El Filibusterismo Kabanata 36: Mga Kapighatian ni Ben Zayb – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 36 ay tungkol sa mga kapighatian ni Ben Zayb. Gumawa siya ng balita tungkol sa pangyayari ngunit hindi ito nailathala sapagkat isang mataas na pinuno ang nagbawal. Sa kabanatang ito rin ay matutunghayan ang mga nangyari sa mga ginawa ng mga tulisan, sa kanilang pinuno, at sa iba pang mga pangyayari. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 36

Kaagad na umalis sa bahay ni Kapitan Tiyago si Ben Zayb at pumunta sa kanyang tanggapan upang isulat ang mga pangyayari. Ang pinalabas niyang mga bayani ay ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custudio, at Padre Salvi. Naghahangad din ang lathalain ng maayos na pag-alis at paglalakbay ng Kapitan Heneral. 

Ibinalik naman ng patnugon ng pahayagan ang sinulat niyang ito, sapagkat pinagbawal ng Heneral ang pagbanggit tungkol sa mga pangyayari nang gabing iyon. 

Mula sa Pasig ay dumating ang isang balita. Sinasabing ang bahay-pahingahan daw ng mga prayle ay nilusob ng maraming tulisan. Nakakuha ang mga ito ng halagang dalawang libong piso. Ang dalawang utusan at ang isang prayle ay malubha ang kalagayan. 

May ideya namang sumagi sa isipan ni Ben Zayb. Naisip iyang gawing bayani ang kura sa kanyang pagtatanggol at nagkasira-sira ang isang silya na ginamit sa pakikipaglaban sa mga tulisan. 

Pumunta siya sa Pasig. Nakita niya roon na si Padre Camorra ang nasugatan. Sa lugar na iyon siya pinagtika sa mga kanyang mga ginawang kasalanan sa Tiyani. May pasa siya sa ulo at may sugat sa kamay. Tatlo ang magnanakaw na may dalang gulok at nasa halagang limampung piso ang nanakaw. Sinabi naman ni Ben Zayb na ang salaysay ni Padre Camorra ay hindi tama. Dapat daw ay gawing marami ang mga tulisan. 

  Florante at Laura Kabanata 30: Masayang Wakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

May mga tulisan na nadakip. Inanyayahan daw silang sumama sa grupo ni Matanglawin upang lumusob sa kumbento at sa bahay ng mga mayayaman. Ang isang Kastila raw ang mangunguna sa kanila. Inilarawan ito bilang mataas, may puting buhok, at kayumanggi. Sinabi rin daw nito na siya kumikilos sa utos ng matalik niyang kaibigan, ang Kapitan Heneral. 

Ang mga artilyero raw ay katulong din niya, kaya walang dapat ipangamba. Isang malakas na putok daw ang magiging hudyat, ngunit wala silang narinig na putok. Akala ng mga tulisan ay nalinlang sila, kaya umurong na ang iba nilang kasama. Nagbalik naman ang iba sa bundok at binalak na maghiganti sa Kastila na dalawang beses nang nanloko sa kanila. Nagdesisyon naman ang tatlong tulisan na manloob. 

Ang mga tulisan ay ayaw paniwalaan na si Simoun ang kanilang pinuno. Ngunit, hindi naman makita si Simoun sa tahanan nito. May mga nakita rin doong mga pulbura at bala. Naghanda naman ng habla laban kay Simoun si Don Custudio. Ang mga balita tungkol sa mag-aalahas ay mabilis na kumalat at hindi makapaniwala ang karamihan. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 36

May mga aral tayong matututunan sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Ang mga aral na makukuha natin sa kabanatang ito ay magbibigay sa atin ng inspirasyon, motibasyon, at magandang kaisipan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagbabalita ng tapat Malaki ang papel na ginagampanan ng balita sa ating lipunan. Ngunit may mga balita na hindi totoo, kaya mahalaga na suriin muna ang mga balitang nababasa o naririnig. Maaaring magdulot ng takot, pangamba, at kalituhan ang mga maling balita. Bago ipahayag ang isang balita, siguraduhin na ito ay nanggaling sa mapagkakatiwalaang tao o pahayagan. 
Mahalaga ang pagiging alerto Ang pagiging alerto sa bawat oras ay mahalaga. May mga taong gumagawa ng masama upang makapaghiganti at hindi isinasa-alang-alang ang ibang taong maaapektuhan ng kanilang mga desisyon o aksyon. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 36 ng El Filibusterismo na pinamagatang “Mga Kapighatian ni Ben Zayb.” Ang pagkakaiba ng pinagdaraan, paniniwala, at karakter ng mga tauhan ay nagbibigay ng kulay sa kwento. 

  Florante at Laura Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Ben Zayb Nagsulat siya ng lathalain tungkol sa mga pangyayari. 
Patnugot ng pahayagan Ibinalik niya kay Ben Zayb ang sinulat nito. 
Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Don Custudio Sila ang pinalabas ni Ben Zayb na mga bayan isa lathalain na kanyang sinulat. 
Tulisan Sila ang mga lumusob sa kumbento at bahay ng mga mayayaman. 
Padre Camorra Siya ang natagpuan ni Ben Zayb sa Pasig. Nakita niyang may sugat ito sa kamay at pasa sa ulo. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng El Filibusterismo ay may mababasa tayong mga malalalim at matatalinhagang salita. Upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa sariling wika, mahalaga na malaman natin ang kahulugan ng mga ito. 

Mga Salita Kahulugan 
Tinungo Ito ay nangangahulugan na pinuntahan. 
Lathalain Ito ay isang sulatin na tumatalkay ng mga pangyayari o kaganapan. Maaari itong magbigay ng payo, aral, at maglahad ng katotohanan. 
Pagyao Ito ay nangangahulugan ng pag-alis o paglipat ng lugar. 
Nilusob Pagsalakay 
Guni-guni Ito ay tumutukoy sa isipan. 
Taglay Ito ay kasingkahulugan na dala o hawak 
NilinlangNiloko o dinaya 
Umurong Bumalik o hindi na tumuloy 
Matalik Kilalang-kilala, Kapalagayang-loob, o katapatang-loob 

Leave a Comment