El Filibusterismo Kabanata 3: Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang sulating ito ng ikatlong Kabanata ng El Filibusterismo ay naglalaman ng maikling buod ng nobela na pinamagatang “Mga Alamat”. Naglalaman rin ito ng mga tauhang ipakikilala sa bandang hulihan ng artikulo, aral na makukuha sa nobela at maging Talasalitaan na ginamit sa Novela. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 3: Mga Alamat

Nang pumanhik si P. Florentino sa Kubyerta ay wala ng ni isa mang nagtatalo. Tila naaliw na ang atensyon ng mga lulan ng Bapor sa magagandang tanawing nadaraanan nila at yung iba namay nag aabang na ng pananghalian, nagbibiruan na rin ang mga nagtatalo kani-kanina lamang. 

Masamang panahon! Masamang panahon wika ni P. Sibilya. Agad naman itong sinaway ni P. Irene. Sinaway sila ni P. Camorra at sinabing pag hindi magtigil ay iiyak na sya. Nagsabi itong hindi sila dumadaing kahit na silay walang lupain at bangko. Nagsisimula na umano ang pagtawad sa kanila ng kanyang mga Indio at inuukilkil na ang kanyang taripa. Sinabi rin nito na siyay pinatawan ng taripa na tila ba hindi nagmamahal ang nga bilihin. Sinabi rin nitong hindi sila makamkam at humihingi ng pag sang ayon kay Padre Salvi

Biglang pag dating ni Simoun na nooy tinanong ni D. Custodio kung saan nanggaling at sinagot siya nito na naka kita sya ng magagandang tanawin ngunit kung walang alamat ay sayang ang kanyang nakikita. 

Isinalaysay naman ng Kapitan ng bapor ang alamat ng malapad na bato na nooy banal para sa mga katutubo noong mga panahon na hindi pa naiimpluwensyahan ng katolisismo ang mga tao sa lugar. Isa daw itong tahanan ng mga Espiritu ngunit noong mauso ang mga tulisan mas natakot ang mga tao sa tulisan kaysa espiritu. 

  El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Sinabi ng Kapitan kay Simoun na bukod sa Alamat ng Malapad na Bato ay may isa pang alamat na ukol naman kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ay nagsimula ng mag kwento. Noong araw daw ay may magkasintahan sa España, ang lalaki ay naging Arsobispo ng Maynila. Nag balat-kayo naman ang babae upang sundan ang lalaki sa Maynila upang hingin dito ang pangako nitong sila’y pakakasal. Itinira ng Arsobispo sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig. 

Nakaramdam ng inggit si Donya Victorina na gusto na ring manirahan sa kweba kasama ng kanyang minamahal, nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Samantalang tinanong naman ni Simoun si Padre Salvi kung hindi ba mas mainam ang ilagay sa beateryo tulad ni Santa Clara? Ngunit ang tugon ni Padre Salvi ay hindi sya makapag papasya sa anumang ginawa ng Arsobispo at para naman mabaho ang ihip ng hangin at paksa ay nag kuwento na lamang tungkol kay San Nicolas na nag ligtas sa tiyak na kamatayan sa isang Intsik, sapagkat ang mga buwaya ay nangagsipagbago at naging bato nang magdasal ang Intsik sa San Nicolas. 

Nang makarating sila sa lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan ng Bapor kung saang parte ng lawa napatay ang isang Ibarra o Navarra o Guevarra, at itinuro ng Kapitan ng Bapor ang lugar. Samantalang si Donya Victorina naman ay naghahanap ng bakas ng pagkamatay sa tubig ngunit labing tatlong taon na ang nakalipas matapos maganap ang pangyayari na iyon.

Nakasama raw ng Bangkay ng Ama ang bangkay ng Anak biro naman ni Padre Sibyla, sumagot naman si Ben Zayb na iyon na yata ang pinaka murang libing. Sila ay nagtawanan si tinuran ng dalawa habang si Simoun ay namumutla at walang kakibo-kibo. Hindi ito kumikibo kung kayat ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na ito ay nahilo sa kanilang paglalakbay. 

  Noli Me Tangere Kabanata 36: Ang Unang Suliranin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 3?

Hindi lahat ng biro ay nakatutuwa – Gaya na lamang ng pagbibiro ni Padre Sibyla at Ben Zayb ukol sa bangkay ng isang Ibarra o Guevarra o Navarra na napatay sa ilog. Hindi magandang salaulain ang isang patay sapagkat ito ay nananahimik na. 

Hindi maganda ang pagtatalo – Ang pagtatalo gaya ng ginawa ng mga lulan ng Bapor ay hindi magandang halimbawa lalo na sa mga nakaririnig. Mas mabuti na pag usapang mabuti ang mga bagay bagay upang hindi ito pag talunan at humantong sa hindi pagkaka unawaan. 

Ang mga hindi magandang pangyayari ay mabuting huwag ng uriratin – Gaya ng pagtatanungan ng mga lulan ng bapor ukol sa isang Ibarra at sa insidente na kinasasangkutan nito na naganap sa ilog. Mabuting huwag na lamang pag usapan ang mga bagay na kagaya nito lalong lalo na kung hindi mo alam kung sino ang mga nasa paligid. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 3?

D. Basilio Sancho, Puñales – Nabanggit na isang Arsobispo.

Simoun – Isang alahero at pinaniniwalaang taga bulong ng Kapitan Heneral. Kilala rin sa bansag na Cardinal Moreno. Isang misteryosong lalaki. 

Padre Salvi – Isang paring Kastila na tinanong ni Simoun tungkol sa beateryo na sumagot na hindi siya makatutugon sa mungkahi ni Simoun sapagkat wala syang kapangyarihan laban sa utos ng Arsobispo. 

Kapitan ng Bapor – Ang kapitan ng Bapor na sinasakyan nila Basilio, Isagani, Simoun at marami pang iba. Siyang nag salaysay ng Alamat. 

P. Florentino – Isang matandang paring Kastila. Napilitan mag pari dahil sa ina. Amain ni Isagani. 

  Florante at Laura Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

P. Irene – Paring Kastila na lulan ng Bapor. Madalang mag salita. 

P. Camorra – Paring Kastila kasama nila P.Irene at Padre Salvi. Paring mas nakikipag usap sa mga lulan ng bapor. 

P. Sibilya – Isang paring kastila na lulan din ng Bapor. Kasamahan ng iba pang pari. 

Ben Zayb – Isang makata na lulan ng Bapor.

Donya Victorina – Isang Pilipina na mahilig sa kolorete at magagarbong kasuotan na siya ring sakay ng bapor upang sundan at pauwiin ng asawa. 

Basilio – Mag aaral ng Medisina. Kaibigan ni Isagani at naging taga pangalaga kay Kapitan Tyago na nalulong sa Opyo. 

Isagani – Pamangkin ni P.Florentino isang makata at kaibigan ni Basilio. 

Talasalitaan

Indio – Tawag sa mga Pilipino na walang dugong Kastila. 

Inuukilkil – Inuurirat. Tinatanong. 

Taripa – Tax o bayarin para sa gobyerno. 

Tulisan – Magnanakaw, Bandido. 

Ukol – Para, Tungkol.

Balat-kayo – Nagpapanggap.

Yungib – Kweba. 

Beateryo Kumbento o Bahay na tinitirhan ng mga madre. 

Leave a Comment