Noli Me Tangere Kabanata 64: Ang Katapusan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Narito na tayo sa huling kabanata o katapusan ng nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa Kabataang ito ay matutunghayan natin ang kinahinatnatnan at ang mga pagbabago sa buhay ng mga tauhan, katulad nina Maria Clara, Kapitan Tiyago, Padre Damaso, Padre Salvi, Don Tribucio, at Donya Victorina. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 64

Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento ay sa Maynila na nanirahan si Padre Damaso. Hindi nagtagal at inilipat si Padre Damaso ng Padre Provincial sa isang malayong probinsya. Kinabukasan, natagpuang wala na siyang buhay sa kanyang kwarto. Sinuri siya ng mga doktor at nalaman nila na ang ikinamatay nito ay ang bangungot. 

Sa kabilang dako, pansamantala namang nanungkulan si Padre Salvi sa kumbento ng Sta. Clara kung saan pumasok si Maria Clara. Ito ay ginawa habang iniintay niya na maging isang obispo. Umalis din siya sa bayan ng San Diego at sa Maynila na tumira. 

Bago naman naging ganap na mongha si Maria Clara ay dumanas ng maraming paghihirap si Kapitan Tiyago. Kabilang na dito ang pangangayayat ng husto, naging mapag-isip, at nawala na rin ang kanyang pagtitiwala sa mga tao. 

Pagkarating niya sa bahay mula sa kumbento ay sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi sa San Diego o Malabon, sapagkat gusto na niyang mabuhay nang mag-isa. Nakalimutan na rin niya ang mga santo at santa na kaniyang pinipintakasi. Ang naging gawain niya ay ang pagsasabong, paglalaro ng liyempo, at paghithit ng marijuana. Malayo na siya sa dating Kapitan Tiyago na kilala at inirerespeto ng mga tao. 

  Noli Me Tangere Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa kabilang dako, si Donya Victorina ay nagdagdag ng kulot sa kanyang ulo. Ginawa niya ito upang mapaniwala niya ang mga tao na siya ay taga-Andalucia. Siya ay nangungutsero na ngayon. Ang asawa niya na si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nakasuot na ito ng salamin at wala na ring ngipin at hindi na rin siya natatawag na doktor upang manggamot. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 64

Marami tayong natutunan sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Sa pagtatapos ng nobelang ito, maraming realisasyon at aral tayong makukuha. Ang mga ito ay maaari nating gawing gabay o inspirasyon upang mas maging maganda ang resulta ng bawat desisyon at aksyon na ating gagawin. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalagang matutunan natin na pahalagahan ang mga bagay na mahalaga sa atinAng mga bagay o taong mahalaga sa atin ay dapat nating pahalagahan. 
Ang kapangyarihan ay dapat gamitin sa tamaBilang isang pinuno, mahalaga na gamitin ang kapangyarihan para sa kabutihan ng lahat at hindi para sa pansariling interes lamang. 
Mahalagang matutunan na tanggapin ang ating pagkatao at kulturaAng ating pagkatao at kultura ay dapat nating tanggapin, mahalin, at pagyamanin. Isa ito sa ating pagkakakilanlan na dapat nating ipagmalaki. Maniwala sa sariling kakayahan at patuloy itong paunlarin. 
Ang bawat suliranin o problema ay may solusyonAng bawat suliranin ay may solusyon. Ang kailangan nating gawin ay huwag gawing basehan ang emosyon sa paggawa ng desisyon at aksyon. Ito rin ay makakapagpatatag sa atin. 
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyoBago gawin ang isang bagay, tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang magiging damdamin mo kung sa iyo ito gagawin. Isa ito sa ginintuang aral na matututunan natin sa pagtatapos ng nobelang ito. 
Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihinMay kasabihan tayo na kung ano ang itinanim ay siya ring aanihan. Kung ang ginawa natin ay kabutihan magdudulot ito sa atin ng magandang kinabukasan

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Noli Me Tangere na binanggit sa kabanatang ito. Natunghayan natin sa kabanatang ito ang naging bunga ng desisyon at aksyon ng bawat tauhan na nagdulot ng pagbabago sa kanilang buhay. 

  Noli Me Tangere Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Maria Clara Siya ay pumasok sa kumbento at naging ganap na mongha.
Kapitan TiyagoNagbago ang kanyang pamumuhay, bisyo, at pag-uugali. 
Padre DamasoInilipat siya ng Padre Provincial sa malayong probinsya. Nakita siyang wala nang buhay sa kanyang higaan ang bangungot ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. 
Padre SalviHabang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan muna siya sa kumbento sa Sta. Clara kung saan pumasok si Maria Clara.
Tiya Isabel Siya ang tiya ni Maria Clara. Sinabi sa kanya ni Kapitan Tiyago na umuwi sa Malabon o San Diego. 
Don TiburcioAng asawa ni Donya Victorina. Sa pagtatapos ng nobelang ito, inilarawan siya na walang ngipin, nakasalamin, at hindi na tinatawag na doktor. 
Donya Victorina Nagdagdag siya ng kulot sa kanyang ulo upang mapaniwala ang mga tao na siya ay taga-Andalucia.

Talasalitaan 

Narito ang mga matatalinhaga o malalalim na salita na ginamit sa huling kabanata ng Noli Me Tangere. Ang pag-alam sa kahulugan ng mga ito ay makatutulong sa atin upang mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa Wikang Tagalog. 

Mga Salita Paglalarawan 
Bangungot Isang sakit na nakamamatay at karaniwang nangyayari tuwing natutulog.
Mongha Madre
Sabong Isang sugal kung saan ay pinaglalaban ang dalawang manok na tandang.
Kutsero Nagpapaandar ng kalesa
Obispo Isang mataas na opisyales sa Simbahang Katoliko
Pinagtaksilan Niloko

Leave a Comment