Ang artikulong ito ay naglalaman ng buod ng ika labing pitong kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Ang Perya sa Quiapo. Bukod sa pag buod sa Kabanata labing pito ay ipakikilala rin ang mga tauhan na mababanggit sa naturang kabanata ng Nobela. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na mapupulot sa kabanata labing pito at maging mga talasalitaan na bibigyan naman ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mag babasa.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
Punong-puno ng panonoorin at manonood ang perya. Maganda ang Gabi noon. Ang labindalawang katao galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa naman si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong nito si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, sambit ng makamundong prayle sabay kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y naiinis sa bawa’t taong tumititig kay Paulita.
Samantala sina Padre Camorra ay pumasok sa tindahan ng mga tau-tauhang kahoy. Naghawigan sila ang isa raw ay kahawig ni Padre Camorra at ang isa nama’y kahawig ni Ben Zayb. Napansin nila na marami sa Lilok ay anyong Prayle. May nakita rin silang isang kuwadrong tanso ng na naglalaman ng babaing pisak ang mata na gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot naman si Ben Zayb na ang larawang iyon ay batay lamang sa pamagat nito na “La Prenza Filipina” o prinsang ginagamit sa Pilipinas.
Samantala ang isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaki na nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Ang pamagat nito ay “Bayan na Akaba”. Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang silang larawan na kahawig naman ni Simoun. Hinanap nila sa paligid ang mag-aalahas. Sa kasamaang palad ay hindi nila ito natagpuan. Ayon kay Padre Camorra ay malamang natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa palabas ni Mr. Leeds. Habang sinabi naman ni Ben Zayb na: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds.
Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 17?
Hindi magandang gawain ang ginagawa ni Padre Camorra na isang lingkod Diyos ngunit tila mahilig tumingin sa magagandang galaga. Hindi ito maganda para sa imahe niya bilang isang pari. Ang makamundong pari ay hindi dapat tularan.
Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 17?
Padre Camorra – Isang paring Kastila na mahilig tumingin sa magagandang babae.
Ben Zayb – Ang kaukausap ni Padre Camorra habang naglilibot sa perya sa Quiapo.
Paulita – Nobya ni Isagani na nabanggit sa Nobela.
Isagani – Ang Kasintahan ni Paulita na naiinis sa mga tumitingin sa kaniyang kasintahan.
Donya Victorina – Kasakasama nina Paulita at Isagani na dumating.
Simoun – Bigla na lamang nawala sa eksena. Hinahanap nina Padre Camorra at Ben Zayb nang maka kita ang mga ito ng larawan sa kwadro na kahawig ni Simoun.
Talasalitaan
Makamundo – Pag iisip ng mga bagay bagay sa maka mundong paraan.
Lilok – Ukit
Gulagulanit – Sira sira.
Perya – pista o karnabal
Kubol – maliit na tindahan o puwesto
Kuwadro – larawan o likha na pintado
Pisak – magulo o kalat-kalat
Hanggal – mangmang o ignorante