulong bilang ganti sa tulong nito sa kaniya labintatlong taon na ang nakalilipas. Tinutukan ni Simoun si Basilio ng baril at sinabing sino ako sa tingin mo? Sumagot naman si Basilio ng kayo po ay isang taong mahal sa akin. Kayo ay ipinalalagay ng lahat na patay na at ang mga kasawian ninyo sa buhay at lubha kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata at sinabing dapat na niyang patayin si Basilio sapagkat ang lihim na nalalaman nito ay makasisira sa kaniyang mga plano subalit hindi niya ito gagawin sapagkat silang dalawa ni Basilio ay kapwa may dapat ipagtuos sa lipunan, pareho silang uhaw sa katanungan kung kaya’t sila ay dapat na magtulungan. 

Inamin na rin ni Simoun na siya si Ibarra, isinalaysay niya rito ang paglibot niya sa mundo upang magpaka yaman. Bumalik siya upang pabagsakin ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak pa ng dugo. Sinabi rin niya na sadyang pinalalala niya ang pagmamalabis ng pamahalaan at simbahan upang subukang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik. 

  El Filibusterismo Kabanata 37: Ang Hiwagaan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ngunit sinuwatan niya sina Basilio at mga kasama sa nais ng mga ito na magtayo ng isang paaralan na magtuturo ng wikang kastila at humihingi na gawing lalawigan ng España ang Pilipinas ng mabigyan ng pantay pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ayon kay Simoun ito raw ay magiging dahilan upang ang Pilipinas ay maging bayang walang pagkukuro at kalayaan dahil sa panghihiram ng salita. Ayon naman kay Basilio ang wilang kastila ang salitang magbubuklod sa mga isla sa Pilipinas ngunit ito ay pinabulaanan ni Simoun. Ayon dito ay ang wikang kastila ay kailanmay hindi magiging wikang pang kalahatan ng bayan na ito. Mabuti na nga lamang daw at hanggal ang España at hindi nito itinuturo ang wika nila di gaya ng Aleman at Rusya. Ayon kay simoun na hanggat may sariling wika ang isang bayan ay mapapanatili nito ang kanyang paglaya sapagkat ang wika ay pagiisip ng bayan. 

Ihinimutok ni Simoun ang kilusan ng Kabataan na naglalayon ng pagtuturo ng Wikang Kastila ay ipinagdurusa ng kaniyang kalooban. Naniniwala siya na matapat ang mga kabataan at tanging kapakanan lamang ng bayan ang kanilang kagustuhan ngunit mali ito, nais niya kausapin sina Isagani at Macaraeg ngunit baka hindi siya pakinggan ng mga ito, naisip na rin niyang pagpapatayin ang mga ito. Ipinaliwanag ni Simoun ang lahat ng kaniyang nasasaisip upang maunawaan ni Basilio ang kaniyang layunin. Sinabi naman ni Basilio na siya ay hindi politiko, siya ay lumagda sa adhikain ng pagtuturo ng wikang Español sapagkat inaakala niyang tama ito ngunit sa pang gagamot talaga siya naka tuon. Sinabi naman ni Simoun na sa kasalukuyan ay hindi makapang gagamot ng maayos si Basilio dahil kailangang unahin ang sakit ng bayan. Ani Basilio ay pinili niya ang Siyensya upang makapaglingkod sa bayan at ang karunungan ay kalayaan. Napailing naman si Simoun, sinabi nito na upang umabot sa kalayaang sinasabi ni Basilio ay kailangan ng pagdanak ng dugo upang ang mga sinisiil ay lumaya sa mapaniil. 

  Noli Me Tangere Kabanata 27: Sa Pagtatakip-Silim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Napuna ni Simoun na hindi naantig si Basilio kung kaya ito ay kaniyang tinuya. Wala naman daw itong ginawa kundi tangisan ang bangkay ng kaniyang ina na parang isang babae. Paano ako makapaghihiganti? Dudurugin lamang ako nila ang sagot ni Basilio. Sinabi naman ni Simoun na siya ay tutulungan ngunit sinabi ni Basilio na hindi na raw bubuhayin ang paghihiganti para sa ina at kapatid sapagkat wala naman siyang mapapala. Sinagot naman ito ni Simoun na makatulong sa iba upang hindi nila sapitin ang sinapit nila. Ipinaalala rin ni Simoun na sa pag aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang sinapit ni Ibarra. Nagtaka naman si Basilio dahil papaanong siya na ang inapi ay siya pang kamumuhian, likas sa tao ang mamuhi sa kaniyang inapi sagot naman ni Simoun. Sinagot naman siya ni Basilio ng ngunit hindi ko sila pinakikialaman, kung kaya’t pabayaan nila akong maka gawa at mahuhay na sinagot naman ng at magka anak ng mabubuting alipin, kayo ay walang hanggad kundi munting tahanan at kaginhawahan, isang asawa, isang dakot na bigas, yan ang mithiin ang nakararami sa pilipinas at kapag yan ay naibigay sa inyo sa tingin ninyo ay kayo’y mapalad na. 

Magmamadaling araw na, matapos sabihin ni Simoun na hindi niya pagbabawalan si Basilio na ibunyag ang kaniyang nalalaman ay nagsabi rin ito na kung kailangan niya ng tulong ay puntahan siya nito sa kaniyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio at umalis, naiwang nagiisip si Simoun kung napaniwala niya ba sa idea ng paghihiganti ang binata o may balak itong mag higanti ngunit gustong sarilihin na lamang. Lalong nagtumining ang kalooban ni Simoun sa paghihiganti. 

  Noli Me Tangere Kabanata 34: Ang Pananghalian – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 7?

Ang pagiging mahinahon ni Basilio ay naglalayo sa kaniya sa kapahamakan – Gaya na lamang ng ginagawa ni Simoun na panghihimok kay Basilio ngunit hindi ito nagpapa dala sa mga sinasabi ni Simoun. Hindi naniniwala si Basilio na ang karahasan ay mag maibubungang maganda. 

Pagiging makabayan ng isang Pilipino – Base sa artikulong ito lumalabas na isang maka bayan si Simoun na nagnanais ng kalayaan laban sa dayunan. Ito ay magandang katangian ngunit depende kung paano mo ito gagawin. Gaya ni Simoun na sagot ay karahasan at Basilio na naniniwala sa katahimikan. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 7?

Basilio – Dumalaw sa puntod ng ina sa gubat at aksidenteng nakilala ang tunay na pagkatao ni Simoun. Anak ni Sisa at ngayo’y taga pangalaga ni Kapitan Tiyago. Mag aaral ng Medisina. 

Simoun – Isang Alahero na tinaguriang Cardinal Moreno. May lihim na itinatago na natuklasan ni Basilio. 

Ibarra – Ang dating katauhan ni Simoun. Inakala ng lahat na pumanaw na. 

Isagani – Kaibigan ni Basilio sa Unibersidad na naniniwala gaya ni Basilio na ang wikang Kastila ang magbubuklod sa Pilipinas. 

Macaraeg – Isa pa sa mga nabanggit ni Simoun na nagmanais ipalaganap ang wikang Kastila. 

Talasalitaan

Nangubli – Nagtago. Halimbawa: Nangubli siya sa isang puno. 

Sukdang – Kahit pa. Halimbawa: Sukdang ipag danak pa ng dugo. 

Ihinimutok – Ikinuwento ng may pagka galit or pagkainis. Paglalabas ng saloobin. 

Sinisikil – Inaapi

Mapaniil – Mapang-api

ManlulupigMananakop

Leave a Comment