Noli Me Tangere Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang kabanata 49 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang “Ang Tinig ng mga Pinag-uusig.” Matutunghayan natin dito ang pagpapaliwanag ni Elias kay Ibarra tungkol sa kalagayan ng mga sawimpalad at ang mga plano niya. Sinabi ni Ibarra na ang planong ito ay hindi makabubuti sa kanilang kalagayan. Nagkapalitan din sila ng kuro-kuro. Dito ay malalaman natin kung pumayag ba si Ibarra kay Elias na tulungan ang mga sawimpalad o hindi. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 49

Napansin ni Elias na waring hindi nasisiyahan si Ibarra nang sumakay ito ng bangka. Kaagad na humingi ng paumanhin si Elias dahil inabala niya si Ibarra. Sinabi naman ni Ibarra na nakasalubong niya ang alperes at gusto siyang makausap nito. Nag-alala siya na makita ng alperes si Elias kaya nagdahilan na lamang siya. Ayon naman kay Elias ay hindi siya matatandaan ng alperes. Naalala naman ni Ibarra ang pangako niya kay Maria Clara na dadalaw siya kaya napabuntong-hininga siya. 

Si Elias ay hindi na nagsayang ng oras at sinabi na siya ay sugo ng mga naaapi o sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang mga napagkasunduan ng pinuno ng mga tulisan (Kapitan Pablo). Hindi hayagang sinabi ni Elias ang pangalan ng pinuno. Sinabi niya ang kahilingan ng mga ito na magkaroon ng pagbabago sa lipunan tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbabawas ng kapangyarihan ng gwardiya sibil, at pagbibigay ng dignidad sa mga tao. 

Si Ibarra ay handang gumastos para pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid at kaya din niyang pakiusapan ang Kapitan Heneral, subalit ang kanilang balak ay hindi makabubuti at baka mas lalo pa silang mapahamak. 

  Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sinabi ni Ibarra na kapag binawasan ang kapangyarihan ng mga gwardiya sibil ay maaaring mapahamak ang mga tao. Inihalintulad ni Ibarra ang sitwasyon sa paggamot sa sakit. Dapat ay ang sakit mismo ang gamutin at hindi ang mga sintomas. Kailangang ilapat ang panlunas kahit na ito ay mahapdi lalo na kung ito ay makabubuti. 

Nais ng mga gwardiya na matigil ang kasamaan kayat ang paggamit ng lakas, paggawa ng marahas, at pananakot ang kanilang solusyon. Kapag inalis ang mga kapangyarihang ito sa gwardiya sibil ay mapapahamak ang bayan at mawawala ang kaayusan at katahimikan. Wala raw kabutihang naihahatid ang mga gwardiya sibil sapagkat hindi makatarungan ang kanilang pamamaraan katulad ng panghuhuli ng mga kaawa-awang mamamayan, pagpapahirap sa mga nakalimot magdala ng cedula, at marami pang iba. Dahil sa pagkagutom ay may mga tulisan na bago pa man magkaroong ng mga gwardiya sibil. 

Sinabi ni Elias na ang mga sawimpalad ay gustong magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng mga prayle at ang pagtangkilik laban sa mga korporasyon. Tugon naman ni Ibarra ay may utang na loob ang bayan sa mga prayle dahil sa pananalig at sa pagtangkilik laban sa paggamit ng dahas ng mga taong makapangyarihan. 

Makikita ang pagmamahal ni Elias at Ibarra sa bayan sa kanilang mga kuro-kuro. Pero, hindi napapayag ni Elias si Ibarra na tumulong sa mga sawimpalad. Sinabi niya kay Ibarra na sasabihin na lamang ni Elias sa mga sawimpalad na sa Diyos o sa kanilang mga bisig na lamang ililipat ang tiwala. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 49

Mahalagang isapuso at isaisip ang mga aral na natututunan natin sa bawat Kabanata ng Noli Me Tangere dahil ito ay nagpapakita ng mga sitwasyon ng mga nasa taas at mababang katayuan at kung paano nila nasosolusyonan ang mga problemang kanilang kinakaharap. 

  El Filibusterismo Kabanata 2: Sa Silong ng Kubyerta - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Aral Paglalarawan 
Pag-respeto sa pananaw ng bawat isaInirespeto nina Elias at Ibarra ang kanilang magkaibang pananaw at pagtingin sa mga suliraning kinakaharap ng bayan. Magkaiba man sila ng paniniwala ay hindi ito nakaapekto sa kanilang samahan. Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na kaisipan upang makagawa ng mas magandang solusyon. 
Alamin ang tunay na dahilan ng mga problema Mahalagang alamin ang totoong dahilan upang makahanap ng magandang solusyon na makabubuti para sa lahat. 
Pag-isipang mabuti ang magiging resulta ng isang bagay na gagawin upang malaman kung ito ay makabubuti o hindi. May mga desisyon tayo na sa tingin natin ay ito ang magandang solusyon para sa suliranin. Mabuting alamin ang magiging resulta nito para sa nakararami. Hindi dapat ang emosyon ang ginagamit sa paggawa ng solusyon. 

Mga Tauhan 

Narito ang dalawang tauhan sa Kabanatang ito ng Noli Me Tangere. Ipinahayag nilang dalawa ang kanilang mga saloobin, pananaw, at opinyon sa mga suliranin na kinakaharap ng bayan at ipinakita nila ang pagmamahal nila sa bayan. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Ibarra Sa kanya humingi ng tulong si Elias para ipagtanggol ang mga sawimpalad. 
Elias Ipinaliwanag niya kay Ibarra ang kalagayan ng mga sawimpalad at ang mga plano nila. 

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang nabanggit sa Kabanata 49 ng Noli Me Tangere. Ang mga salitang ito ay maaaring hindi pamilyar sa ilang mambabasa, sapagkat hindi na ang mga ito madalas na ginagamit sa pakikipagtalastasan kaya mahalagang malaman ang kahulugan ng mga ito. 

Mga Salita Kahulugan 
Hinaing Protesta o reklamo
Sawimpalad Mga pinag-uusig o inaapi
Dignidad Pagrespeto sa sariling Karapatan
Adhikain Layunin o Mithiin 
Balak Plano o Layunin 
Napahinuhod Napapayag 

Leave a Comment