El Filibusterismo Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol kay Kapitan Tiyago – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 29 ng El Filibusterismo ay tungkol sa libing ni Kapitan Tiyago. Naging marangya ang kanyang libing. Si Padre Irene naman ang namahala sa mga kayamanang kanyang naiwan. Nagtalo rin ang mga tao sa damit na dapat isuot kay Kapitan Tiyago. Isa naman sa kalaban ni Kapitan Tiyago ang naghahangad na mamatay na kinabukasan dahil nais niyang higitan ang libing nito. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 29

Ang naging libing ni Kapitan Tiyago ay marangya. Nahirang naman si Padre Irene bilang tagapagpatupad at tagapamahala ng testamento ng Kapitan. Ang malaking kayamanan ni Kapitan Tiyago ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. 

Naglaan din ng halagang P20.00 para sa matrikula ng mahihirap na estudyante. Si Padre Irene ang nagmungkahi nito upang masabi ng mga tao na tagapagtangkilik siya ng mga estudyante. Inalis naman ni Kapitan Tiyago ang halagang P25.00 na pamana kay Basilio, dahil wala raw itong na loob. Ngunit, isinauli naman iyon ni Padre Irene at sinabi siya na lamang ang magbabayad para doon, mula sa kanyang pera. 

Marami ang naging usapan tungkol kay Kapitan Tiyago habang nakaburol ito. May mongha na nagsasabing nakita niya ang kaluluwa ng Kapitan na nagliliwag. Ito daw ay utang sa mga pamisa na isinagawa ni Kapitan Tiyago. Ang isa namang sakristan ay nakaisip na ipanabing ang kaluluwa ng Kapitan at may hawak daw itong mangkok ng taho. 

May naghaka naman na hahamunin ni Kapitan Tiyago si San Pedro sa isang sabong at nagtanong kung paano magkakatalo o magkakamatayan ang mga manok na kaluluwa. Ayon naman kay Pilosopo Primitivo ay hindi iyon magkakatalo sapagkat ang pagkatalo ay kaugnay ng sama ng loob at ito ay walang lugar sa langit. Ang teoryang ito naman ay sinalungatan ni Martin Aristorenas. Isang tabako naman ang inihandog ni Quiroga kay Don Primitivo. 

  Florante at Laura Kabanata 1: Ang Gubat – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nagkatalo rin ang mga tao tungkol sa damit na isusuot kay Kapitan Tiyago. Ang isang suhestiyon ay ang abito ni Kapitan Tinong na lumang-luma at binayaran niya ng halagang P36.00. Ito raw ay ipagkakaloob niya sa kanyang mahal na kaibigan. 

Tumutol naman ang sastre sa suhestiyong ito, sapagkat prak daw ang kailangan, sapagkat naka-prak ang kaluluwang nakita ng mongha. Ang sastre ay nakagawa na nito at nagkakahalaga ng P32.00, dahil suki niya si Kapitan Tiyago. 

Sa huli, si Padre Irene ang nagdesisyon at ang lumang damit ang ipinasuot. Ayon sa kanya ang damit ay hindi mahalaga sa langit. Tatlong pari ang nagmisa sa libing ng Kapitan. Marami ang sinunog na kamanyan at agua bendita na iwinisik. 

Ang isang matandang kaagaw naman ni Kapitan Tiyago na si Donya Patrocinio na kalaban niya sa pagkabanal ay gusto na ring mamatay kinabukasan, sapagkat gusto na rin niyang mailibing siya ng mas maganda at kahanga-hanga. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 29

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 29 ng El Filibusterismo. Ang mga aral na ito ay maaari nating gawing gabay, motibasyon, o inspirasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang tagapamahalaSa pagpili ng tagapamahala, mahalagang piliin ang isang taong mapagkakatiwalaan at tapat upang maisayos ang mga bagay. 
Minsan may mungkahi ang ibang tao na maganda sa paningin ng iba, ngunit iba naman ang intensyon nitoKatulad ni Padre Irene, naglaan siya ng pera para sa mga estudyante, upang makita ng mga tao na siya ay tagatangkilik ng mga estudyante. May mga taong gumagawa ng mabuti na may ibang pansariling intensyon katulad ng pagkamit ng papuri ng ibang tao. 
Mas mahalaga ang mga nagawang mabuti, kaysa sa damit na isusuot Sinabi ni Padre Irene na lumang damit ang ipasusuot kay Kapitan Tiyago. Magkakaiba ang ating espiritwal na paniniwala, ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paggawa ng mabuti at pagkakaroon ng magandang intensyon sa kapwa. 
Hindi dapat pairalin ang inggitIsa sa mga tauhan sa kwentong ito na nagpapakita ng inggit ay si Donya Patrocinio. Nais na niyang mamatay upang mahigitan ang karangyaan ng libing ni Kapitan Tiyago. Ang pagkakroon ng inggit ay hindi makatutulong sa atin, sapagkat may kanya-kanyang tayong tamang oras at panahon. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ng El Filibusterismo. Sila ay namahala, nagbigay ng kanilang mga mungkahi, at nagsalaysay ng kanilang mga napansin sa burol ni Kapitan Tiyago. 

  Noli Me Tangere Kabanata 39: Si Donya Consolacion – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Tiyago Siya ang pumanaw na tauhang sa kwentong ito. 
Padre Irene Siya ang namahala sa mga kayamanang naiwan ni Kapitan Tiyago at nagdesisyon kung ano ang isusuot ng Kapitan. 
Basilio Siya ang inalisan ni Kapitan Tiyago ng mana sapagkat wala raw itong utang na loob. 
Mongha Nakakita na nagliliwag ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. 
Sakristan Nakaisip na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. 
Pilosopo Primotivo Siya ang nagsabi na hindi magkakatalo ang mga manok sa sabong sapagkat walang puwang sa langit ang sama ng loob. 
Martin Aristorenas Siya ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo.
Quiroga Naghandog ng isang tabako kay Don Primitibo. 
Kapitan Tinong Ang damit niya ay iminungkahi na isuot ni Kapitan Tiyago. 
Sastre Nagsabi na prak ang dapat isuot kay Kapitan Tiyago. 
Donya Patrocinio Ang matanda na kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagkabanal at nais nang mamatay kinabukasan. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng El Filibusterismo ay mayroon tayong matututunan na malalalim o matatalinhagang salita. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas lumawak ang ating kaalaman sa sariling wika. 

Mga Salita Kahulugan 
Maringal Kahanga-hanga o engrande 
Naghangad Nagnais
Yumao Namatay 
Hinirang Pinili 
Sastre Mananahi 
Prak Isang uri ng kasuotan 

Leave a Comment