Ang sukating ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika-labing walong kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Ang mga Kadayaan. Maliban sa pagbubuod ng Kabanata labing walo ay itinatampok rin ang mga mababanggit na karakter sa nobelang ito. Naglalaman rin ang sulating ito ng mga makukuhang aral sa kabanata labing walo at maging mga talasalitaan na bibigyan naman ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maunawaan ng mga mambabasa.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 18: Ang mga Kadayaan.
Ang mga Panauhin sa kanyang Perya ay Sinalubong ni Mr. Leeds. Bago na lang nagsimula ang palabas ay nagsiyasat si Ben Zayb upang makita ang salamin na kanyang inaasahang matagpuan ngunit wala siyang nakita. Bagkus ay nakita niya ang pira-pirasong mga bubog sa sahig at ang alak na ininom ni Mr. Pondoyo bago magsimula ang palabas.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahon na yari sa kahoy ng siya ay bumalik sa silid. Ipinaliwanag niya na ang kahon ay natagpuan niya sa isang libingang matatagpuan sa piramid ni Khufu na isang Paraon sa Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papel na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang “Deremof” ang abo ay nabuo bilang ulo at mas mabubuo lang kapag binanggit ang ikalawang salita.
Nabuo ang ulo nang binanggit ni Mr. Leeds ang ikalawang salita.
Ang tawag sa ulo ay Espongha ngunit nagpakilala ang ulo na ang kanyang pangalan ay Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaan sa Babilonia ay nabatid niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gaumata, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang pag patay kay Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng Taga Ehipto na siyang makapangyarihan noon sa kanilang bayan.
Siya ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos si Don Custodio na nagbabawal sa palabas dahil hindi ito kaaya-aya.
Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 18?
Hindi magandang gawain ang pagiging mausisa – Gaya na lamang ni Ben Zayb na agad nag siyasat bago mag simula ang palabas. Hindi kalugod lugod na katangian ang pagiging usisero.
Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 18?
Don Custodio – Ang nag bawal sa palabas sa perya sa Quiapo dahil sa pagkaka himatay ni Padre Salvi.
Padre Salvi – Nahintakutan dahil sa pag titig sa kaniya ng ulong nag sasalita at kalaunan ay nawalan ng malay.
Ben Zayb – Nagsisiyasat sa Perya upang makita ang Salamin bagkus basag na bubog ang nadatnan at alak.
Mr. Leeds – Ang nagmamay ari ng Peryahan sa Quiapo.
Talasalitaan
Nagpanukala – Nag bigay suhestiyon. (Halimbawa: Nagpanukala ng batas para sa ikaliligtas ng mga tao)
Napiit – Nakulong (Halimbawa: Napiit siya sa salang hindi niya ginawa kailanman)
Kaaya-aya – Kagalak galak, Magandang tingnan o panoorin (Halimbawa: Hindi kaaya-aya ang napanood nila sa Perya)
Nabatid – Nalaman (Halimbawa: Nabatid ng mga tao na hindi totoong si Simoun ay isang alahero)