Noli Me Tangere Kabanata 4: Erehe at Pilibustero – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 4 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang “Erehe at Pilibustero”. Ito ay ang paglalahad ni Tinyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra nang mga pangyayari kung bakit nakulong ang kanyang ama. Nalaman din niya ang iba’t-ibang kasong isinampa laban kay Don Rafael at walang kamag-anak ang tumulong sa kanya. Ngunit sa tulong ni Tinyente Guevarra, napatunayan na wala siyang sala, ngunit huli na ito dahil binawian na siya ng buhay. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4

Lumabas si Ibarra upang maglakad-lakad at makalanghap ng sariwang hangin, ngunit wala siyang planong pupuntahang destinasyon. Napansin niya na halos wala pa ring pinagbago sa bayan ng San Diego simula noong umalis siya dito. Habang siya ay naglalakad-lakad at nagmamasid ng paligid, naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat. Iyon ay si Tinyente Guevarra. 

Nagtanong si Crisostomo Ibarra kay Tinyente Guevarra ng tungkol sa kanyang ama kung alam niya ang nangyari sa pagkamatay nito. 

Ayon kay Tinyente Guevarra, si Don Rafael o ang ama ni Ibarra ay ang pinakamayaman sa kanyang lalawigan. Maraming tao ang nagmamahal at gumagalang sa kanya, ngunit hindi rin naman maiiwasan na magkaroon ng magagalit o maiinggit. 

Hindi nagkaroon ng magandang relasyon sa isa’t-isa sina Padre Damaso at Don Rafael, ilang buwan pagkaalis ni Ibarra. Sinabi ni Padre Damaso na hindi raw nangungumpisal si Don Rafael. 

Noong mga panahong iyon, may isang Kastilang artilyero na tinutukso ng mga bata dahil sa kanyang kamangmangan. May nagbigay ng dokumento sa kanya at binasa niya ito, ngunit hindi tama ang kanyang pagbabasa. Narinig ito ng mga bata at tinawanan siya. Sa galit niya, binato niya ang bata ng baston at natamaan ang isa sa mga bata. Pinagsisipa niya ang batang paslit at ito ay nakita ni Don Rafael. 

  Noli Me Tangere Kabanata 22: Liwanag at Dilim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Inawat ni Don Rafael ang artilyero at siya ay hinawakan niya sa bisig upang pigilan ito. Inakala ng mga nakakita na sinasaktan ni Don Rafael ang artilyero dahil siya ay may malaking pangangatawan. Nagkaroon ng sabi-sabi na sinaktan ni Don Rafael ang Kastilang artilyero na naging sanhi ng pagkamatay nito. 

Siya ay dinakip ng mga gwardiya sibil. Dahil dito, naglabasan din ang mga taong may lihim na galit sa kanya. Siya ay pinaratangan ng mga tao na erehe at pilibustero at kinasuhan din siya na kumakamkam ng mga lupain at may mga iligal na gawain upang yumaman. Marami pang mga kaso ang inihain laban kay Don Rafael. 

Humingi siya ng tulong kay Tinyente Guevarra upang matulungan siya sa kanyang kaso at makalaya. Noong siya ay binawian ng buhay ay saka pa lang lumabas ang katotohanan na wala siyang pagkakasala. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 4

Ito ang mga aral na matututunan sa ika-apat na kabanata ng Noli Me Tangere. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagtatanggol sa mga naaapi at pagtulong sa mga nangangailangan. Dapat nating isabuhay araw-araw ang mga aral na ito para sa ikauunlad ng ating sarili at bayan. 

Mga Aral Paglalarawan
Pagtatanggol sa mga NaapiIpinagtanggol ni Don Rafael ang mga batang paslit na binato ng artilyero ng baston. Dapat nating tulungan ang mga naaapi upang matigil ang pang-aapi at mamayani ang pagkakaroon ng hustisya. 
Pagtulong sa mga NangangailanganTulungan ang mga taong nangangailangan lalo na sa oras na kailangan ka nila. Mahalaga ang magkaroon ng taong maaasahan at dadamayan ka lalo na sa mga oras na kailangan mo sila. 
Makuntento sa buhayHuwag pa-iralin ang inggit dahil wala itong kabutihang maidudulot. Magdudulot lang ito ng pagkakalayo-layo, kapahamakan, at hindi Magandang relasyon sa isa’t-isa. 
Mahalaga ang edukasyonMahalaga ang edukasyon sapagkat ito ay isang kayamanang hindi mananakawa s aiyo ninuman. Ito ay ang isa sa mga paalala ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil ito ang magbibigay ng Magandang kinabukasan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 4: Erehe at Pilibustero. Makikita natin ang kanilang iba’t-ibang personalidad kung saan inilalarawan ang kultura ng mga Pilipino. 

  Noli Me Tangere Kabanata 14: Si Tasyo: Ang Baliw o ang Pilosopo– Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Juan Crisostomo IbarraSi Ibarra ay isang mayamang binatang nagbabalik mula sa Europa upang pamahalaan ang mga ari-arian na iniwan ng kanyang yumaong ama. Siya ang pangunahing tauhan at bida sa nobela.
Tinyente Guevarra Siya ang tumulong kay Don Rafael para mapawalang-sala. Ikinuwento niya kay Crisostomo Ibarra ang mga nangyari sa kanyang ama. 
Don Rafael Si Don Rafael ang ama ni Crisostomo Ibarra. 
Artilyero Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit dinakip si Don Rafael at lumabas ang mga taong may lihim na galit at inggit sa kanya. 
Padre DamasoIsa siya sa mga may galit kay Don Rafael. 

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang hindi gaanong pamilyar sa mga mambabasa, lalo na ngayong makabagong henerasyon. Ang pag-alam ng mga kahulugan ng mga ito ay makatutulong upang mas maunawaan natin ang nobelang ito. 

Mga Salita Kahulugan 
EreheIto ay ang tumutukoy sa isang tao na hindi sumusunod sa mga turo o aral ng Simbahang Katolika. Sila ay maaaring kabilang sa ibang relihiyon. 
Pilibustero Ito ay isang taong itinuturing na rebolusyonaryo.
Paslit Bata 
Nalagutan ng Hininga / Binawian ng Buhay Namatay 
Huwad Peke o hindi totoo
Artilyero Tumutukoy ito sa sundalong may dalang armas.
Nagdunung-dunungan Pagkukunwari na alam niya ang kanyang ginagawa.

Leave a Comment