Isang bagong tauhan ang ating makikilala sa Kabanata 6 ng Florante at Laura. Ito ay hango sa saknong 69 hanggang 82. Ang tauhang ito ay nasa gubat din kung saan nakagapos si Florante. Siya ay taga-Persiya at umalis sa bayan niya dahil nagkaroon siya ng sama ng loob sa kanyang ama, sapagkat inagaw nito ang kanyang sinisinta.
Buod ng Florante at Laura Kabanata 6
May isang taga-Persiya na dumating sa gubat. Maihahalintulad sa isang bayani ang kanyang tikas. Kalingas-lingas ang kanyang putong na turbante at naka-pananamit Moro sa siyudad ng Persiya.
Tumigil siya sa paglalakad at nagtingin ng lugar na kanyang pagpapahingahan. Ang pikat at adarga ay ipinagtapunan at pinagdaop ang kanyang kamay. Tumingala siya sa bubong na gawa sa kahoy na tumatakip sa langit. Nakatayo siya at walang patid ang kanyang hininga.
Nang siya ay mangawit sa kaniyang posisyon ay umupo siya sa isang kahoy at nagwika ng “O palad!”. Kasabay nito ang pagtulo ng kanyang luha. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kaliwang kamay at ang noo naman ay itinutop sa kanan. Sa kanyang anyong ito ay tila may nalimutan siyang isang mahalagang bagay.
Makalipas ang ilang sandali ay humilig siya at nagwalang-bahala at hindi rin kumakati ang bati ng luha. Ang wika niya ay “Flerida’y tapos na ang tuwa!” Sa bawat sandali ay maririnig sa gubat ang tunog ng maraming “Ay! Ay!” Ito ay nakikitono sa mapanglaw na huni ng mga ibong panggabi na doon tumitira.
Maya-maya ay nagulat siyang nagbangon at tiningnan ang pika at kalasag. Nakita sa mukha ang bangis ng Furias at ipinahayag ang wikang “di ko itutulot.”
Ipinahayag ni Aladin ang nilalaman ng kanyang puso. Sinambit niya na kung iba ang umagaw sa sinta niyang Flerida at hindi ang kanyang ama, ay hindi niya masasabi kung ang hawak niyang pika ay magdudulot ng libo’t laksang kamatayan.
Sinabi niyang mula sa itaas ay bababa sa Marte at aahon ang Parkas na nasa ilalim. Ibubulalas nito ang buong galit at yayakagin ng kanyang kamay na marahas. Kahit sino man ay hindi igagalang ng kanyang hawak na patalim, maliban sa kanyang ama.
Ipinahayag niya na sampung mag-aama o henerasyon ang nasasaklak ng pagsintang labis na makapangyarihan kaya naman hahamakin ang lahat masunod lamang, lalo na kapag ikaw ang nasok sa puso ng sino man.
Ang katungkulan ay ipagwawalang-bahala at ang sampu ng hiniga ay ipauubaya. Ang kinahinatnan ng linsil niyang palad ay maihahalintulad sa linaw ng salamin na sukat mahalin, upang hindi maranasan ang kahirapan niya na hindi kayang bathin.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 6
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 6 ng Florante at Laura. Ang mga aral na ito ay naghahatid ng mga magagandang kaisipan na maaari nating gamitin sa ating pamumuhay upang mas umunlad ang ating pakikisama sa ibang tao.
Mga Aral | Paglalarawan |
Pagkakaroon ng Respeto | Kahit na inagaw ng ama ni Aladin ang kanyang kasintahan ay inirerespeto pa rin niya ito. |
Mahalaga ang pagpapahayag ng damdamin | Ang pagpapahayag ay nakatutulong upang ating gumaan ang pakiramdam. Magkakaroon din tayo ng mga realisasyon na makatutulong sa atin upang mas makilala ang ating sarili at mas mapabuti ang ating pagdedesisyon. |
Hahamakin ang lahat masunod lamang ang pagsintang labis na makapangyarihan | Ang lahat ay kayang gawin ng isang tao, maipaglaban lamang ang kanyang pagmamahal. Makapangyarihan ang pagmamahal sapagkat susundin ng tao ang kagustuhan nito. |
Mga Tauhan
Narito ang tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Sila ang mga bagong tauhan na nabanggit sa kwento. Makikilala natin sina Aladin, Flerida, at ang ama ni Aladin na magbibigay kulay sa kwento.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Aladin | Siya ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Siya ay taga-Persia at umalis siya sa tahanan nila sapagkat nagalit siya sa kanyang ama na umagaw sa kanyang sinisinta na si Flerida. Ang kanyang tindig ay maihahalintulad sa isang bayani. |
Flerida | Siya ang sinisinta ni Aladin. |
Ama ni Aladin | Siya ang sinasabi ni Aladin na umagaw sa kanyang sinisinta na si Flerida. |
Talasalitaan
Narito ang mga malalalim na salitang nabanggit sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Upang mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa Wikang Tagalog ay mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito.
Mga Salita | Kahulugan |
Tikas | Tindig |
Putong na Turbante | Ito ay isang uri ng sumbrebro na ginagamit ng mga kalalakihan. |
Kalingas-lingas | Kaalab-alab |
Nagtatanaw-tanaw | Nagtitingin-tingin |
Pikat at Adarga | Ito ay mga sandata na ginagamit sa pakikipaglaban. |
Nagdaop | Nagdikit |
Tumingala | Tumingin sa itaas |
Estatwa | Isang pigura na hindi umiibo o gumagalaw. |
Walang Patid | Dire-diretso o patuloy |
Ngawit | Nangalay sa isang posisyon |
Anyo | Itsura |
Humilig | Sumandal o isinandal ang likod. Ito ay karaniwang ginagawa upang makapagpahinga ng maayos. |
Palaso | Ito ay tumutukoy sa pana. Ginagamit ito ng ating mga ninuno upang protektahan ang kanilang mga sarili. |
Himutok | Ito ay tumutukoy sa pagdaramdam, tampo, daing, o hinaing. |
Itutulot | Papayagan o pahihintulutan |
Tangan | Hawak |
Libo’t laksa | Tumutukoy sa bilang na madami |
Marahas | Mapanakit o mapang-abuso |
Nasasaklaw | Nasasakop |