Ang Kabanata 30 ng El Filibusterismo ay tungkol kay Huli. Isa siyang pangunahing tauhan sa nobelang ito at ang kasintahan ni Basilio. Naging biktima siya ng mga pangyayari sa kanyang ama na si Kabesang Tales na may malaking pagkakautang sa gobyerno. Sa kabanatang ito, matutunghayan natin ang mga pinagdaanan ni Huli.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 30
Ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio ay nabalita sa San Diego. Mas dinamdam ng bayan ang nangyari kay Basilio. Sinabi ng ilan na maaari raw itong ipatapon o ipapatay at ang pagkakabitay sa tatlong paring martir na naganap sa Cavite ay nangyari buwan din ng Enero. Sinasabi na pari nan ga ay nabitay pa, kaya natitiyak nila na si Basilio ay bibitayin rin.
Ayon kay Hermana Penchang, nangyari iyon kay Basilio sapagkat hindi ito nag-aagua bendita at narurumihan sa tubig. Nakagagaling daw ang agua bendita at hindi nagdudulot ng sakit. Ang iba naman ay sinisi si Basilio.
Marami ang nagsasabi na hindi dapat iyon nangyari kay Basilio. At ang mga prayle ay naghihiganti lamang sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli, ang anak ni tulisang Tales. Dagdag pa ng hermana ay mabuti na pinaalis na si Huli. Ayaw din niyang magalit sa kanya ang mga prayle, ngunit ang totoo ay hindi niya gusto na ipatubos si Huli.
Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng mga nangyari kay Basilio at hinimatay si Huli dahil sa balita. Si Basilio raw ay tiyak na mabibitay o mabubulok sa bilangguan kahit wala itong kasalanan.
Naisip rin niya na tulungan si Basilio at may sumagi sa kanyang isip na humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil ito ang nakapagpalaya kay Tandeng Selo. Minsan ay naitanong ni Huli kay Hermana Bali kung ang mga nagpapakamatay ay nahuhulog sa impyerno. Dahil natakot siya sa impyerno, hindi niya tinuloy ang binabalak. Nagpayo naman si Hermana Bali na magtanong sa tribunal. Pinayuhan naman sila ng hukom na si Pade Camorra lamang ang makapagliligtas kay Basilio kung ibibigin niya.
Hindi kumibo si Huli at inakala ni Hermana Bali na tama ang payo. Ayaw namang magtuloy ni Huli sa kumbento at alam ni Hermana Bali na ang dahilan nito ay si Padre Camorra na tinagurian bilang kabayo, o taong malikot sa babae.
Si Huli ay nakiusap na kung maaaring ang Hermana na lang ang pumunta sa kumbento. Ngunit sinabi ng hukom na mas maganda na isang dalaga na may mukhang sariwa ang humarap kaysa sa matanda.
Noong sila ay nasa daan na ay ayaw na muli ni Huli na magtuloy sa kumbento. Dahil dati na siyang tumanggi sa mga prayle nang ang kanyang mga magulang ay nangangailangan. Marami naman ang lalait sa kanya kung hihingi siya ngayon ng tulong.
Tiniis ni Huli ang sisi ng kanyang mga kamag-anak kahit hindi naman nila alam ang nangyari sa pagitan nila ni Padre Camorra. Nakatulog si Huli nang bahagya noong gabing iyon ngunit nagising dahil sa isnag masamang panaginip.
Tumakbo na sana siya sa kumbento kung hindi lamang madilim sa labas. Ngunit, dumating ang maraing araw at hindi pa rin nagtungo sa kumbento si Huli. Isang gabi, nabalita na si Basilio na lamang ang nakabilanggo. Dahil dito, kaagad siyang nagpasama kay Hermana Bali sa kumbento.
Ayaw namang pumasok ni Huli noong nasa pintuan na sila ng kumbento at kailangan pa niyang itulak at batakin bago makapasok. Noong gabing iyon, nabalita na mayroong isang dalaga na tumalon mula sa bintana ng kumbento at isang matanda ang nagsisigaw.
Sa kabilang banda, galit namang nagpunta si Tandang Selo sa kumbento at pinaalis doon sa pamamagitan ng tulak at palo.
Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 30
Ang bawat kabanata ng El Filibusterismo ay may hatid na aral sa mga mambabasa. Narito ang ilan sa mga aral na matututunan ng mga mambabasa na makapagbibigay ng magagandang kaisipan.
Mga Aral | Paglalarawan |
Kumpirmahin kung totoo ang balita bago ito ipagsabi | Marami ang naging balita sa bayan ng San Diego tungkol kay Basilio. Mahalagang alamin muna ang pinanggalingan ng isang balita upang malaman kung totoo ito. |
Mahalagang maging mapanuri sa mga taong nakakasalamuha | Mahalaga na maging mapanuri sa mga tao sa paligid upang maprotektahan ang sarili. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 30 ng El Filibusterismo. Ang mga tauhang ito ay nagsalaysay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa mga nangyari kay Basilio at Huli.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Kapitan Tiyago | Nabalita sa bayan ng San Diego ang kanyang pagkamatay. |
Basilio | Siya ay ipinadakip at maraming haka-haka ang mga tao sa pwedeng mangyari sa kanya. |
Hermana Penchang | Siya ang nagsabi na hindi nag-aagua bendita si Basilio dahil nadudumihan ito sa tubig. |
Huli | Anak ni Kabesang Tales |
Hermana Bali | Siya ang palaging kasama ni Huli |
Padre Camorra | Isang prayle na sinasabi ng hukom na makatutulong kay Huli. |
Tandang Selo | Ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli |
Talasalitaan
May mga matatalinhaga o malalalim na salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas maunawaan natin ang mensahe na nais iparating ng kwento.
Mga Salita | Kahulugan |
Kutya | Panglalait o pang-aasar |
Sumangguni | Kumonsulta |
Agua Bendita | Banal na Tubig (Holy Water) |
Bibitayin | Papatayin |
Naghihiganti | Bumabawi |