El Filibusterismo Kabanata 16: Ang Kasawian ng isang Intsik  – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang sukatin ng artikulong ito ay naglalaman ng maikling buod ng ika labing anim na kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Ang Kasawian ng isang Intsik. Bukod sa pag buod ng Kabanata ay itinatampok rin at ipakikilala ang mga karakter na mababanggit sa Kabanatang ito. Naglalaman rin ang sulating ito ng mga aral na mapupulot sa kabanata labing anim at maging mga talasalitaan na bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maunawaan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 16: Ang Kasawian ng isang Intsik. 

Si Quiroga na isang negosyanteng Intsik na naninirahan sa Pilipinas at dahil sa siya ay isa lamang dayuhan ay ninanais niya na magkaroon ng konsulado para na rin sa ninanais niyang proteksyon, at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng konsulado na didinig sa mga hinaing at tutulong sa kagaya niyang dayuhan sa Pilipinas sa oras ng pangangailangan. 

Naghanda ng isang hapunan si Quiroga bilang isang regalo sa mga miyembro ng komisyon na mayayaman upang payagan ang pagkakaroon ng konsulado ng Tsina sa Pilipinas. Dinaluhan ang salo salong ihinanda ni Quiroga ng ilang mga bisita at ni Simoun upang singilin siya sa kanyang pagkakautang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Naganap ang pagkaka utang na ito sa kagustuhan ni Quiroga na mahandugan ng pulseras ang babaeng kaibigan ng isang lalaki na makapangyarihan o may katungkulan. 

Sinabi ni Quiroga kay Simoun na wala pa siyang kakayahan para mag bayad dahil sa nalulugi ang kaniyang negosyo noong mga panahong iyon. Bilang tulong naman ni Simoun kay Quiroga ay inalok niya ito na pumayag na gawing taguan ng armad at pulbura ang tahanan ng Intsik kapalit ng pagbabawas ni Simoun ng Dalawang libong piso sa pagkakautang niya. Nagdadalawang isip si Quiroga sa kalakip na kapahamakan ng kagustuhan ni Simoun sapagkat maaaring mahuli siya ng mga Guardia Sibil kahit na hindi naman kaniya ang mga gamit na itatago sa kaniyang pamamahay ngunit noong mag laon ay napapayag rin ito kasabay ng pangangako na unti unti namang aalisin ang mga gamit upang ilipat sa ibang bahay kung magkakaroon ng pagsisiyasat. 

  Florante at Laura Kabanata 29: Ang Sinapit ni Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa kabilang banda ay naroroon rin ang Grupo nina Don Custodio na pinag uusapan ang ipadadala sa India na komisyon para pag aralan ang pag gagawa ng sapatos. Samantalang ang mga Prayle naman ay nangaguusap tungkol sa mga pagmamay-ari ni Mr. Leeds na matutunghayan sa perya sa Quiapo na labis na ikinatakot ni Padre Salvi matapos marinig ang mga tinuran nito. 

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 16?

Kung hindi kaya ang isang bagay ay wag ng ipilit pa – Gaya na lamang ni Quiroga na ipinangutang pa maka bili lamang ng regalo para sa kasamang babae ng isang taong makapangyarihan. Oo ngat magbibigay ito ng kagalakan sa tatanggap ng regalo ngunit problema naman sa pagbabayad para sa nag handog. Kung hindi kaya ay mag bigay na lamang ng simpleng regalo para hindi mabaon sa utang. 

Huwag maging mapag samantala – Si Simoun dahil may utang sa kaniya si Quiroga ay sinasamantala ang kahinaan ng una upang mapa sang ayon ito sa kaniyang ninanais. Hindi ito magandang gawain at lalong hindi kalugod lugod tingnan. Kung mayroon mang utang na loob ang isang tao o pagkakautang ay huwag samantalahin ito lalong lalo na kung ikapapahamak ito ng isang tao. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 16?

Quiroga – Isang negosyanteng Intsik na may pagkaka utang sa alaherong si Simoun. 

Simoun – Ang pinagkakautangan ni Quiroga ng Siyam na libong piso. 

Don Custodio – Abala sa pakikipag usap para sa komisyon na ipadadala sa India para pag aralin ng pag gagawa ng Sapatos. 

  Florante at Laura Kabanata 24: Pakikipaglaban kay Osmalik – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mr. Leeds – Nabanggit na pinaguusapan ng mga Prayle ang pagmamay-ari na matutunghayan sa perya sa Quiapo

Padre Salvi – Nabanggit na natakot sa mga sinabi ni Mr.Leeds. 

Talasalitaan

Naninirahan – Nakatira (Halimbawa: Naninirahan sila malapit sa Simbahan ng San Diego)

Konsulado – Tanggapan ng isang Bansa sa isa pang Bansa na nangangalaga sa katapatan ng kanilang mga kababayan. 

Dinaluhan – Pinuntahan (Halimbawa: Dinaluhan ng kaniyang mga kaibigan ang kaniyang kaarawan)

Mahandugan – Mabigyan ng Regalo. (Halimbawa: Nais ni Quiroga na Mahandugan ang kaniyang bisita ng magandang pulseras)

Mag Laon – Mag tagal (Halimbawa: Noong mag laon ay nalimutan na nila ang mga pangyayari)

Leave a Comment