Noli Me Tangere Kabanata 3: Ang Hapunan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 3, tinutok ni Rizal ang atensiyon sa espesyal na pagtitipon na inihanda ni Kapitan Tiyago para kay Juan Crisostomo Ibarra. Ang hapunan ay isang pagkakataon para masusing makilala si Ibarra at ang mga pangunahing tauhan ng nobela, pati na rin ang kanilang ugnayan at pag-uugali. Dito rin mas lalong nabubuksan ang iba’t ibang aspeto ng lipunan ng San Diego, kabilang ang mga pag-uugali at paniniwala ng mga tao, kasama na ang ilang pangunahing tauhan tulad ni Padre Damaso.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 3

Dumalo si Crisostomo Ibarra sa isang hapunan. Nakilala niya dito sina Padre Sibyla na masayang dumalo sa nasabing okasyon. Nandoon din si Padre Damaso na hindi masaya sa kanyang pagdalo. Ang iba namang mga bisita ay masaya sa kanilang pagdalo. 

Nagustuhan at pinuri ng mga bisita si Kapitan Tiago dahil sa masasarap na pagkaing kanyang inihanda. Dumalo rin sa hapunan ang Tinyente na nakaapak ng laylayan ng damit ni Donya Victorina kaya nagalit ito. 

Si Ibarra ay sa kabisera ng hapag umupo. Nagkaroon naman ng pagtatalo sa pagitan ni Padre Sibyla at Padre Damaso tungkol sa kung sino ang uupo sa upuan na nasa sentro. Napag-desisyonan nila na si Padre Sibyla na ang umupo sa sentrong upuan. Noong uupo na siya ay napansin niya ang tinyente, kaya inalok ni Padre Sibyla ang upuan para dito. Tumanggi naman ang tinyente spagakat ayaw niyang umupo sa gitna ng dalawang padre. 

Walang naka-alalang mag-alok ng sentrong upuan kay Kapitan Tiago, maliban kay Ibarra. Ngunit katulad ng karaniwang pangyayari sa handaan dito sa Pilipinas, tinanggihan niya ito. 

  Noli Me Tangere Kabanata 46: Ang Sabungan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Napapunta kay Padre Damaso ang upo, leeg, at pakpak ng manok na tinola kaya mas lalo itong nagalit. Napunta naman kay Crisostomo Ibarra ang mga masasarap na parte ng manok na tinola dahil inihanda ang pagkaing iyon para sa kanya. 

Habang sila ay kumakain, nakipag-kwentuhan si Crisostomo Ibarra sa iba pang mga panauhin. Nasabi niya na halos pitong taon siyang wala sa Pilipinas at kailanman ay hindi niya ito nagawang kalimutan. Sa halip, ang Pilipinas ang nakalimot sa kanya, sapagkat wala man lamang nakapag-sabi sa kanya ng mga nangyari sa kanyang amang si Don Rafael. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 3

Ang mga aral na matututunan sa Kabanata 3 ng Noli Me Tangere ay sumisimbolo sa kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino lalo na sa pagtanggap sa mga bisita at pakikisama sa kapwa. Sa maayos na pagtanggap sa kapwa, nagkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mamayan at ito din ay nagbibigay ng oportunidad na mas makilala ang isa’t-isa. 

Mga Aral Paglalarawan
Magiliw na pagtanggap sa mga bisitaAng maayos at masiglang pagtanggap kay Juan Crisostomo Ibarra ng komunidad ni Kapitan Tiyago ay nagpapakita ng kahalagahan ng magandang asal at pagiging mabuti sa kapwa.
Pagpapakita ng mga magagandang tradisyon ng mga Pilipino Ang hapunan ay naglalaman ng mga tradisyon, kaugalian, at ugali ng mga Pilipino noong panahon ng nobela.
Magandang Pakikitungo sa Kapwa Mahalaga ang makitungo sa kapwa ng maayos dahil ito ang mas magpapaganda ng inyong samahan. 
Pagmamahal sa BayanHindi kailanman nakalimot si Crisostomo Ibarra sa bansang Pilipinas

Mga Tauhan 

Narito ang ilan sa Mga Tauhan sa ikatlong kabanata ng Noli Me Tangere na inimbitahan ni Kapitan Tiago sa isang hapunan na inihanda niya para kay Ibarra. Ang interaksyon ng bawat tauhan sa kwento ay nagdudulot ng iba’t-ibang pangyayari at aspeto sa kwento. 

  Noli Me Tangere Kabanata 7: Suyuan sa Asotea – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Juan Crisostomo IbarraAng pangunahing tauhan ng nobela na bumalik mula sa Europa at ang sentro ng atensiyon ng hapunan.
Kapitan Tiyago (Tiago)Ang mayamang kaibigan ni Don Rafael Ibarra at ama ni Maria Clara. Siya ang nag-organisa ng hapunan upang salubungin si Ibarra.
Donya VictorinaIsa sa mga pangunahing panauhin ni Kapitan Tiago.  
Padre DamasoAng kura paroko ng San Diego at isang makapangyarihang prayle. Siya ang nagbigay ng mainit na pagtanggap kay Ibarra sa hapunan.
Padre SibylaAng prayleng may papel sa paghahanda at pag-aayos ng hapunan.
LucasAng mayordomo o tagapamahala ng tahanan ni Kapitan Tiyago.
AlferezAng opisyal ng hukbong Espanyol na nagdudulot ng ilang aspeto ng tensyon sa kwento.
Don Filipo LinoAng kababata ni Ibarra na ipinakilala sa kanya ni Kapitan Tiyago.

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang ginamit sa Kabanata 3 ng Noli Me Tangere na maaaring hindi pamilyar sa lahat ng mga mambabasa. 

Mga Salita Kahulugan 
Talakayan Usapan 
PanguilIsa sa mga lutuin o putahe na inihanda para sa hapunan. Maaaring tinutukoy nito ang isang uri ng pagkain o ulam.
CabeceraTinutukoy ni Padre Dámaso ang kaharian o bayan na tinatawag na “cabecera,” isang termino na maaaring may kaugnayan sa pamahalaan o liderato.
LentejasIsa sa mga lutuing inihanda para sa hapunan, maaaring tinutukoy ang lentejas na isang uri ng butil o prutas.
SentroGitna
TinyenteSundalo
TelegramaIto ay tumutukoy sa isang sulat. 
Kura Pari 
Kinahantungan Tumutukoy ito sa resulta o kinalabasan ng isang pangyayari. 

Leave a Comment