Ang sulating ito ay naglalaman ng buod ng kabanata anim ng El Filibusterismo na pinamagatang si Basilio. Maliban sa buod ng Kabanata ay itinatampok rin ang mga tauhan na nabanggit sa nobela. Isinama na rin ang mga aral na matututunan sa kabanata ng El Filibusterismo at maging talasalitaan na binigyan ng kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 6: Si Basilio
Si Basilio ay palihim na nag tungo sa gubat ng tumunog na ang batingaw ng Simbahan hudyat ng Noche Buena. Pinuntahan ni Basilio ang libingan ng kanyang ina at ipinagdasal ang kaluluwa nito, muli nyang ginunita ang ala-ala ng kanyang namayapang ina na may labintatlong taon ng namamatay. Maliwanag ang gabi noong mga panahong iyon kasabay ng kapaskuhan at patakbo siyang pipilay pilay habang hinahabol si Sisa, ang kaniyang inang nawala sa sarili. Nang may dumating na isang lalaking sugatan at pinahakot siya ng mga kahoy upang ipang sunog sa bangkay ng kaniyang sariling ina ang ng isang sugatang lalaki. Maya maya’y may dumating pang isa pang lalaki na tumulong sa paglilibing ng kaniyang ina.
Matapos ito ay umalis si Basilio sa gubat at lumuwas ng Maynila na may baong sakit sa damdamin. Ng dahil sa hirap ay naisip pa niyang pasagasa sa karwahe. Noo’y nakita niya si Kapitan Tiyago galing Beateryo na katatapos lamang dalhin doon si Maria Clara. Kinuha siyang utusan nito at pinag aral sa Letran. Ang una nyang taon sa pag aaral ay hindi naging madali, minaliit sya ng dahil sa kaniyang lumang kasuotan at ang tanging nalalaman lang na salita ay ang kaniyang pangalan at adsum na ang ibig sabihin ay naririto po. Nang dumating ang pagsusulit ay naging matagumpay ang pagsusumikap ni Basilio na may markang aprubado ang siyam niyang kasabay sa pagsusulit ay nangag ulit lahat.
Ikatlong taon ay tinanong siya ng kaniyang guro na isang Dominiko upang pagpatawa sa klase pagkat akala nito at tanga si Basilio ngunit nasagot ito ng binata, para siyang loro na diredirecho sa pag sagot kung kaya’t hindi na siya tinanong sapagkat ang pagtatanong dito ay di naman magbibigay ng katatawanan sa klase. Nawalan ng sigla ang kaniyang pag aaral ng taon na ito ngunit isang propesor ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete at inanyayahan ang mga estudyante na siya namang inilaban niya sa mga kadete. Nagwagi si Basilio sa labanan na siyang dahilan para makilala siya ng propesor. May mga nakuha siyang medalya at sobresaliente ng magtapos.
Namumuhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula ng mag mongha si Maria Clara. Pinalipat nito ng paaralan si Basilio sa Ateneo Municipal. Dito ay malaki ang natutunan ni Basilio, siya ay nagsulit sa pagka batsilyer. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang propesor, muling nagsulit at kumuha ng Medisina. Si Basilio ay naging matiyagang estudyante siya rin ay masipag kung kaya’y hindi pa man siya ganap na isang doctor ay nakapang gagamot na siya. Kasalukuyang nasa huling taon na ng pag aaral si Basilio, plano niyang pakasalan si Huli matapos ang kaniyang pag aaral.
Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 6?
Maging masikap upang kahit papaano ay umangat sa buhay – Gaya na lamang ni Basilio na isang ulila na lumuwas ng Maynila at swerteng nakupkop ni Kapitan Tiyago, pumasok buling utusan at swerte namang pinag aral. Si Basilio ay nag simula sa walang kaalaman maliban sa kaniyang pangalan at dahil sa kaniyang kasipagan at pagtatyaga ay natuto at ngayoy kinikilala na ng dahil sa kaniyang pang gagamot kahit na hindi pa siya ganap na isang Doctor. Magandang gawing isang inspirasyon si Basilio para sa lahat na nawawalan ng pag asa sa buhay na maaaring mabago ang lahat basta maging masikap.
Huwag mang maliit ng kapwa – Gaya ng propesor ni Basilio na isang Dominikano na balak gawing katawa tawa si Basilio sapagkat inaakala niya na ito ay tanga at hindi makaka sagot sa kaniyang mga itatanong ngunit nagkamali siya ng masagot ni Basilio ang kaniyang mga katanungan na parang isang loro na madaldal at maalam. Maaaring mukhang tanga ang tao o mukhang walang alam pero hindi ito dahilan para maliitin ang tao o gawin siyang katawa tawa lalong lalo na sa harap ng ibang tao dahil hindi natin alam ang kapasidad ng isang tao. Maaaring kimi lamang ito o hindi pala kibo dahil yon na ang kaniyang pag uugali una pa lang pero may itinatagong dunong.
Magandang katangian ang kalakasan ng kalooban – Gaya na lamang ni Basilio na isang ulilang lubos na matapos mamatay ang kaniyang Inang si Sisa ay naglakas loob na lumuwas ng Maynila dala lamang ang lakas ng loob upang subukang mabuhay. Kung hindi ito ginawa ni Basilio na sinamahan naman ng swerteng nakita niya si kapitan tiyago ay malamang na hindi niya sasapitin ang kalagayan niya sa kasalukuyan ng nobela. Sa tunay na buhay ay yung mga malalakas ang loob ang siyang nagtatagumpay.
Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 6?
Basilio – Isang binatang nag aaral ng Medisina. Kinupkop at ginawang utusan ni Kapitan Tiyago at pinag aral sa Letran at ng lumaon ay sa Ateneo municipal. Anak ni Sisa na nawawala sa katinuan. Kasalukuyang taga pangalaga ni Kapitan Tiyago.
Sisa – Ang ina ni Basilio na nawala sa katinuan. Noong mag laon ay namatay at inilibing sa gubat.
Kapitan Tiyago – Isang kilalang tao sa San Diego. Kinilalang Ama ni Maria Clara. Ang kumupkop kay Basilio at ginawa itong utusan at nagpa aral sa binatilyo. Nalulong sa Opyo.
Maria Clara – Kinilalang anak ni Kapitan Tiyago. Ihinatid sa Beateryo para mag mongha.
Talasalitaan
Batingaw – Kampana na kadalasang natatagpuan sa tuktok ng kampanaryo ng simbahan.
Noche Buena – Salo salo sa pag salubong sa kapaskuhan. Isang kaugaliang Pilipino na minana natin sa mga kastila.
Pagtatalsakan – Pagaayos. Halimbawa: Kukunin ng mga mag aaral ang pagtatalsakan ng mga gagamitin sa palaro.
Muhi – Galit. Halimbawa: Namumuhi akong makita ang taong iyon sa hindi ko malamang dahilan.
Mongha – Madre.