El Filibusterismo Kabanata 2: Sa Silong ng Kubyerta – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang sulating ito ay naglalaman ng maikling buod ng nobelang El Filibusterismo, ikalawang kabanata “Sa ilalim ng Kubyerta” Maliban dito ay ipakikilala rin ang mga tauhang nabanggit sa kabanata isa ng El Filibustersimo, maging ang lugar na pinangyarihan at pati na rin ang mga kaisipan at aral na makukuha sa nobela. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 2: Sa Silong ng Kubyerta

Samantala sa silong ng Kubyerta ay iba naman ang kaganapan. Naririto ang mas makapal na pasahero na pilit ginagawang komportable ang kanilang mga sarili sa kabila ng init at ingay na maririnig sa silong ng kubyerta. 

Naririto ang mga Indio, Instik na mamimili at iba pa. Samantalang makikita rin ang mga kabataang estudyante na pawang madaling makilala sapagkat matitingkad o malilinis ang mga kasuotan ng mga ito. Masaya ang mga ito dahil nalalapit na ang bakasyon sa eskwelahan dahilan para makapag pahinga sila kahit papaano. 

Pinag-uusapan nila ang galaw ng makina, mga napag-aralan sa Unibersidad o di kaya’y nangagpapaligid-ligid ang iba mga kolehiyala, sa maghihitso na mapula ang mga labi na inaapungatan ng mga salita ng mga dalagang makapag papatakip sa mga mukha ng mga namamaypay. Dalawa sa lulan ng Bapor ay hindi nanghihimasok sa mga dalaga

Ang unang binata na may kasuotang pawang itim ay si Basilio, siya ay nag aaral ng medisina at bantog na rin sa kanyang pang gagamot ang isa naman ay si Isagani na mas malusog ang pangangatawan ngunit mas bata kay basilio. Siya ay isang makata at may kakaibang ugali na pawang gusto ang pag-iisa. 

Kinamusta si Basilio tungkol kay Kapitan Tiyago na sinagot naman nya ng mabuti naman ito. Habang nag kukwentuhan si Basilio at isagani at biglang dumating si Simoun napa tingin ito kay Isagani sabay baling muli kay Basilio upang tanungin kung kababayan ba ni Basilio si Isagani, sumagot naman ito ng hindi ngunit kalapit bayan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Inaya ni Simoun na mag inom ng serbesa ang dalawa na malugod naman nilang tinanggihan at sinabing hindi sila umiinom ng serbesa upang maka-iwas. Ipinatawag naman si Isagani ng kanyang amain na agad naman niyang tinugon. 

Sa isang tabi ay naka upo ang klerigo, minamasdan lamang nito ang kanilang dinaraanan at tahimik na naka upo sa isang bangko. Hindi rin ito nakikihalubilong masyado at bihirang mag salita, hindi rin ito umaastang mapag mataas. Matanda na ito at isang matuwid na Paring Kastila na siya namang iginagalang ng nakararami. Ang klerigong iyon ay si P. Florentino na siyang amain ni Isagani. 

Si P. Florentino at anak ng isang liping kilala sa Maynila wala siyang kahilig hilig sa pag papari ngunit ng dahil sa kanyang Ina na matigas ang paninindigan at malapit sa Arsobispo walang nagawa kahit pa sinabi niyang siya ay may iniibig. 

Dahil sa ganoong sitwasyon ay tumanggap si P. Florentino ng isang sugat na hindi na gumaling kailanman. Ang kanyang iniibig ilang linggo bago siya magkaroon ng kauna-unahan niyang misa ay nag asawa ng hindi man lamang pumipili sa sama ng loob. Nang mangyari ang mga kaguluhan ay ipinag alala ni P.Florentino na baka makwestiyon ang laki ng kinikita ng kanyang parokya dahilan para siya ay humingi ng pagpapahinga sapagkat siya ay payapang tao. 

Nanirahan siya sa lupain ng kaniyang pamilya at doon nga ay inaruga niya ang kanyang pamangkin na si Isagani na ayon sa mga masasamang dila ay anak niya sa dati niyang iniibig, sabi naman ng ibay anak ito sa pagka dalaga ng kanyang pinsan sa Maynila. 

  El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Nang makita ng Kapitan ng bapor ang klerigo ay sinabi niya ritong umakyat ito sa Kubyerta sapagkat kung ito ay hindi paparoon baka akalain ng mga Prayle na ayaw nitong makihalubilo. 

Wala ng nagawa si P.Florentino kundi tugunin ang sinabi ng Kapitan ng Bapor. Ipinatawag nito si Isagani at binilinan na huwag lalapit sa kamara habang sila ay naroroon. Iniisip naman ni Isagani na paraan lamang ito ng kanyang amain para hindi siya makausap ni Donya Victorina. 

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 2?

Huwag ipilit ang isang bagay sa isang tao lalong lalo na kung hindi siya magiging masaya kung gagawin nya ang bagay na ito – Gaya na lamang ng nang yari kay P. Florentino na amain ni Isagani na isang pari na napilitan lamang sundin ang kanyang ina kahit hindi naman niya gusto ang pagpapari. Dagok sa buhay niya na makitang ikinakasal sa iba ang kanyang minamahal at naging sugat na kailan may hindi na gumaling. 

Ang sobrang pag lalasing ay hindi makabubuti sa kalusuhan at magiging dahilan upang maging paksa ka ng kwentuhan – Kagaya ng nabanggit ni Basilio kay Simoun tungkol kay P. Camorra na mabuti ng huwag na lamang mag lasing at tubig na lamang ang inumin. 

Iwasan ang maling impormasyon lalong lalo nat hindi nalalman ang tunay na pangyayare – Ito ay para sa mga maling balitang ipinalalat ng mga makakati ang dila base sa kanilanh bulong bulungan na si Isagani ay anak ni P. Florentino sa kaniyany dating iniibig o kaya’y anak ito ng pinsan ni P. Florentino sa pagkadalaga. Mabuting itikom na lamang ang bibig at iwasang pag usapan ang buhay ng may buhay. 

  Noli Me Tangere Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 2

Basilio – Kapatid ni Crispin na anak na Panganay ni Sisa na ngayo’y nag aaral ng medisina at bantog na sa larangan ng gamutan. 

Isagani – Kaibigan ni Basilio at pamangkin naman ni P. Florentino. Isa rin siyang makata

Kapitan Tyago – Nabanggit si Kapitan Tyago na isang sikat na tao noon bago ito malulong sa Opyo. Siya rin ang kinilalang Ama ni Maria Clara sa Noli me Tangere. 

Simoun – Kinikilala bilang Cardinal Moreno na taga bulong o taga payo ng Kapitan Heneral. Isa rin siyang alahero. 

P Camorra – Lulan ng barko at isang magiliw at masayahin na tao.

P Florentino – Isang pari na humiling ng pahinga. Amain ni Isagani. Napilitang mag pari dahil sa kaniyang ina ngunit may busilak na puso at matuwid na pagkatao.

Donya Victorina – Asawa ni Don Tiburcio de Espadana. Isang Indio na mahilig sa kolorete at magagarbong kasuotan upang pagtakpan ang kaniyang pagka-Pilipino. 

Talasalitaan

Silong – Ilalim ng ano mang gusali. Maaaring gamitin din sa bahay. Halimbawa: Silong ng Bahay. 

Maghihitso – Manganganga. 

Kolehiyala – Mga Edtudyante na nag aaral ng kolehiyo kadalasan ay babae. 

Serbesa – Alak, beer. 

Masasamang Dila – Tsismosa o nagpapakalat ng mali at malisyosong balita kahit na hindi pa sigurado tungkol sa paksa. 

Leave a Comment