Noli Me Tangere Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere ay naganap sa bayan ng San Diego. Sa kabanatang ito, ilalarawan ang bayan ng San Diego, ang lugar kung saan lumaki sina Ibarra, Maria Clara, at ang iba pang tauhan. Ang bayang ito ay may mga magagandang tanawin at may kaaya-ayang kwento, kultura, at tradisyon. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 10

Ang Bayan ng San Diego ay mayroong mga magagandang tanawin katulad ng ilog, lawa, at bukirin kaya marami ang namamangha rito. Mayaman din ito sa likas na yaman tulad ng kape, asukal, prutas, at bigas. 

Sa tuwing maganda ang panahon, maraming bata ang makikitang naglalaro. May mga pumupunta rin sa kampanaryo upang mas makita ang kagandahan ng lugar at ang iba pang tanawin. Makikita rin dito ang isang ilog na maihahalintulad sa isang ahas sa isang sariwa at luntiang kapaligiran. 

Ang kasaysayan nito ay nagsimula sa kagubatan na malapit sa bayan. Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila na nagkaroon ng interes na makuha o mabili ang isang lupa na malapit sa kagubatan. Walang opisyal na nagmamay-ari sa lupa, kaya ang ginawa ng matanda ay binigyan niya ang mga taong naninirahan doon ng mga salapi, alahas, at damit. 

Makalipas ang ilang araw ay natagpuan ang bangkay ng matanda sa kagubatan. Inilibing nila ang matanda at wala nang dumaan doon matapos ang mga pangyayaring iyon. Itinapon rin nila sa ilog ang mga damit at alahas ng matandang Kastila. Wala namang makapagsabi ng dahilan kung bakit at paano nangyari iyon. Iba’t-iba ang naging kwento ng mga taga-roon sa pagkawala ng matanda. 

  Florante at Laura Kabanata 6: Ang Gererong Taga-Persia – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Pagkalipas ng ilang buwan ay may isang binata ang dumating sa bayan ng San Diego. Siya ay nagpakilala sa mga naninirahan doon bilang anak ng yumaong matanda. Siya ay si Don Saturnino. Napag-desisyonan niya na doon sa lugar kung saan inilibang ang kanyang ama siya magbabahay. Siya ay naging masigasig at masikap sa paghahanap-buhay. 

Nakilala niya doon ang isang Manilenya at ikinasal sila. Ang naging anak nila ay si Don Rafael, na ama naman ni Crisostomo Ibarra. Maraming magsasaka ang natutuwa kay Don Rafael dahil nakita nila ang kanyang pagiging masigasig upang mapaunlad ang bayan ng San Diego. Dahil dito, marami ang naiinggit at nagagalit sa kanya. Naging isang nayon ang kanilang bayan na dating isang baryo lamang dahil sa kanyang pagsisikap. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 10

Ito ang mga aral na ating matututunan sa Kabanata 10 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay nagpapakita ng magandang maidudulot ng pagiging masigasig at masikap ng isang tao. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagiging masigasig at masikap Ang pagiging masigasig at masikap sa buhay ang dalawa sa mga mahahalagang katangian na dapat nating taglayin. Ito ay nagdudulot ng tagumpay sa buhay. Kapag masigasig at masikap ang isang tao, nagkakaroon siya ng lakas ng loob para nakamit ang mga mithiin niya sa buhay. 
Pagtulong at pagmamahal sa bayanMakikita sa angkan ni Crisostomo Ibarra ang pagtulong sa kapwa at pagmamahal sa bayan. Dahil sa kanilang kasipagan, ang dating isang baryo ay naging isang nayon. Kinatutuwaan din sila ng ibang tang naninirahan sa nayon dahil ang kanilang pagsisikap ay nakatulong upang mas umunlad ang bayan at magkaroon ng mga opirtunidad. 
Pagbibigay galang o respeto sa yumaong mahal sa bahay. Katulad ni Don Saturnino, nagbigay-galang siya sa kanyang ama sa pag-aayos ng libingan nito. Dumadalaw rin siya dito paminsan-minsan. Ang simpleng pag-alalang iyon ay nagpapakita ng kanyang respeto at pagmamahal sa yumaong magulang. 
Maging isang mabuting halimbawaNaging isang mabuting halimbawa si Don Rafael kay Crisostomo Ibarra. Katulad ng kanyang ama, gusto rin ni Ibarra na makita ang pag-unlad o pag-asenso ng kanyang bayang kinalakihan. Itinuro ni Don Rafael kay Ibarra ang mga magagandang asal, lalo na ang pagmamahal sa bayan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 10 ng Noli Me Tangere. Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay mas nagbigay kulay sap ag-unlad ng bayan ng San Diego at sa natatanging kasaysayan nito.  Nakilala rin natin ang pinagmulan ng mga magulang at pamilya ni Crisostomo Ibarra. 

  Noli Me Tangere Kabanata 16: Si Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Matandang Kastila Siya ang lolo ni Crisostomo Ibarra at ama ni Don Rafael. Binili niya ang isang lupa sa bayan ng San Diego gamit ang mga materyal na bagay tulad ng damit, salapi, at alahas. 
Don SaturninoSiya ang ama ni Don Rafael. Ipinakita niya ang pagmamahal at respeto sa yumaong ama sa pagsasa-ayos ng kanyang libingan at pagdalaw dito. 
Don RafaelSi Don Rafael ang ama ni Crisostomo Ibarra. Malaki ang naging ambag niya sa pag-unlad ng bayan ng San Diego. Naging isang mabuting halimbawa siya hindi lang sa kanyang anak, kundi pati na rin sa mamamayan ng San Diego. 

Talasalitaan 

May mga salitang nabanggit sa Kabanata 10 na maaaring hindi pamilyar sa mga mambabasa. Ang mga salitang ito ay madalas na naririnig natin sa mga matatanda at mababasa rin sa iba pang kabanata ng nobelang ito. 

Mga Salita Kahulugan 
Luntian Berde
Kampanaryo Parte ng simbahan kung saan nakalagay ang kampana
Nakahimlay Nakalibing
Masigasig Masipag 
Manilenya Babaeng nanggaling o nakatira sa Maynila
Giliw na giliwSayang-saya
Umaalingasaw Umaamoy

Leave a Comment