El Filibusterismo Kabanata 37: Ang Hiwagaan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 37 ng El Filibusterismo ay ang pag-uusap ng mga mamamayan tungkol sa nangyari sa piging ng kasal nina Paulita at Juanito. Naging usap-usapan ang mga nakitang pulbura at kung sino ang maaaring gumawa noon. Nagbigay din ng kuro-kuro ang mga nag-uusap. Ang isa pang hiwaga na iniisip nila ay ang tungkol sa ilawan at sa taong kumuha nito. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 37

Kahit na pinipigil ang balita ay nabatid pa rin ito ng madla, katulad ng pagbabangon at mga supot ng pulbura. Ito ay naging usap-usapan ng palihim. Ang payat na platero na si Chikoy ay nagdala raw ng hikaw para kay Paulita. Noong ang mga palamuti sa hapag ng bahay ni Kapitan Tiyago ay tinatanggal na, nakita daw mismo niya sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan ang mga supot ng pulbura. 

Ayon kay Ginoong Pasta, isang tao lamang ang maaaring gumawa noon. Maaaring ito ay kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito. 

Si Isagani naman ay nasa bahay ng mga platero. Sinabi ni Kapitan Loleng, ang may-ari ng bahay na magtago ito. Ngiti lang ang naging tugon ni Isagani. 

Si Chikoy ay nagpatuloy at sinabing ang mga sibil ay dumating. Wala raw mapagbintangan ang mga ito. Ang namahala lamang sa paghahanda sa bahay na iyon ay sina Don Timoteo at Simoun. Lahat ng mga hindi kailangan ay pag-iimbestiga ay pinapaalis. 

Sasabog daw ang buong Anloague kung may isa man sa mga trabahador ang nanigarilyo at ang mga pulbura na naroon ay sasabog din. 

  El Filibusterismo Kabanata 28: Pagkatakot – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang mga babae ay natakot at naghulaan kung sino ang mga taong pinaghihinalaan na gumawa noon. Ang ilan sa kanilang naiisip ay ang mga prayle, si Quiroga, isang estudyante, at si Makaraig. Si Kapitan Toringgoy naman ay tumingin kay Isagani. Sinabi ni Chikoy na si Simoun daw, ayon sa mga kawani. Nagtaka ang mga nakarinig noon. Si Momoy na naroon din sa piging ay naalala na si Simoun ay umalis sa bahay bago pa mag-hapunan. 

Dagdag ni Chikoy, si Simoun daw ay nawawala at hinahanap ngayon ng mga sibil. Nabuo naman sa kaisipan ng mga babae ang pagiging masamang tao ni Simoun, dahil sa kanyang pagkakatawang-tao

Muling naalala ni Momoy ang pagkakuha sa ilawan ng isang lalaki nang iyon ay nawalan ng ningas. Nagpatuloy sa pagsasalaysay si Chikoy at sinabi na tinataya raw ng mga makapangyarihan na ang ilawan na iyon ang magpapa-alab sa mga pulbura sa bahay. 

Natakot si Momoy sa mga narinig. Ngunit, nang makita niya si Siensa na kanyang kasintahan ay nagtapang-tapangan siya. Sinabi niyang ang ginawa ng mga magnanakaw ay masama at mamatay daw sanang lahat. Ang mga babae at matatanda naman ay nag-antanda dahil sa takot. Si Momoy naman ay lumapit kay Isagani. 

Sinabi naman ni Isagani na hindi mabuti ang kumuha ng bagay na hindi kanya. Kung alam lang daw sana ng kumuhang iyon ang layunin sa ilawang iyon at kung iyon daw ay nag-isip ay sigurado na hindi niya iyon gagawin, kahit pa iyon ay pantayan ng kahit anong bagay. Ipinahayag din niya na hindi siya tatayo sa ganoong kalagayan. Pagkatapos ay nagpaalam na si Isagani. 

  Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 37

Sa bawat kabanata ng El Filibusterismo ay may hatid na aral sa mambabasa. Ang mga aral na ito ay makapagbibigay sa atin ng magagandang kaisipan at inspirasyon na maaari nating gawing sa ating pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Ang pagkalat ng balita ay hindi madaling mapipigilanSinasabing ang balita ay may pakpak, sapagkat mabilis itong lumaganap. Ang mga balitang ating nababasa o naririnig ay dapat nating suriing mabuti kung totoo ba o hindi, bago ito sabihin sa iba.
Hindi maganda ang kumuha ng bagay na hindi sa iyoMali ang kumuha ng bagay na hindi mo pagmamay-ari. Kahit minsan, maganda ang intensyon ng pagkuha dito, katulad dito sa kwento, hindi pa rin ito maiintindihan ng mga tao.  
Ang mga balita ay maaaring makapagdala ng takotMaging maingat sa pagbabahagi o pagpapalaganap ng balita, sapagkat ang balita ay maaaring magdulot ng takot, pangamba, o kaguluhan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 37 ng El Filibusterismo. Ang mga tauhang ito ay nag-usap-usap tungkol sa mga pangyayaring naganap sa piging katulad ng mga pulburang nakita sa bahay at sa ilawan. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Chikoy Ang payat na platero at nagsabing nakita niya ang mga supot ng pulbura sa ibat-ibang parte ng bahay noong magdala siya ng hikaw kay Paulita. 
Ginoong Pasta Siya ang nagsabi na iisa lamang ang maaaring naglagay ng pulbura sa bahay. 
Isagani Kaibigan ni Basilio. 
Mga prayle, si Quiroga, isang estudyante, si MakaraigSila ang mga pinaghihinalaan ng mga taong nag-uusap-usap.
Momoy Sinabi niyang naalala niya ang pag-alis ni Simoun sa bahay bago pa magsimula ang piging. 
Siensa Kasintahan ni Momoy

Talasalitaan

May mga salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng El Filibusterismo na maaaring hindi pamilyar sa atin. Narito ang kahulugan ng ilan sa mga salitang ito upang mas maunawaan natin ang daloy ng kwento. 

  Noli Me Tangere Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Nabatid Nalaman
Palamuti Dekorasyon
Palihim Hindi hayagan
Nangasiwa Namahala 
Ningas Liwanag o apoy 
Tiyak Sigurado 

Leave a Comment